33: Mason's Friend

1.6K 66 3
                                    

Ashton

"Christian will give you a ride to the beach, Ash." Sambit ni Mason dahilan para mapakunot-noo ako pagkarinig sa kanyang sinabi.

"Excuse me?" Hindi ko mapigilang pagtaasan ito ng kilay, nagtataka ako kung bakit inuutusan niya akong sumakay sa sasakyan ng kanyang kaibigan. Si Christian ay ang kaibigan ni Mason, ang pakana ng lahat ng nangyari noon sa may pool kung saan ginang-bang nila ang isang babae.

Hindi ko mapigilang kabahan at magduda sa pinapagawa nito sa akin.

"Stop frowning Ashton, Christian will give you a ride and that's final." Sambit ni Mason at inabot sa akin ang isang bag kung saan may lamang mga damit na ipinahiram niya sa akin.

"You're planning something I don't like, Mason." Tugon ko at tinaasan ito ng kilay, hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, nakatingin lang sa amin ni Mason ang mga kaibigan nito kasama na si Christian na mukhang bored na bored na.

"Oh please, you'll like it." Nakangiting sambit ni Mason at tuluyan nang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Tumingin ako sa direksyon ni Christian at nag-fvck you sign sa kanya bago ako lumakad patungo sa sasakyan ni Mason at binuksan ang pintuan pero ayaw nitong bumukas. Nagtungo ako sa kabilang pintuan at akmang bubuksan ko na iyon ng maunahan ako ng mga kaibigan ni Mason at sunod-sunod silang pumasok sa loob hanggang sa mapuno ang sasakyan. Sa sobrang inis ko ay sinipa ko ang pintuan ng sasakyan ni Mason pero tanging ngisi lang ang ibibigay ng mga kaibigan ni Mason sa akin. Nang tingnan ko si Mason ay bigla itong nag-flying kiss sa akin at pinaharurot ng takbo ang kanyang sasakyan.

"Great! Fvcking great." Inis kong sambit at napatingin kay Christian, kami nalang dalawa ang nakatayo rito sa labas ng bahay nina Mason.

"Anong tinitingin-tingin mo riyan? Tanginang Mason 'yon iwan ba naman ako sa kaibigan niyang malibog." Sambit ko at padabog na naglakad patungo sa sasakyan ni Christian.

"What did you just say?" Takang tanong ni Christian pero hindi ko na itong sinagot pa at binuksan ang pintuan ng sasakyan at pumasok sa loob, ilang sandali pa ay pumasok na rin sa loob ng sasakyan si Christian.

Habang binabaybay namin ang daan ay hindi ko mapigilang itanong sa aking sarili kung tama ba ang daang tinatahak namin, malay ko ba kung sa ibang lugar ako dalhin ni Christian o kaya ay baka inutusan na ito ni Fred na iligpit ako or worst baka patibong lang 'to at magugulat na lang ako kaharap ko si Luciano mamaya, but I won't let him ruin my escape.

"Where are we going?" Tanong ko kay Christian habang nakatuon pa rin ang aking tingin sa may bintana ng kanyang sasakyan, sinusubukan kong tandaan ang mga lugar na dinaanan namin.

"Mayan Riviera Beach, is this your first time?" Tugon ni Christian at tumango-tango lang ako bilang tugon.

Hindi ko na namalayan pa kung ilang minuto na kaming nasa byahe hanggang sa biglang huminto ang sasakyan ni Christian. Agad na tumaas ang aking kilay nang makita ang isang malaking bahay sa aking harapan na sobrang pamilyar sa akin dahil ito ang bahay ni Christian kung saan ako dinala noon ni Mason.

"And here I thought we're going to Mayan Riviera Beach? This is your fvcking house, not the beach." Sambit ko kay Christian habang unti-unti na akong nakakaramdam ng kaba lalo nang makita ko ang malokong ngiti sa mga labi nito. Humigpit ang pagkakayapos ko sa hawak kong bag, kapag may ginawang hindi ko magugutuhan itong lalaking ito ay tatama talaga sa mukha nito ang hawak kong bag.

"Get out." Utos ni Christian at ito pa mismo ang nagbukas ng pintuan sa sasakyan.

"What's going on, Christian? Why I am here?" Tanong ko rito pero ni isa ay wala itong sinagot. Hindi ako gumalaw, nanatili akong nakaupo sa aking upuan.

"Ah, come on. I don't want to hurt you so get the fvck out of my car before I blow your empty head." Sambit ni Christian at nanlaki ang aking mata nang makitang bumunot ito ng baril sa kanyang tagiliran. Hindi pa ito nakontento at itinutok nito ang baril sa aking noo kaya halos mawalan ako ng malay sa sobrang kaba.

Fvck you, Mason.

Alam niya kung ano ang nangyayari ngayon, lahat ng mga kaibigan nito alam kung ano ang binabalak ni Christian sa akin. Kaya gustong-gusto ni Mason na sa sasakyan ako ni Christian sumakay. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano nila o kung ano man ang balak na gawin sa akin ni Christian.

"Do it." Hamon ko kay Christian at seryosong tumingin sa kanya, kita ko ang pagkagulat sa mukha nito, hindi nito inaasahan ang sagot ko. Buong akala nito ay matatakot ako at magiging sunod-sunuran sa kanya dahil may hawak itong baril. Kita ko ang pagtangis ng bagang nito at humigpit ang pagkakahawak niya sa baril.

"As much as I want to kill you, I still need to do what I was instructed to do. Get out of that damn car or you want me to drag you to the house, your choice." Sambit ni Christian at ibinaba ang nakatutok na baril sa aking noo, kahit papaano ay nakahinga ako ng maayos.

"What do you mean you need to do what you were instructed to? Who the fvck order you to do this?" Tanong ko kay Christian at dahan-dahang bumaba sa sasakyan.

"You don't need to know." Tugon lamang ni Christian at biglang hinablot ang akinh buhok at mabilis na naglakad dahilan para mapasigaw ako sa sobrang sakit habang sinusubukang magalakad ng mabilis.

"Fvck! Let me go." Reklamo ko kay Christian at sinubukang tanggalin ang kamay nito na nakasabunot sa aking buhok pero mas lalo lamang humihigpit ang pagkakasabunot nito sa akin.

Hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pintuan at muli akong hinila papasok sa kanilang bahay. Nang nasa living room na kami ay marahas akong itinulak ni Christian sa may malaking sofa.

"Fvck you!" Mariing mura ko at napahawak na lamang sa aking ulo, hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit ng pagsabunot nito sa akin.

Iniwan ako ni Christian sa living room, hindi ko alam kung saan ito pumunta, naisip kong tumakbo palabas ng bahay pero alam kong hindi rin naman ako makakalayo at mahuhuli rin ako ni Christian dahil sa sobrang taas ng kanilang gate.

Ilang sandali pa ay bumalik na si Christian na may dalang dalawang baso, ang isang baso ay may lamang juice at ang isang baso naman ay may lamang gatas. Napakunot ang aking noo habang nilalapag ni Christian ang dalang baso sa may lamesa sa aking harapan.

"Why don't we play a game?" Biglang tanong ni Christian sa akin at ngumiti ng maloko na para bang may iba pa itong gustong ipakahulugan.

"What kind of game?" Tanong ko rito at pinipilit na binabasa ang bawat ekspresyon sa mukha ni Christian. Alam ba ito ni Mason? Pinagplanuhan ba nila ito?

"A game of life." Tugon ni Christian at naglakad patungo sa may cabinet at may hinagilap doon.

"Game of life." Pag-uulit ko sa sagot nito at tumango lang si Christian habang na patuloy sa pagkalkal sa loob ng cabinet.

"Voila!" Biglang sambit ni Christian at humarap sa akin, napataas ang aking kilay nang makita ang hawak nitong tripod at isang camera.

"Are you going to film this?" Tanong ko at mas lalo pang bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari.

"For documentation." Tipid na sambit ni Christian at ipinatong ang tripod at camera sa lamesa, nakatutok ang lente ng camera sa aking harapan.

"Okay, shall we start?

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon