02: New Home, New Daddy

2.9K 108 0
                                    

Ashton

"Get up, babe. I really hate drama. I didn't paid you for a hundred million dollars just to watch you cry and be dramatic in front of me." Sambit ng lalaki sa baritong boses pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya, sobrang gulo ng isipan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Zie. He just confessed his love the other night. Hindi ba totoo iyong sinabi niya sa akin sa lawa? Nagsisinungaling lang ba siya sa akin?

Sobrang sikip nang dibdib ko. Kahit na gusto kong tumahan sa pag-iyak ay hindi ko magawa, parang may sariling isipan ang aking mga mata at kusa itong umiiyak. Napailing-iling na lamang ako.

"N-No! This is not happening. This is just a dream. This is just a fucking dream." Sambit ko sa aking sarili at sunod-sunod na muling sinampal ang aking sarili.

"Have you seen a gun before?" Sambit ng lalaki kaya agad akong nag-angat ng tingin at kunot-noong napatingin sa lalaki. Halos panawan ako ng ulirat ng makitang may hawak na itong baril, umurong ang buong lakas ko at mabilis na tumigil sa pag-iyak.

"Bakit ka tumigil? Tuloy mo lang ang pag-iyak mo, tuloy mo ang drama mo. Pero pasensyahan na lang tayo kung makalabit ko itong gatilyo ng baril sa sobrang inis." Mapanuyang sambit ng lalaki. Bumilis ang takbo ng aking puso.

"I think this is just a mistake. I need to call Zie, alam kong hindi niya ako ibenenta, he wouldn't do this to me. Sigurado akong may ginawa ka kaya ako nandito ngayon." Akusa ko rito dahilan ng pagtaas ng kilay nito, ngumisi ito ng maloko na ikinabilis ng tibok ng aking puso.

"This is not a mistake, babe. You're mine now." Tugon nito at inilagay ang hawak na baril sa may mesa.

"No!" Mariing sambit ko at tumayo mula sa pagkakasalampak, tinalikuran ko ang lalaki at akmang lalabas ng may humarang na lalaki sa may pintuan, iyong lalaking sumundo sa akin sa kwarto.

Muli na naman akong napalunok sa sobrang kaba nang makitang nakatutok na sa akin ang hawak nitong baril. What's with this people? Bakit panay ang tutok nila ng baril sa akin? Tangina! Kanina pa ako sobrang kinakabahan at natatakot pero pinipigilan kong ipakita sa kanila iyon.

"Let him go, Brando." Biglang sambit ng lalaking tinawag na boss. Nakipagtitigan sa akin si Brando bago nito dahan-dahang ibinaba ang hawak na baril.

Kahit nangangatog na ang aking mga tuhod sa kaba ay nagawa ko pa ring ihakbang ang aking paa at lumabas, hindi ako pinigilan ni Brando. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid, hindi ko alam kung saan ako tutungo. Nagtataka ako kung bakit hinayaan lamang ako ng lalaki na makaalis pero wala na ako sa tamang katinuan pa para isipin iyon, ang mahalaga sa ngayon ay makaalis ako sa lugar na 'to.

Habang naglalakad ay muling umuga ang aking nilalakaran kaya agad akong napakapit sa may dingding.

"Tangina! Bakit panay naman ata ang paglindol ngayon?" Mura ko at ipinikit ang aking mata, sumasakit na naman ang aking ulo. Ilang sandali pa ay humupa na rin ang pag-uga kaya muli akong nagpatuloy sa paglalakad at hinanap ang daan palabas.

Gusto ko nang makaalis sa lugar na 'to, gusto kong makita si Zie para itanong ang mga bagay na kanina pa gumugulo sa aking isipan. Gusto kong marinig mula sa bibig nito ang totoo. Alam kong may maganda siyang paliwanag kung bakit ako humantong sa lugar na 'to.

"Tangina! Nasaan ba ang hangganan nito? Sobrang lawak naman ng hotel na 'to." Mahinang sambit ko sa aking sarili, ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa makakita ako ng pintuan kung saan may sumisilip na liwanag. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng pag-asa na makaalis sa lugar na 'to.

Mabilis akong tumakbo patungo sa pintuan at nang malapit na ako ay nakangiting hinila ko ang pintuan pabukas. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin kaya awtomatikong itinabing ko ang aking kamay sa aking mukha.

Dahan-dahan akong naglakad palabas, masaganang hangin ang bumungad sa akin pagkalabas na dunadampi sa aking katawan. Medyo may kalamigan ang hangin pero masarap sa pakiramdam. Nang unti-unti na akong masanay sa liwanag ay dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay.

"What the fuck?" Nanlaki ang aking mata sa aking nabungaran. Nawala na parang bula ang lahat ng pag-asang naramdaman ko kanina. Tangina! Anong ibig sabihin nito? Kaya pala walang pumipigil sa akin dahil alam nilang kahit na anong gawin ko ay hindi ako makakaalis sa lugar na ito.

Wala akong ibang makita kundi malawak na karagatan na kulay asul.

Everything makes sense to me now, hindi pala lindol iyong kanina, natural na umuuga ang kinatatayuan ko dahil nasa loob pala ako ng yate at hindi sa isang hotel.

Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok, dahan-dahan akong naglakad paabante hanggang sa marating ko ang railing kung saan malayang matatanaw na ang napakalalim na karagatan. Wala sa sariling napatingin na lamang ako sa malayong parte ng karagatan, biglang naging blanko ang aking isipan.

This is the worst thing that happened to me, ni hindi ko alam kung nasaan na ako, kung nasa Pilipinas pa ba ako o wala na. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko.

Habang nakatanaw ako sa malayo ay kusang tumulo ang mga butil ng luha sa aking mata. Sobrang bigat ng sakit na nararamdaman ko at tanging pag-iyak na lamang ang nakikita kong paraan para kahit papaano ay gumaan ang aking loob.

"Do you like the view?" Anas ng isang boses sa aking likuran. Hindi ako lumingon dahil kahit kanina ko pa narinig ang boses na iyon ay kilalang kilala ko kung kanino galing ang boses.

"I also love the view, napakapayapa at nakakarelax. Dito nakakapag-isip ako ng maayos." Muling sambit ng lalaki sa aking likuran pero hindi ko pa rin ito pinansin.

Patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mata, naikumyos ko na lamang ang aking kamay sa may bandang puso ko at pinipigilan ang pag-iyak, pero kapag lalo kong pinipigilan ang pag-iyak ay mas lalong bumibigat ang aking pakiramdam at mas lumalakas ang aking pag-iyak.

"Don't fret, babe. This is your new home now." Sambit ng lalaki, nakarinig ako ng mga yabag ng paa palapit sa aking kinaroroonan kaya mabilis kong pinahid ang luhang nagkalat sa aking mukha, kahit alam ko namang napansin na nito ang aking pag-iyak.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon