30: Mexican Girl

2K 75 10
                                    

Ashton

Nasa living room kami ni Mason at abala sa paglalaro ng super mario nang bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang babaeng hindi pamilyar sa akin ang mga mukha, ang isang babae ay mukhang mga nasa early fifties at ang isang babae naman ay mukhang mga nasa late twenties. Habang tinitigan ko sila ay doon lamang rumehistro sa aking isipan na mukhang ito na ata ang mommy at girlfriend ni Mason.

"We're home folks!" Sigaw ng isang babae.

Nakompirma ko ang aking hinuha nang tumayo si Mason at patakbong sinalubong ang mga babae at niyakap sila.

"Where did you go mom?" Tanong ni Mason at kinuha ang mga bitbit na paper bag ng kanyang ina at ng isa pang babae, ang kanyang girlfriend.

"Girls night out, we go to the parlor then the casino then we got a massage. I can't remember all the places anymore." Natatawang tugon ng kanyang ina.

Lumapit si Mason sa kanyang girlfriend at siniil ito ng isang halik sa labi.

"You must be Ashton? The one Mason's talking over the phone?" Tanong ng mommy ni Mason nang magtagpo ang aming mga mata. Agad akong tumayo at limapit sa babae.

"Ah yes, nice meeting you." Tugon ko at bahagyang ngumiti. Lumapit sa akin ang babae at niyakap ako.

"Aw, you're so cute. I bought you a dress but I don't know if it fits you, Mason svcks describing you." Sambit ng mommy ni Mason at hindi ko mapigilang matawa sa sinabi nito.

"Thank you." Pagpapasalamat ko rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi. Kagaya ng daddy ni Mason, mabait rin ang kanyang monmy at kung umasta ito ay parang hindi ito ang unang beses na nagkita kami.

"Hey, nice to meet you Ashton. I'm Freya, Mason's girlfriend." Nakangiting sambit ng girlfriend ni Mason.

"Nice to finally meet you, Freya. Mason always talks about you that somehow I feel like I know you already." Nakangiti kong tugon. Bigla itong napatingin kay Mason at tinaasan ng kilay ang kanyang boyfriend.

"Well, I hope it's all good things." Tugon ni Freya at niyakap ako at agad din namang kumalas.

"Yes! It's all good things, don't worry." Natatawa kong sambit.

Nagpaalam ang dalawang babae na papasok na sa kanilang kwarto para magbihis. Mukhang dito na rin nakatira ang girlfriend ni Mason.

Bumalik kami ni Mason sa may sofa at inilapag niya ang mga bitbit niyang paper bags sa mesa.

"Well, your girlfriend is here. I think I'm not sleeping on your room anymore." Sambit ko at malokong ngumisi sa kanya.

"You're still sleeping on my room." Tugon ni Mason na ikinataas ng aking kilay. Anong ibig sabihin nito? Hindi ba sila nagtatabi ni Freya sa pagtulog?

"That would be awkward, Mason. Don't you think so?" Tanong ko pero ngumisi lang ito at bumalik sa paglalaro ng super mario. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya kanina o nagbibiro lang pero ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at bumalik na rin sa paglalaro ng super mario.

Sobrang nakapokus ang atensyon ko sa paglalaro na hindi ko namalayang tumabi na pala si Freya kay Mason.

"I want to play too." Sambit ni Freya at doon ko lang namalayan ang kanyang presensya, nakakapit siya sa mga braso ni Mason. Hindi ko mapigilang maasiwa sa nakikita ko, halata kasing mas may edad si Freya kompara kay Mason. Kung titingnan sila ay parang ate lang ito ni Mason.

"We only have two console, babe. We'll play next time." Tugon ni Mason at lumabi naman si Freya na parang hindi nagustuhan ang sinabi ng boyfriend pero hindi na ito nagkomento pa.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon