25: Hide & Seek

1.7K 74 14
                                    

Ashton

Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok na ako sa loob ng mall, pinagpapawisan na rin ako dahil tumakbo ako patungo rito dahil alam kong sa mga oras na 'to ay alam na ni Luciano na tumakas na ako at malamang ay pinaghahanap na ako ng mga tauhan niya ngayon. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso, hindi ko maiwasang mag-alala para sa aking sarili sa kadahilanang nasa ibang bansa ako. Kapag nahuli ako ng mga awtoridad dito na walang pasaporte at visa ay tiyak na sa kulungan ang bagsak ko.

Patuloy lamang ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako patungo. Wala akong maisip kung ano ang susunod kong gagawin.

"Fvck! I need a place where I can hide." Mahinang sambit ko sa aking sarili at nagpalinga-linga sa aking paligid, nanlaki ang aking mata nang mamataan ko si Ron hindi kalayuan mula sa akin, halos panawan ako ng ulirat na mabilis na tumalikod at halos patakbong pumasok sa isang bookstore.

Tangina! Paano nila nalaman na nandito ako sa loob ng mall?

Nagtungo ako sa kasuluk-sulukan ng bookstore habang ang tingin ay nakatuon sa entrance dahil baka biglang pumasok si Ron sa loob, hindi ko alam kung nakita niya ba ako kanina, sana naman ay hindi niya ako nakita. Pero kung minamalas ka nga naman, mukhang nakita nga ako ni Ron kanina kaya alam niyang nagtungo ako sa loob ng bookstore. I need to get out of here as soon as possible, pero hindi ko alam kung paano ako lalabas sa bookstore na hindi nakikita o namamalayan ni Ron. Kahit na naka air-conditioned ang loob ng bookstore ay hindi ko maiwasang pagpawisa lalo na nang makita si Ron na nagpalinga-linga at hinahanap ako.

Biglang lumiko si Ron sa isang shelf kung saan naroon ang mga naglalakihang libro, kinuha ko ang pagkakataong iyon at mabilis na naglakad palabas ng bookstore, gustuhin ko mang tumakbo pero ayokong may makapansin sa akin.

"Fvck! Where should I go?" Bulong ko sa aking sarili habang lakad takbo na ang aking ginawa para lang makalayo sa kung nasaan si Ron, kahit na medyo nakakalayo na ako kay Ron ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil alam kong hindi lang si Ron ang naghahanap sa akin ngayon.

Kailangan kong magtago sa isang lugar na hindi nila iisiping pupuntahan ko. Habang naglalakad ay bigla kong nakita ang sign kung saan nakaturo sa direksyon patungo sa comfort room ng mga lalaki. Bigla akong nakaisip ng ideya, sa sobrang desperado ko nang magtago ay mabilis ang mga yapak na tinungo ko ang comfort room at pumasok roon. Inisa-isa ko ang cubicle pero walang bakante na pwede kong mapagtaguan.

Sobrang bulis ng takbo ng aking puso.

Nagtungo na lamang ako sa may sink at umaktong hinuhugasan ko ang aking kamay, ilang sandali pa ay biglang bumukas ang isang cubicle at lumabas ang isang batang lalaki. Tumabi ito sa akin at inilapag ang kanyang hawak na cellphone bago naghugas ng kamay.

Napalunok ako ng laway habang nakatitig sa kanyang cellphone, parang may demonyong bumubulong sa akin na hablutin ang cellphone at tumakbo palabas ng comfort room.

"You okay, dude?" Takang tanong ng lalaki at sinipat ako ng tingin, agad kong inilihis sa ibang direksyon ang aking tingin at baka mahalata nitong nakatitig ako sa kanyang cellphone.

Habang naghuhugas ng kamay ang lalaki ay parang tanga naman akong nakatayo lang doon at tinititigan ang lalaki sa aking peripheral vision. Binatang-binata ang awra ng lalaki, mukhang magkaedad lang kami nito.

"Staring is rude, dude." Sambit ng lalaki at mahinang natawa, namula naman ang aking pisngi nang rumehistro sa aking isipan na may malaking salamin pala sa harapan namin kaya nito nalamang tinititigan ko siya.

Humugot ako ng isang malalim na hininga. I can't do it, hindi ko kayang magnakaw lalo na't nasa ibang bansa ako. I think the only thing I can do now is to ask this man if pwede kong mahirap ang kanyang cellphone.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon