48: Familiar Face

1.6K 70 0
                                    

Ashton

Bawat paghakbang ng aking paa ay parang unti-unti ring napupugto ang aking hininga. Hindi ako handa sa ganitong bagay, nang tumakas ako sa kamay ni Luciano ay wala sa plano ko ang magpahuli sa kanila kaya hindi ko napaghandaan na aabot sa puntong ito ang lahat.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, huli na para umatras o subukang muling tumakas dahil alam kong kapag humakbang ako paatras, hindi nagdadalawang-isip ang mga tauhan ni Luciano na ibaon ang bala ng kanilang baril sa aking ulo.

"Tangina, ano 'to death march? Bilisan mo ang paglalakad mo." Singhal sa akin ni Pang at itinulak ako dahilan para mawalan ako ng balanse sa aking sarili at matumba. Napangiwi na lamang ako nang makaramdan ako ng panghahapdi sa aking tuhod.

"Enough Pang, ayaw mo naman sigurong iharap ang batang 'yan kay boss na wala ng buhay diba?" Sambit ni Vin at hinawakan ang braso ni Pang para pigilan ito.

Kahit na nahihirapan at kahit na sobrang hapdi ng tuhod ko ay pinilit ko pa ring tumayo. Napamura na lamang ako nang makita ang dumudugo kong tuhod dahil sa sugat na natamo ko nang sumadsad ang aking tuhod sa may semento nang mawalan ako ng balanse.

"Come on, kid, kanina ka pa hinihintay ni boss. Sigurado akong namiss ka niya, mukhang marami kayong pag-uusapan." Makahulugang sambit ni Ron at hinawakan ang aking braso at mabilis itong naglakad kaya wala na akong nagawa pa kundi habaan ang bawat hakbang ng aking paa para makahanol kay Ron kahit na sobrang sakit talaga ng sugat ko sa tuhod.

"He doesn't miss me, Ron. Is this the part where I should imagine the worst thing that will happen to me? Dahil alam kong bilang na lang ang araw ko." Tugon ko kay Ron dahilan para mapahinto ito sa paglalakad at napatingin sa akin, bigla itong ngumisi ng maloko na ikinataas ng aking kilay.

"The boss doesn't work like that, you'll surely live kid, that is if you don't kill your own self." Sambit ni Ron at muling naglakad, naguguluhang nakasunod lang ako kay Ron dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nito.

"Why would I kill myself?" Tanong ko kay Ron.

"Because the boss will kill you little by little until you can't take it anymore." Tugon ni Ron dahilan para mapatigil ako sa paglalakad, sobrang bilis ng takbo ng aking puso na parang ilang minuto na lang at aatakihin na ako.

Luciano will going to torture me, kinakabahan ako dahil alam ko kung paano pahirapan ni Luciano ang mga tauhan niya na nagkakasala sa kanya. Nandoon ako nang utusan niya si Vin at Pang na magtalik na halos umabot na sa patayan dahil wala ni isa sa kanila ang gustong magpakantot, nakita ko rin kung paano barilin ni Luciano ang kamay ni Ron ng walang pagdadalawang-isip at alam kong hindi pa iyon ang pinakabrutal na paraan ni Luciano sa pagtorture.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay narating din namin ang pantalan, inalalayan ako ni Ron sa paglalakad sa may tulay papasok sa yate ni Luciano pero sa mga oras na 'to ay parang gusto ko na lamang na mahulog sa may dagat at malunod. Nagsisimula nang manginig ang aking tuhod habang palapit kami nang palapit sa yate.

"Welcome back, Ashton." Bulong sa akin ni Ron at binitiwan na ang aking kamay.

Wala pa ring pinagbago ang yate, ganito pa rin ang itsura nito nang huli ko itong masilayan.

Gusto kong umatras at tumalon sa may tubig pero akmang gagawin ko na sana iyon nang maramdaman ko sina Vin at Pang sa aking likuran. Mukhang wala na talaga akong takas sa kanila, kailangan ko na talaga sigurong ihanda ang aking sarili sa kung ano man ang gagawin sa akin ni Luciano.

"Keep moving, kid. Don't ever think of jumping or escaping because the next time we'll meet? It will be in your funeral." Sambit ni Pang at muli akong tinulak, hindi ko na alam kung ilang beses na niyang ginawa sa akin iyon mula pa kanina.

"Stop pushing me." Nangangalaiting sambit ko kay Pang dahilan para bigla itong mapatawa ng pagak.

"Aw, getting brave, eh? Tingnan natin kung kaya mo pang magsalita kapag nakaharap mo si boss." Sambit ni Pang at muling natawa.

"Stop it, Pang." Mariing sambit ni Vin dahilan para mapatigil si Vin sa pagtawa.

Hindi ko na matandaan kung nasaang pasilyo na ako, nakasunod lamang ako kay Ron habang nasa likuran ko naman sina Vin, Pang at Klen. Habang naglalakad ay nakasalubong ko ang iba pang tauhan ni Luciano kagaya nina Brando at Kent, hindi ko na matandaan pa ang pangalan ng iba pero namumukhaan ko silang lahat.

"Nasaan si Boss?" Tanong ni Ron sa lalaking nakasalubong namin.

"Living room." Tugon ng lalaki at mabilis na naglakad palayo sa amin. Sumenyas si Ron na bilisan namin ang paglalakad at kahit na ayoko mang sundin ito ay wala akong magawa dahil kapag napapansin ni Pang na sinasadya kong bagalan ang aking paglalakad ay itinutulak lang ako nito kahit na ilang beses na itong pinagsasabihan ni Vin na huwag akong itulak.

Ilang sandali pa ay dumating na ang pinakakinatatakutan kong pangyayari, nakaupo si Luciano sa isang mahabang sofa, walang ekspresyon ang mukha nito habang mariing nakatitig sa akin. Napalunok ako ng laway sa sobrang kaba.

"Kagaya ng utos niyo, boss, alive and kicking." Sambit ni Ron. Hindi tumugon si Luciano, hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ito sa akin.

Nanaig ang katahimikan sa aming paligid hanggang sa biglang tumayo si Luciano, parang huminto ang aking paghinga nang makita ang kabuoang itsura ni Luciano. Wala pa ring nagbago sa itsura nito, makisig pa rin ang tindig nito na nakakakilabot, gwapo pa rin ang mukha nito na aakalain mong wala itong ginagawang masama.

"I miss you, babe." Basag ni Luciano sa katahimikan at bahagya itong ngumiti habang naglalakad palapit sa akin. Unti-unti akong napaatras at hindi mapigilang pagtaasan ito ng kilay. Hindi ito ang inaasahan kong bubungad sa akin, ang buong akala ko ay itututok niya sa akin ang kanyang baril at tatakutin ako hanggang sa mapaluhod ako sa sobrang takot.

"Don't you miss me, babe?" Tanong ni Luciano at bigla akong niyakap. Nanginig ang aking katawan nang maramdaman ang mahigpit na yakap ni Luciano na para bang gusto niya akong malagutan ng hininga sa sobrang higpit.

Mukhang pati sina Vin, Pang, Ron at Klen ay nabigla rin sa ginawa ni Luciano.

Nang humiwalay na si Luciano sa pagkakayakap sa akin ay hindi pa rin nawala ang ngiti sa mga labi nito, hindi ko mapigilang magtaka kung bakit ganito siya sa akin ngayon.

Something is off about this.

"Hey, don't you miss me, babe?" Biglang tanong ni Luciano habang nakatingin sa akin. Napalunok ako ng laway sa sobrang kaba.

Akmang sasagutin ko na sana ito nang bigla kong maramdaman ang isang malakas na suntok sa aking mukha, sa sobrang lakas ay nawalan ako ng balanse at napalagapak na lamang sa maginaw na sahig.

"You surely don't miss me, and my punch." Natatawang sambit ni Luciano at iyon na ang huli kong natatandaan dahil unti-unti na akong nawawalan ng malay.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon