49: The Truth

1.7K 79 5
                                    

Ashton

"Wake up, babe."

Gusto kong imulat ang aking mga mata nang maramdaman kong may yumuyugyog sa aking balikat pero kahit na anong gawin ko ay sobrang bigat ng aking talukap at hindi ko magawang imulat ang aking mga mata.

"Last chance babe, wake the fuck up." Sigaw ng isang lalaki at bigla kong maramdaman ang pagdaloy ng maginaw na tubig sa aking buong katawan, sa sobrang gulat ay naimulat ko ang aking mga mata at nakita ko sa aking harapan si Luciano at ang mga tauhan nito na mukhang sayang-saya sa mga nakikita nila ngayon.

"Fvck!" Mahinang mura ko at bumangon mula sa kamang aking hinihigaan, hindi ko na matandaan pa kung paano ako nakarating sa kamang ito, ang huling natatandaan ko na lamang ay nang suntukin ako ni Luciano sa aking mukha nang sobrang lakas na parang humiwalay ang aking ulo sa aking katawan.

"You stink, I figure you need to take a bath." Sarkastikong sambit ni Luciano at biglang ngumisi ng maloko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang ginaw sa aking katawan dahil sa ibinuhos na tubig ni Luciano, basang-basa na ang suot kong damit at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Dapat ko bang hubarin ang suot ko? Pero hindi ko alam kung nandito pa rin iyong mga damit ko noon na ibinigay sa akin ni Luciano at kung nandito pa man ang mga damit ko, mukhang malabo nang ipasuot pa sa akin iyon ni Luciano.

He's punishing me now.

"What are you doing, babe? Praying?" Tanong ni Luciano at biglang natawa.

"Ah god, gutom na ako." Muling sambit ni Luciano at tinalikuran ako, naglakad ito palabas ng kwarto at hindi ko mapigilang mapataas ang aking kilay habang sinusundan ko ng tingin ang papalayong pigura ni Luciano.

That was it? Nagpunta lang si Luciano rito para buhusan ako ng malamig na tubig?

"Come on, kid, aren't you hungry?" Biglang sambit ni Ron at hinawakan ang aking braso sabay hila kaya wala na akong nagawa pa kundi ang ihakbang ang aking mga paa at sumunod sa kanya.

Pagkapasok namin sa may kitchen ay nakita ko si Luciano na prenteng nakaupo sa kanyang upuan habang kumakain. Napalunok ako ng laway pagkakita sa mga pagkaing nakahain sa mesa, bigla akong nakaramdam ng gutom dahil ilang oras na rin ang nakalipas nang huli akong makakain.

"Don't act like this is your first time here, kid. Maupo ka na sa upuan mo." Bulong sa akin ni Ron at naglakad na palabas ng kusina, kami na lang dalawa ni Luciano ang naiwan sa loob.

Unti-unti na namang bumibilis ang takbo ng aking puso, hindi ko alam ang takbo ng isip ni Luciano kaya hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng matinding kaba lalo na kapag malapit ito sa akin.

"Come on, babe." Sambit ni Luciano na hindi ako tinatapunan ng tingin. Nanginginig ang aking tuhod habang naglalakad patungo sa upuan kaharap kay Luciano. Nang maupo ako ay hindi ko mapigilang matakam lalo nang makita ang pagkaing nakahain sa aking harapan, mas lalo lamang akong nakakaramdam ng gutom.

"This chicken parmigiana is the best, babe." Nakangiting sambit ni Luciano at nagsimula nang kumain, napalunok ako ng laway habang tinititigan itong kumain.

Nang mapatingin ako sa pagkain sa aking harapan ay bigla akong natakam, akmang aabutin ko na sana ang ham at cheese na nasa aking harapan nang marinig ko ang sunod-sunod na pag-ubo ni Luciano na alam kong sinadya nito para kunin ang aking atensyon.

"What are you doing, babe?" Tanong ni Luciano at umaktong naguguluhan pero alam ko namang pinaglalaruan lang niya ako.

"I'm hungry, gusto kong kumain." Tugon ko kay Luciano pero tinaasan lang ako nito ng kilay at biglang natawa.

"Why would I let you eat?" Biglang tanong ni Luciano at sa puntong iyon ay alam ko na kung ano ang gusto nitong mangyari. Gusto niya akong panoorin siyang kumakain habang ako ay nagugutom.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon