50: I Want My Revenge

1.7K 83 9
                                    

Ashton

Nang imulat ko ang aking mga mata ay wala akong makita, I'm having trouble breathing. Bigla akong nag-panic nang ma-realize ko na nasa ilalim ako ng dagat, parang bumalik lahat ng ala-ala ko sa lahat ng nangyari sa akin.

I'm scared. I'm scared to death.

Sinubukan kong igalaw ang aking katawan, nagbabakasakaling makaahon ako mula sa pagkakalubog hanggang sa makasagap ako ng hangin.

"Fvck! Fvck! Fvck!" Sunod-sunod na pagmumura ko habang hingal na hingal at sinusubukang pakalmahin ang aking sarili.

"Luciano please," pagmamakaawa ko sa kanya, inismiran lang ako nito at itinukod ang kamay sa may railing habang pinapanood akong malunod.

"I'm actually doing you a favor, babe." Makahulugang sambit ni Luciano pero hindi ito ang tamang oras para isipin ko pa kung ano ang gusto niyang iparating sa akin, I'm fvcking drowning right now at kahit na aminin ko man o hindi, natatakot ako. Hindi pa ako handang mamatay.

"I'll do whatever you want, just please." Sambit ko kay Luciano, wala na akong ibang maisip pa na paraan para kumbinsihin itong tulungan ako. Tinaasan lamang ako ng kilay ni Luciano, iyon na ang huli kong nakita bago muling lumubog ang aking buong katawan sa ilalim ng tubig, unti-unti na akong nawawalan ng lakas.

No! This is not the time to give up. Muli kong sinubukang igalaw ang aking katawan para makaahon at sa ikalawang pagkakataon ay nagawa ko ito.

"Have you ever wonder kung paano ka namin na-track, babe?" Bungad na tanong ni Luciano sa akin habang hingal na hingal ako, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi muling lumubog ang aking buong katawan sa tubig, hindi ko alam kung kakayanin ko pang makaahon kapag nangyari 'yon.

"Alam mo ang sagot sa tanong mo Luciano, it's Ted." Tugon ko pero ngumisi lang ito ng maloko at dahan-dahang umiling-iling dahilan para mapakunot ang aking noo.

"No, he's not. Guess again, babe." Mapaglarong sambit ni Luciano at pagak na napatawa, parang sayang-saya itong makita akong nahihirapan at naguguluhan. Hindi ko maisip kung sino ang tumulong kay Luciano para ma-track kami.

No! Alam kong hindi si Mason o kaya si Lautner, they were helping me.

"It's Zie." Sambit ni Luciano na may ngiting tagumpay na naka-plaster sa kanyang mukha. Parang may bombang sumabog sa aking mukha nang marinig ko ang sinabi niya.

"You're lying." Tugon ko kay Luciano, tiningnan ko ito ng masama.

"No, I'm not. Sorry to burst your bubble, babe, pero ang taong inaakala mong tutulong sa'yo? He's the reason why you're here now. Alam kong siya ang unang taong tatawagan mo, alam mo bang hindi siya magdalawang-isip na ibigay sa amin ang impormasyon kung nasaan ka? I just have to shove my money in his face and boom, I got you tracked." Sambit ni Luciano at bigla akong tinalikuran, hindi ko alam kung saan ito pupunta at wala na akong pakialam.

Now, it all make sense. Kaya pala hindi na siya tumawag sa cellphone ni Mason kahit kailan at hindi man lang siya nag-abalang mag-reply sa mga mensahe ko sa twitter account niya. I can feel my chest tightened, ikinumyos ko ang aking kamay sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon.

Dahan-dahang tumulo ang luha sa aking mga mata. Parang may nakatakip na piring sa aking mga mata at ngayon ay natanggal na ito, para akong nagising sa isang mahabang pagkaka-idlip. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon pero isa lang ang alam ko.

Galit. Hindi ko alam kung kanino ako sobrang nagagalit, kay Zie, sa sarili ko o kay Luciano.

"Fvck my life!" Mariin kong sambit sa aking sarili. I never signed up for this, ang gusto ko lang naman ay makatagpo ng isang lalaki na mamahalin ako sa kung ano ako.

I thought Zie is the one for me, akala ko siya na ang sagot sa lahat ng mga pangarap ko noon pero ngayon, alam ko nang hindi siya. Para akong namulat sa katotohanan, totoo nga ang sinabi ni Joe at nang hardinero sa akin noon, pinaniwala ko ang sarili ko na mahal ko si Zie dahil siya lang naman ang mayroon ako nang mga panahong iyon, siya lang tumulong sa akin ng walang pagdadalawang-isip.

Minahal ko ba talaga si Zie? Sobrang gulo ng isipan ko ngayon.

"Hey kid!" Agad akong nag-angat ng mukha nang marinig kong may tumawag sa aking pangalan, nakita ko sa may railing si Brando na may hawak na malaking salbabida at may nakataling mahabang lubid dito.

"Aren't you a little lucky today?" Tanong ni Brando na nakangiti at inihagis patungo sa aking direksyon ang hawak na salbabida. Agad akong lumangoy at mabilis na kinuha ang salbabidang hinagis ni Brando, nakakonekta ang lubid sa may railing at ilang sandali pa ay bigla akong nakarinig ng malakas na ugong.

"Putangina!" Mura ko sa aking sarili at mahigpit na kumapit sa salbabida, mukhang alam ko na kung ano ang binabalk ni Luciano na gawin sa akin ngayon, hindi niya talaga balak na lunurin ako, gusto niya akong ipahila sa kanyang yate.

Fvcking great, nagsimula nang umandar ang yate at mukhang balak talaga ni Luciano na pahirapan ako dahil sa mabilis na pagtakbo ng yate, para akong kinakaladkad sa gitna ng dagat, wala akong ibang magawa kundi ang kumapit lang ng mahigpit sa salbabida at nananalangin na huwag mabigtas ang lubid. Gustuhin ko mang makatakas muli sa kamay ni Luciano ay hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa gitna ng dagat kapag nabigtas ang lubid.

"Enjoying the life, eh?" Dinig kong sigaw ng isang lalaki, wala na akong panahon pa para tingnan kung sino ang lalaking iyon dahil nakatuon ang buong atensyon ko kung paano ibalanse ang aking katawan sa salbabida pero kung pagbabasehan sa tono ng boses ng lalaki, mukhang si Ron ang lalaking iyon.

Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakalubog sa tubig, wala na akong lakas pa dahil sa gutom at pagod. Makalipas ang ilang sandali ay huminto ang yate, agad akong nag-angat ng mukha para tingnan kung ano ang problema at bakit huminto ang yate.

"Hey babe," bungad sa akin ni Luciano at muling itinukod ang kamay sa may railing, wala na akong lakas pa para tumugon sa kanya kaya nakipagtitigan na lamang ako sa kanya.

"Give me one good reason why would I let you live, babe." Sambit ni Luciano at matamis na ngumiti sa akin. Bigla akong napaisip ng malalim sa kanyang sinabi.

One good reason to spare me my life.

I can think of a million reason para hayaan niya akong mabuhay ngayon. Pero kailangan kong isipin ng mabuti kung ano ang mga salitang gustong marinig ni Luciano mula sa aking bibig.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nag-iisip, napalunok ako ng laway dahil sa iniisip ko. Sa dami ng rason na pwede kong sabihin kay Luciano, sa puntong ito ay isa lang laman ng aking utak na gustong-gusto kong sabihin sa kanya.

"I want revenge." Mariin kong sambit at matalim ang mga matang tumitig kay Luciano. Biglang nawala ang matamis na ngiti sa mga labi ni Luciano at napalitan ito ng isang malokong ngiti. Mukhang ito ang mga salitang gusto niyang marinig sa akin pero hindi ko iyon sinabi dahil sa iyon ang gusto niya, sinabi ko iyon dahil iyon ang gusto ko.

Hindi ko alam pero wala na akong ibang nararamdaman ngayon kundi galit at poot. I want my revenge.

Daddy (Book 2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon