31: The Mistress

1.9K 79 4
                                    

Ashton

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa akin. Narito ako ngayon sa kwarto ni Mason, nakahiga sa malambot na kama habang nasa gitna namin ni Mason si Freya, kapwa kami hubo't hubad, ang buong akala ko ay tapos na kami sa sala pero bigla na lamang nagyaya si Mason na umakyat kami sa kwarto at ipinagpatuloy sa loob ang ginagawa namin sa may living room.

Tangina! Unang beses kong kumantot ng babae, aaminin kong nasarapan ako dahil iyon ang unang beses ko pero may parte sa isipan ko na parang sinasabing mali iyon, ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon dahil tapos na naman ang lahat, nangyari na at wala na akong magagawa pa.

Mag-a-alas tres na ng umaga, magkayakap pa rin si Mason at Freya habang ako ay nasa gilid lang at hindi na makabalik sa pagtulog dahil sa sobrang dami ng iniisip ko ngayon.

Nang hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili ay bumangon ako at bumaba sa kama, naglakad ako palabas sa kwarto ni Mason at nagtungo sa may kitchen para kumuha ng malamig na tubig. Habang umiinom ako ng tubig ay bigla akong nakarinig ng mga yabag ng paa dahilan para dahan-dahan kong inilagay ang baso sa mesa at naglakad palabas sa kitchen para tingnan kung kaninong mga yabag iyong narinig ko.

Nakita ko si Fred na pababa sa may hagdanan na parang nagmamadali pero pinipilit na huwag makalikha ng anumang ingay, kung hindi ko ito kilala ay aakalain kong magnanakaw ito. Isa pa sa ipinagtataka ko ay hindi ito nakabihis pantulog, nakasuot ito ng pantalon at isang sweatshirt.

Sinundan ko lang ng tingin si Fred hanggang sa makalabas ito ng bahay, agad akong nagtungo sa may pintuan at marahang binuksan iyon at sinilip kung saan patungo si Fred, patakbo nitong tinungo ang gate at lumabas. Biglang kumabog ang puso ko sa hindi ko malamang kadahilanan, mabilis akong lumabas ng bahay at tumakbo patungo sa may gate. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid para hanapin kung saang direksyon nagtungo si Fred, hanggang sa makita ko itong pumasok sa isang gate na katabi ng kanilang bahay.

"Tangina! Anong ginagawa ni Fred sa kabilang bahay sa ganitong oras?" Tanong ko sa aking sarili. Sa sobrang kuryusidad ay mabilis akong naglakad patungo sa gate kung saan ko nakita si Fred na pumasok. Sumilip ako sa may gate para tingnan kung may tao ba sa labas pero nanlaki ang aking mata nang makita kong may kayakap si Fred na isang babae na mukhang kaedaran ko lang, hindi ko alam pero sobrang bata pa kasi ang mukha ng babae. Bakit sila magkayakap?

"What the fvck?" Mura ko at mas lalo pang nanlaki ang aking mata nang makitang tumingkayad ang babae para magpang-abot ang mga labi nila ni Fred. They fvcking kissed each other na para bang walang asawa si Fred. Nakita kong binuhat ni Fred ang babae at muli itong siniil ng halik.

Kinapa ko ang suot kong short at bigla aking napangiti nang makapa ko ang aking cellohone sa loob ng aking bulsa, agad kong kinuha ang aking cellphone at binuksan ang camera, pasikreto akong kumuha ng litrato sa kanilang dalawa, sinigurado kong kita ang mukha ni Fred sa bawat litrato. Hindi ko mapigilang mapangisi habang tinitingnan ang bawat litrato. Sa sobrang babad ko sa pagtingin-tingin sa mga litrato ay hindi ko namalayang pumasok na pala sa loob ng bahay sina Fred at ang babae.

Ibinulsa ko ang aking cellphone at mabilis na binuksan ang gate na hindi gumagawa ng kahit na anong ingay, dahan-dahan aking naglakad patungo sa may pintuan at pinakiramdaman kung nasa may sala pa ba si Fred at ang babae. Napaatras ako nang marinig ang ungol ng babae, mukhang nasa sala nga sila. Naghanap ako ng mga butas kung saan pwede akong sumilip pero wala akong makita. Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa makita ko ang salaming bintana kung saan bahagyang nakataas ang kurtina.

Akmang lalakad na sana ako patungo sa may bintana nang marinig kong magsalita ang babae.

"Fred, I saw your wife just got home yesterday night. You don't need me anymore, you already have your wife you can fvck whenever you wanted a release." Sambit ng babae, hindi ako sigurado pero parang malungkot ito habang binibitiwan ang mga salitang iyon.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon