51: It's A Deal

1.7K 75 1
                                    

Ashton

Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang aking mga tuhod habang yakap yakap ko ang isang makapal na tuwalya na ibinigay sa akin ni Brando nang maisipan ni Luciano na i-angat na ako mula sa pagkakalubog ko sa dagat.

"So you want revenge?" Tanong ni Brando sa akin na sobrang hina na halos pabulong na lamang ito, parang sinisigurado niyang ako lang ang makakarinig sa sasabihin niya.

"Yeah! You think I deserved all of this shíts happening in my life?" Mariin kong tugon kay Brando at kita ko ang pagkagulat sa mukha nito na para bang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko ang magiging reaksyon ko sa tanong niya.

Hindi nakasagot si Brando.

"No! I don't deserved all of this shíts, Brando." Tugon ko sa sarili kong tanong at walang nagawa si Brando kundi ang pagtaasan na lamang ako ng kilay at mariing tinitingnan ang aking ekspresyon na para bang binabasa niya ako kung nagsasabi ba ako ng totoo o kaya ay nagsisinungaling lang.

"Okay," tanging nasambit lang ni Brando at nagsimula na itong maglakad pagkatapos niyang sumenyas sa akin na sumunod ako sa kanya.

"Where are you taking me?" Tanong ko kay Brando pero hindi man lang ito lumingon sa akin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Makalipas ang ilang minito ay binuksan ni Brando ang isang kwarto at sumenyas sa akin na pumasok sa loob.

Tinaasan ko lamang ito ng kilay bago ako pumasok sa loob ng kwarto na sobrang pamilyar sa akin, ito ang kwarto kung saan kami natutulog ni Luciano noon, kung saan may nangyari sa aming dalawa. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko si Luciano na nakaharap sa malaking salamin habang inaayos ang kanyang necktie, inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto.

Tsk, wala pa ring pinagbago ang loob ng kwarto, ganito pa rin ang itsura ng kwarto nang huli ko itong makita. Well, what should I expect from Luciano? Hindi naman siya iyong tipo na naglilinis at nagliligpit ng mga kalat niya sa kwarto.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pwesto ni Luciano, abala ito sa pag-aayos sa kanyang sarili na para bang pupunta ito sa isang magarbong party na kung tutuosin ay nandito lang naman kami sa yateng ito sa loob ng tatlong linggo o kaya ay isang buwan.

I assumed we're heading back to the Philippines now.

Nang maparaan ako sa malaking kama ay nakita ko sa gilid ang isang baril, hindi ko mapigilang mapangisi habang pasimpleng kinuha ang baril ni Luciano at itinago ko iyon sa aking likuran habang naglalakad ako patungo sa direksyon ni Luciano.

"Hi babe," bati ko kay Luciano at matamis na ngumiti sa kanya, kita ko ang pagkabigla sa mukha nito. Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla? Kung hindi ako nagkakamali ito ang unang beses na tinawag ko siyang babe.

"Hey babe," tugon ni Luciano at agad niyang pinalitan ng isang matamis na ngiti ang kaninang gulat niyang ekspresyon.

Pumwesto ako sa likuran ni Luciano at hinaplos ang isa kong kamay sa kanyang katawan habang ang isa kong kamay ay mahigpit na nakakapit sa baril niya na kinuha ko kanina sa may kama.

"Nice coat." Komento ko kay Luciano at marahang sinamyo-samyo ang kanyang balikat, gustuhin ko mang amuyin ang leeg ni Luciano ay hindi ko iyon magawa dahil sa sobrang tangkad nito na kahit pa tumingkayad ako ay hindi ko pa rin maaabot ang leeg ni Luciano.

"You're a bad actor, Ashton." Sambit ni Luciano at bigla akong napalunok ng laway dahil tinawag niya ako sa kanyang pangalan, alam kong seryoso ito ngayon.

"Am I?" Tanong ko sa kanya gamit ang pinakamalandi kong boses habang dahan-dahan pumapasada pababa ang aking kamay patungo sa nakaumbok niyang alaga na nasa loob ng suot niyang kulay itim na slacks.

"Yeah you are. This is just your day one, Ashton, I just pushed you in the water and told you that Zie is the one who helped us track you down and then boom, you're now a change man." Sambit ni Luciano at pagak na napatawa, hindi ko mapigilang kabahan sa paraan ng pagtawa niya na para bang sinasabi niya sa akin na alam niya kung ano man ang iniisip ko.

Dahan-dahag umikot si Luciano hanggang sa magkaharap kami, ngumiti ito sa akin at marahang hinawakan ang aking panga bago niya ako siniil ng halik na agad ko namang tinugunan. Makalipas ang ilang segundo ay humigpit nang humigpit ang pagkakahawak ni Luciano sa aking panga sa puntong nasasaktan na ako dahilan para matigil ang aming paghahalikan.

Napalunok ako ng laway sa sobrang kaba nang makita ko ang galit na mukha ni Luciano.

"Don't take me for a fool, Ashton. I know what you're planning to do." Sambit ni Luciano at tinalikuran ako, muli itong humarap sa salamin at inayos ang nagusot niyang manggas.

"I'm not planning anything. I mean sa ngayon ay wala pa akong plano." Sambit ko kay Luciano pero hindi ko alam kung naniniwala ito sa akin.

"Parang sobrang bilis naman ata magbago ng isip mo? Bakit ngayon mo pa naisipang maghiganti kung saan plano na kitang patayin?" Tanong ni Luciano at tinaasan ako ng kilay habang hinihintay ang aking sagot.

Matamis akong ngumiti kay Luciano.

Makalipas ang ilang sandali ay biglang sumeryoso ang mukha ni Luciano, para bang bigla itong may napagtanto.

"When you say you want revenge, ibig mo bang sabihin no'n ay gusto mong maghiganti kay Zie o sa akin?" Tanong ni Luciano at umigting ang kanyang panga nang ma-realize niya na ang lahat.

Mas lalong lumawak ang aking pagkakangiti. Mabilis kong itinutok sa likod ni Luciano ang hawak kong baril.

"You're getting brave, eh?" Sambit ni Luciano pero mas lalo ko lamang idiniin ang hawak kong baril sa kanyang likuran.

"To answer your question? I'm going to get my revenge to both of you." Mariin kong sambit kay Luciano pero laking pagtataka ko nang biglang tumawa si Luciano na para bang hindi itp nababahala na mayroong baril na nakatutok sa kanyang likuran.

"Don't laugh, babe, sa tingin mo hindi ko kayang kalabitin ang gantilyo ng baril? I have all the reason to pull the trigger, babe." Tugon ko kay Luciano dahilan para mapatigil ito sa pagtawa.

"Yeah! Sabihin na nating napatay mo nga ako, and then you walk out to this room and killed all my assassins. Then what's next? Kaya mong paandarin itong yate? You'll go back to Zie and be his little cougar again?" Sambit ni Luciano at bigla akong natigilan at malalim na napaisip dahil sa kanyang sinabi.

"Well, siguro problema ko na 'yon?" Tugon ko sa kanya dahilan para mapatawa ito. Alam kong sobrang padalos-dalos ng mga plano ko ngayon pero ito lang ang naiisip ko sa ngayon.

"Can you think for once, Ashton? Bakit hindi kita hinayaang malunod sa dagat? That's because I'm willing to help you, I'm the only one who can help you right now." Sambit ni Luciano.

"And I'm supposed to believe you?" Tugon ko at pagak na napatawa.

"Of course I'm not doing it for free." Sambit nito at marahan akong napatango. I already saw this coming, sa lahat ng pinagdaanan ko ngayon isa lang ang natutunan ko.

Nothing comes for free.

Malaim akong napa-isip. May punto naman si Luciano sa sinabi niya, kung maghihiganti ako kay Zie kailangan ko ng tulong. I can't do it myself.

"Well, I figure that I'll just kill you and all your assassins after I'm done with Zie." Sambit ko kay Luciano.

"It's a deal then." Tugon nito at humarap sa akin. Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong baril na nakatutok sa likod ni Luciano at itinapon ito sa may kama.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon