44: Breakdown

1.6K 63 5
                                    

Ashton

"I was running from Luciano." Sambit ko kay Lautner dahilan para mapakunot ang noo nito. Kinakabahan ako sa mga sandaling ito habang magkayakap kami ni Lautner at nakalubog ang aming katawan sa tubig.

"What?" Nagtatakang tanong ni Lautner.

"You asked me why I'm here and who are those people chasing me and Mason. Luciano was after me, those people chasing us is his assassin." Tugon ko kay Lautner at humugot ng isang malalim na hininga. Pagkatapos niya kasing ikwento sa akin ang mga pinagdaanan niya simula nang ma-enlist sila ni Mason sa army hanggang sa buhay pag-ibig niya kasama si Aiden, parang may bumubulong sa akin na sabihin din sa kanya ang aking kwento.

"But why would Luciano's after you? Did you do something he doesn't like?" Tanong ni Lautner at marahan akong tumango-tango bilang pagkompirma sa kanyang hinuha.

"It's a long story but to cut it short, Luciano bought me from the auction and he trained me to be one of his assassin. I manage to escape from him and I don't have plans of coming back, Luciano treats me well but I'm scared that one day, I'll end up just like his assassin's. I don't know but I think I will kill myself if one day someone dies because of me." Kwento ko kay Lautner sa garalgal na boses dahil hindi ko mapigilang maging emosyonal habang kini-kwento ko sa kanya ang pinagdaanan ko sa loob ng yate ni Luciano.

"Don't worry, Ashy, I know that Mason will do everything to help you and I'm also here, I'll help you too." Sambit ni Lautner at ngumiti sa akin, hindi ko mapigilang mapangiti rin sa kanya.

"Thanks, Lautner." Sinsero kong sambit at isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Let's go to the tent, it's getting cold out here." Pagyaya ni Lautner makalipas ang ilang minuto. Tumango lang ako sa kanya at pumwesto sa kanyang likuran at nagsimula na itong lumangoy patungo sa may gilid ng lawa. Niyakap ko ang aking sarili dahil sa ginaw habang naglalakad kami ni Lautner patungo sa aming tent. Naabutan namij sa loob si Mason na umiinom pa rin ng alak at nang makita kami nitong papasok sa loob ng tent ay bigla nito kaming inismiran na ikinataas ng aking kilay.

"Did you have fun fvcking him, bro?" Mapang-uyam na tanong ni Mason, halatang medyo lasing na ito base sa tono ng kanyang boses at pasuray-suray na rin ang katawan nito kahit na nakaupo lang naman ito.

"We didn't do anything, bro, relax your balls." Tugon ni Lautner at humugot ng tuwalya sa may bag at inihagis sa aking direksyon ang isang tuwalya na maagap ko namang nasalo.

"Bullshít! It took you twenty minutes before you showed up here. What did you do? Stare at each other? Huh!" Sambit ni Mason at mapanuyang tumawa, nakatingin lang ako kay Mason habang pinupunasan ko ang aking basang katawan.

"You're drunk, bro." Sambit ni Lautner at inagaw kay Mason ang hawak nitong bote dahilan para matalim ang mga matang tinitigan ni Mason si Lautner, kung nakakamatay lang ang tingin malamang nakabulagta na ngayon si Lautner.

"Give. It. Back." Mariing utos ni Mason at pilit na inaagaw kay Lautner ang bote pero mabilis itong nakaatras kaya walang nagawa si Mason, mas lalo lamang itong nainis.

"You're drunk, bro." Muling sambit ni Lautner at inilapag ang hawak na bote sa may gilid at nagsimula na ring magpunas ng katawan.

"You're bullshít! Everyone's bullshít, I just want to be happy, I just want to feel like someone someone cares about me." Biglang sambit ni Mason at nagsimula itong umiyak dahilan para mapatigil kami ni Lautner sa pagpupunas sa aming basang katawan.

"God! This is why I don't want you to get drunk, you're getting emotional." Komento ni Lautner.

"I don't want to be in this place anymore, I wanna go to another country, I want to get wasted with someone whom I love. We will be walking in an empty street, holding each other's hand, there will be a deafening silence around us to the point where we can hear our heartbeats. Do you also yearn for that, Ashton?" Sambit ni Mason at sinubukang tumayo pero pasuray-suray na ito dahilan para matumba ito mahiga nakalatag na bed sheets.

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Mason. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib, ayoko mang aminin pero nararamdaman ko ngayon kung ano man ang nararamdaman ni Mason.

Siguro lahat naman tayo ay gustong makatagpo ng isang tao na mamahalin natin ng buong-buo. Kaya siguro ako dumating sa punto na gumawa ako ng alter account sa twitter, nagbabakasakaling doon ko matagpuan ang taong mamahalin ko, ang taong ngiti palang niya ay napapawi na ang pagod ko.

"I don't know, Mason." Tugon ko kay Mason sa mahinang boses, hindi ko alam kung naririnig niya ba ako.

"I just want to be with someone I love." Mahinang sambit ni Mason, nakapikit na ang mga mata nito pero kita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mata, hindi ko alam kung dahil lang ba sa lasing si Mason kaya ito nagkakaganito o iyon talaga ang nilalaman ng kanyang puso.

Kagaya ko, hinahanap din nito ang taong mamahalin niya at mamahalin siya.

Bumilis ang takbo ng aking puso, hindi ko alam pero parang ang bigat ng pakiramdam ko, parang gusto kong sumabog dahil sa hindi ko maipaliwanag na emosyon sa aking loob. Nang hindi ko na makayanan pa ay tinalikuran ko na sina Mason at Lautner at lumabas sa loob ng tent, itinapis ko ang dalang tuwalya sa aking katawan. Nagtungo ako sa may lawa at ipinikit ang aking mga mata, pagkapikit ko ay siya namang pagdaloy ng aking luha sa aking mga mata.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili, napahawak na lamang ako sa aking dibdib at napahagulhul ng iyak. Ni hindi ko maipaliwanag kung bakit ako umiiyak ngayon, parang sobrang bigat lang talaga nang nararamdaman ko at tanging pag-iyak na lamang ang alam kong paraan para kahit papaano ay maibsan ang bigat sa aking damdamin.

"Are you okay, Ashy?" Biglang tanong ni Lautner, hindi ko namalayan ang paglapit nito sa akin.

Mariin akong umiling-iling kay Lautner bilang tugon sa tanong nito.

"I'm not o-okay, Lautner." Matapang kong pag-amin sa kanya at muling napahagulhol ng iyak, lumapit sa akin si Lautner at niyakap ako.

"I miss him, I miss him so much. I know I shouldn't be feeling this way, he sold me to a dangerous man. I should despise him, loathe him, abhor him for what he did to me." Sambit ko kay Lautner at mas lalo pang mapahagulhol ng iyak sa kanyang balikat, hinaplos-haplos nito ang aking likod.

"But after all those shitty things he did to me, I still want to come back to him. I still want to be home."

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon