34: Game of Life

1.5K 67 10
                                    

Ashton

Kung ano man ang iniisip ngayon ni Christian ay sigurado akong hindi iyon maganda, malako itong ngumisi sa akin habang pinindot ang camera para i-record kung ano man itong tanginang gagawin niya.

"Here is the mechanics Ash. I'll be telling you a riddle and you need to give me the right answer. If in any case you spit the wrong answer, I'm gonna cut your arms and if you give me three wrong answers, you're going to drink either the juice or the milk." Sambit ni Christian at hindi ko maiwasang pagak na mapatawa nang marinig ang sinabi nito.

"Don't you think that's a little bit unfair?" Tanong ko rito at tinaasan ito ng kilay.

"I don't think so, if you give me the right answer then the situation will be reverse, you have now the chance to cut any parts on my body, and if you give me three correct answer I'm going to drink either the juice or the milk too." Tugon nito at biglang may inilabas na isang parang kutsilyo at inilapag iyon sa mesa.

He is not joking. What the fvck?

"It's still unfair, you know the questions and I know you won't ask me things that I can answer easily." Reklamo ko rito habang pinipilit ang sariling pakalmahin.

"Well, it's not my problem anymore." Tugon ni Christian at naupo sa isang sofa katapat ng sa akin. Mga isang minuto siguro kaming nagtitigan lang bago biglang ngumisi sa akin si Christian, napalunok ako ng laway dahil sa paraan ng pagngisi niya sa akin na para bang alam niya kung ano ang susunod na mangyayari sa akin.

This is fvcking insane. Bakit ako iniwan ni Mason sa lalaking ito?

"Shall we start?" Biglang tanong ni Christian na mariin ang tingin sa akin.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ako mahinang tumango-tango kay Christian. I guess I just have to go with the flow, as long as Christian is not planning on killing me then I'm good.

I can seduce him, I don't know pero bigla ko lang naalala iyong sinabi sa akin ni Luciano noong tini-train pa niya ako. Kung hindi ko kayang patumbahin ang kalaban gamit ang aking pisikal na lakas, maaari kong akitin ang aking kalaban hanggang sa mahulog ito sa aking patibong.

But am I ready to kill someone?

"Okay, let's fvcking start." Sambit ko kay Christian dahilan para mas lalo pang lumawak ang ngisi sa mga labi nito.

"What is special about these words: job, polish, herbs?" Unang tanong ni Christian na nagpanganga sa akin.

That's when I knew I'm doomed.

Kahit na anong pilit kong isipin kung ano ang sagot sa sinabi nito ay wala akong mahagilap na sagot. Nang lumipas ang halos isa o dalawang minuto na wala akong maisip ay sumuka na ako, kinuha ko ang kutsilyo na nasa mesa at itinulak ito patungo sa pwesto ni Christian. Ngumiti ito sa akin nang makita ang aking ginawa.

"You don't even try so hard." Sambit ni Christian at napailing-iling na lamang na kinuha ang kutsilyo sa may mesa at naglakad patungo sa akin. Halos panawan ako ng ulirat habang unti-unting lumalapit sa akin si Christian.

"Give me your arms." Utos ni Christian, napalunok ako ng laway sa sobrang kaba pero wala na naman akong magagawa. Nanginginig ako habang inaangat ko ang aking braso.

"Don't worry, this will just sting for a day." Pananakot sa akin ni Christian at parang demonyong tumawa, hindi ito nakatulong sa kabang nararamdaman ko.

"Ugh! Ugh! Ugh! Fvck ugh!" Ungol ko nang maramdaman ang sakit nang paghiwa ni Christian sa aking braso, nanlaki ang aking mata nang makita ang sugat sa aking braso at ang dugo ko na tumutulo sa may sofa.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon