27: Horny Gardener

1.9K 80 1
                                    

Ashton

Mga alas-singko ng umaga nang maalimpungatan ako at makaramdam ng uhaw.  Hindi ko na ginising pa si Mason at lumabas na ako ng kwarto para kumuha ng maiinom na tubig, habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang makaramdam ng ginaw kaya niyakap ko na lamang ang aking sarili, tanging isang boxer short at sando lang aking suot na pinahiram pa sa akin ni Mason.

Pagkapasok ko sa kusina ay agad akong kumuha ng baso at sinalinan iyon ng malamig na tubig.

"Ha!" Inilapag ko ang baso sa may mesa. Hindi na muna ako bumalik sa kwarto ni Mason at naupo muna habang nakalapag ang aking mga kamay sa mesa.

Iniisip ko kung ano nang mangyayari sa akin ngayon. Kailangan ko lang na makausap si Zie para makuha na niya ako rito and everything will come back to normal, babalik na ako sa dating buhay ko noon kasama si Zie.

Fvck! Sobrang gulo ng isipan ko ngayon, nasabunutan ko na lamang ang aking buhok.

"I need to fvcking breath!" Mahinang sambit ko sa aking sarili at tumayo mula sa upuan at naglakad patungo sa living room, gusto kong lumabas ng bahay, gusto kong masamyo ang sariwang hangin sa labas.

Pagkalabas ko sa bahay nila Mason ay bumungad sa akin ang kanilang hardin kung saan may isang lalaking nagdidilig sa mga halaman, tumango lang ito pagkakita sa akin. Hindi ko na ito pinansin pa at nagtungo sa may bench para maupo roon. Maginaw ang hangin na humahaplos sa aking katawan pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay tila pinapakalma ng maginaw na hangin ang aking magulong isipan.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lamang na tumabi sa akin ang lalaking nagdidilig kanina ng mga halaman. Tinaasan ko ito ng kilay at hindi na pinansin pa.

"It's cold here, sir." Sambit ng hardinero kaya muli akong napatingin sa kanya. Kung titingnan ang itsura nito mukhang mga nasa late twenties pa ito.

"You better get inside then." Tugon ko.

"Yeah later. Anyway, this is the first time I saw you here sir." Sambit ng lalaking hardinero sa akin.

"I'm Mason's friend." Tipid kong tugon para iparating sa kanya na wala ako sa mood para makipag-usap ngayon, nagpunta ako rito para huminga at mag-isip.

"Sarap mo sanang kantutin, sir, kaya lang ang suplado." Natatawang sambit ng hardinero, akala siguro nito ay hindi ko naiintindihan ang kanyang sinabi kaya wagas na lang ito kung makangisi sa akin.

"What are you talkin' about?" Tanong ko at umaktong hindi ko naiintindihan ang mga sinabi niya.

"Nothing, I just said that we should go back inside because it's cold here." Tugon ng lalaki na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang mga labi.

Tinaasan ko ito ng kilay at nginisihan din ito.

"Talaga? Parang hindi naman iyon ang narinig ko, parang ang sabi mo ata ay ang sarap kong kantutin." Sambit ko na ikinanlaki ng kanyang mga mata. Hindi ito makapaniwalang nakatingin sa akin.

"M-Marunong kang magsalita ng tagalog?" Tanong nito at tumango lang ako bilang tugon.

"Shít! So naiintindihan mo iyong sinabi ko?" Tila nahihiya nitong tanong, inismiran ko lang ito at muling tumango.

"Masarap pala akong kantutin ha." Biro ko rito at mahinang natawa nang makita ang pamumula ng pisngi nito dahil sa hiya.

"Tangina! Sorry sir, akala ko kasi hindi mo naiintindihan." Hingi nito ng paumanhin.

"It's okay." Tugon ko at ibinaling ang atensyon sa mga bulaklak na nasa akinh harapan.

"Bakit ka nga pala nandito sir? Sobrang lamig talaga dito tuwing umaga hindi kagaya sa pinas na sobrang maalingasa kahit hatinggabi na." Tanong ng hardinero.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon