40: Camping

1.4K 60 4
                                    

Ashton

"I can't believe we're camping when someone can track us down here and we won't know it, the moment we realized that they're here, they already got us in their hands." Reklamo ko kay Mason at Lautner habang naglalakad kami patungo sa kung saan man naisip ni Lautner na mag-camping.

"Oh please, stop the paranoia." Tugon ni Lautner at nagpatuloy sa paglalakad, tumingin ako kay Mason para humingi ng suporta sa kanya na hindi magandang ideya itong ginagawa namin pero nagkibit-balikat lang ito.

"Hey, calm down, Ashton. They won't track us down here, not for two to three days anyway but I assure you, nothing will happen to you tonight." Sambit ni Mason at bahagyang ngumiti, pero kahit na sinabi pa nitong magiging okay ang lahat ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan at maging alerto sa aking paligid.

"We're here, let's set-up the tent. If you look closely to that area, that's where the pond is." Sambit ni Lautner na ang tingin ay nasa akin. Agad kong sinundan kung saan nakaturo ang kanyang kamay at tumango-tango nang makita ko ang pond na sinasabi nito, hindi gaanong malaki ang pond at sana lang ay hindi ito malalim kung sakali mang imbitahan nila akong maligo roon.

Agad na ibinaba ni Mason ang kanyang dalang malaking bag at inilabas doon ang tent, tinulungan ito ni Lautner na itayo ang aming tent habang ako naman ay naglapag ng makapal na tela sa may lupa at ibinaba ang dala naming mga basket na puno ng pagkain.

"We're done. Ugh, I miss this feeling, I miss camping with my friends." Sambit ni Lautner na nakangiti pero kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot sa hindi ko malamang kadahilanan. Mukhang napansin din ni Mason ang malungkot nitong mga mata, lumapit ito sa kakambal at inakbayan ito.

"Don't worry, bro. After this, I and Jackson will often visit you here and we'll gonna camp everyday." Nakangiting sambit ni Mason dahilan para mapangiti rin si Lautner.

"Yeah?" Paninigurado ni Lautner.

"Hmm." Hum ni Mason bilang tugon. Hindi ko na sila inistorbo pa at ipinagpatuloy na lamang ang aking ginagawang pagbaba ng pagkain sa inilapag kong tela sa lupa. Bigla akong napatigil sa aking ginagawa nang bigla akong makarinig ng kaluskos, kagaya ng kaluskos na narinig ko kanina sa may labas ng safe house.

"Um, gusy? Did you hear it?" Tanong ko kina Mason at Lautner, napatigil sila sa kanilang pag-uusap at pinakiramdaman ang paligid.

"It's Frodo." Tugon ni Lautner at hindi ko mapigilang pagtaasan ito ng kilay pagkarinig ko sa sinabi nito. Sino si Frodo? May iba pa bang tao rito maliban sa amin?

"Fordo's a dog, his owner always let's him to wander around every night." Dagdag ni Lautner na parang nabasa kung ano man ang iniisip ko ngayon.

"So we're not the only one here?" Tanong ko at hindi mapigilang kabahan at nagsisismula na naman akong mag-isip ng mga hindi magandang bagay kagaya ng baka may contact ang taong iyon kay Luciano o kaya ay kay Fred at isuplong kami na nandito.

"Stop whatever you're thinking, Ashton. Loosen up a bit and enjoy the camping." Sambit ni Mason at lumapit sa akin, hinawakan nito ang aking balikat at nagtagpo ang aming mga mata.

"I will not let anyone harm you, Ashton. Tonight, let's forget everything and act as if we were normal kids, camping and having fun." Sambit ni Mason at ngumiti sa akin na para bang sinasabi niyang magiging okay lang ang lahat habang nasa tabi ko pa siya. Tumango-tango ako at bahagyang ngumiti, kahit papaano ay nabawasan ang kaba at pangambang nararamdaman ko nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Mason.

"Yeah! Let's act like we're a stupid students who doesn't care about our grades and all we do is party and séx." Tugon ko at bigla akong napahinto nang ma-realize ko ang huling salitang sinabi ko, ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi habang natatawa naman si Mason sa kalagayan ko.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon