38: Hide & Seek

1.4K 68 0
                                    

Ashton

"Hey! Ashton wake up." Sobrang sakit ng ulo ko nang maramdaman kong may yumuyugyog sa aking katawan, hindi ko alam kung sino ang gumigising sa akin, mahina kasi ang boses nito na para bang bumubulong pang ito sa akin.

"Hmm." Ungol ko at tinabig ang kamay ng kung sino mang lalaki ang gustong gumising sa akin.

"What the fvck man? Wake up, it's not safe anymore." Sambit ng lalaki at mas lalo pang niyugyog ang aking katawan kaya kahit na ayokong imulat ang aking mga mata dahil sa sobrang sakit pa ng ulo ko ay wala akong nagawa kundi ang unti-unting idilat ang aking mga mata. Nang una ay hindi ko pa masyadong maaninag ang mukha ng lalaki dahil sa nakakasilaw na chandelier na nasa taas pero kalaunan ay naging klaro na sa akin ang mukha ng lalaki.

"M-Mason?" Mahinang sambit ko at hindi ko mapigilang mapakunot-noo dahil parang hindi ito mapalagay. Dahan-dahan akong bumangon at nang makitang nahihirapan ako ay agad akong tinulungan ni Mason. Inilibot ko ang aking paningin sa aking paligid at laking pagtataka ko dahil hindi ko maalalang pumasok ako sa loob ng kwarto na 'to.

"How did I get here?" Takang tanong ko kay Mason pero nagkibit-balikat lang ito.

"I don't know and we don't have time to talk about how you get here, we need to go." Sambit ni Mason na para bang kinalabahan ito.

"W-What's happening, Mason?" Tanong ko sa kanya at hindi na rin mapigilan ang aking sarili na hindi makaramdam ng kaba, lalo nang makitang may hawak itong baril.

"What the hell is going on? Why are you holding a gun?" Natatakot kong tanong kay Mason at agad na napaatras hanggang sa hindi ko namalayan na nasa gilid na pala ako ng kama dahilan para mahulog ako at tumama ang pwet ko sa malamig na semento.

"Fvck!" Mura ko at pinilit ang sarili na makatayo.

"I don't have time to explain, Ashton. Just fvcking follow me and stop asking me questions." Tugon nito at isinuksok ang hawak na baril sa kanyang waistband. Walang lingon-lingon na lumabas ito sa kwarto, kahit na naguguluhan ako ay pinilit ko ang aking sarili na maglakad at sundan si Mason. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, wala akong maalala na dahilan kung bakit nagkakaganito si Mason.

"Hurry," sambit ni Mason at hinigit ang aking kamay at mabilis na naglakad palabas ng hotel. Habang naglalakad kami sa pasilyo, akmang liliko na si Mason ng bigla itong mapaatras na ikinagulat ko.

"Shít, they're here already." Sambit ni Mason na parang natatakot base sa panginginig ng boses nito. Sa sobrang kuryusidad ko kung ano ang tinutukoy nito ay sumilip ako sa pasilyo kung saan dapat kami liliko at nanlaki ang aking mata ng makita si Ron na tinatanong ang receptionist ng hotel.

"Hey! We need to hide, stop peeking." Sambit ni Mason at muli akong hinila, hindi ko mapigilang magtaka kung bakit nagkakaganito si Mason.

Shít! Paano nito nalaman na nagtatago ako kay Luciano at sa mga tauhan nito? Sinabi kaya ni Fred kay Mason ang totoo.

"Get in here." Utos ni Mason at itinulak ako papasok sa isang pintuan, sa sobrang gulo ng aking isipan ay hindi ko na alam kung nasaan ako, tanging ang madilim na kapaligiran lamang ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa pintuan.

"H-How did you know that I'm running from that man you saw on the desk?" Tanong ko kay Mason pero hindi man pang ito nag-abalang sagutin ang aking tanong, hinawakan nito ang aking braso at muli akong hinila, nagpadala na lamang ako sa kung saan man kami patungo dahil wala na rin naman akong nakikita, idagdag pa itong sakit na nararamdaman ko sa aking ulo.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad sa kadiliman ay narinig ko ang pagbukas ng isang pintuan at lumabas kami ni Mason mula roon.

"In the car, run as fast as you can." Sambit ni Mason at nauna nang tumakbo habang ako ay nakatayo lang doon at inilibot ang aking tingin sa paligid hanggang sa mamataan kong may isang lalaking humahabol kay Mason, muling nanlaki ang aking mata nang makita ko ang mukha ng lalaking humahabol kay Mason, si Klen.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon