"Hi Claire! Good morning!" masayang bati ko kay Claire pagdating ko sa classroom namin.
"Walang good sa morning ko, Katrin" walang emosyong sagot naman nya.
- _
O o
__Hala anyare sa kanya? Namamaga mga mata nya ah?
"Anyare Claire?" nag-aalalang tanong ko.
"Kasi naman Katrin eh! Huhu! Nahuli ako ni mama kagabi na nagcecellphone parin! Kinuha nya ang cellphone tapos itinago! Huhu! Sabi pa nya this morning sakin na... after 1 week pa daw iyon isasauli! Huhu!" tuluyan ng umiyak si Claire.
Gusto ko sanang kumawala ng tawa sa reaksyon nya pero natatakot akong baka batukan ako ni Claire. Sadista paman din sya.
"Ayos lang yun... one week lang naman eh... hintayin mo na lang..." sobrang pagpipigil ng tawa talaga ang ginawa ko, buti nalang naging maayos ang pagkakasabi ko nun.
"Katrin! Hindi ko natapos ang pagbasa nung That Promdi Girl eh! Nandun na ako sa part na nahulog si Elton sa puno ng niyog eh! Kainis! Nangangalati na ako sa ending eh! Huhu!"
Ay hala sya! Yun talaga ang nakakainis na nakakasad. Yung patapos kana sa story saka yung sabik na sabik kana sa ending? Tapos sa isang iglap lang... bigla kang mabibitin dahil kinuhanan ka ng cellphone? Awts! It hurts!
Buti nalang talaga ay ligtas parin ako sa ganyang modos hanggang ngayon. Syempre tripleng pag-iingat talaga ang ginagawa ko every night kapag magbabasa ako. Mahirap na pag nahuli ni mama, tulad nalang ni Claire ngayon. Hahayysss.
Isa talaga sa malaking gyera na hinaharap ng every wattpader, ay yung gyera sa gabi. Less risk lang para sa mga wattpader na may sariling kwarto, pwede mo naman kasing i-lock ang pinto ng kwarto mo or kung hindi, edi iyong pagdodobol check lang sa pinto ang gyerang haharapin mo if ever na baka sumilip ang mama mo. More risk naman sa mga wattpaders na may katabing family member matulog. If grandparents mo ang katabi, sisitahin ka, if siblings mo naman ang katabi, it's either isusumbong ka nila sa mama mo or iba-blackmail ka para di ka lang isumbong, and very very worst
is... yung mama mo mismo ang katabi mo! Like oh my god! Papaano ka makakawattpad nyan?! Ket i-dark mode mo pat lahat lahat!Kaya todo saludo ako sa mga wattpaders na nakakapagwattpad parin kahit katabi ang mama! HAHAHAHAHA like c'mon, they are legends!
Buti nalang talaga si Lola lang katabi ko at nauuto ko lang sa mga damoves ko na naka darkmode, nakatalikod sa kanya, and nakatakip ng makapal na kumot... hihihi (ngiting aso)
"Tahan na Claire... spoil nalang kita sa katapusan nung kwento"
"Shut up Katrin! Ayokong ma-spoil!" angil nya.
"Sige ikaw bahala" nakangiwing sambit ko.
"Natapos mo na pala ang That Promdi Girl?" biglang tanong nya habang pinapunasan ang pisngi.
"Yes of course. Isang puyatan ko lang yun binasa no!" proud kong sagot.
From 8pm to 4am ko yun natapos noh! ^ ^
\_____/"Wow! Buti ka pa!" manghang sabi ni Claire.
"Alam mo? Ang ganda ng ending! Ang sarap kurutin yung noo ni kuya owwsic!"
"Talaga? Wow! Sana naman maibalik na kaagad sakin yung cellphone ko..."
Kung alam mo lang talaga Claire... yung ang saya na sana kasi ikinasal sila saka nagkaanak? Kaso... biglang tumanda at naglaho sa mundo! Hmp! Pero ayos lang! Napakaganda at nakakaaliw talaga yung kwentong yun! With lessons pa ha! Thanks to kuya owwsic talaga!
A/N: wow! gyera talaga Katrin? hahahaha! bytheway, salute to Katrin dahil maingat at ligtas parin sya sa modos kuno pfft!
skl. kasabay ng pagsusulat ko nito ay sya ring ikalimang beses na babasahin kong muli ang That Promdi Girl by owwsic hihi! skl skl skl
Thanks for reading!
Your VOTE and COMMENT are highly appreciated! mwaps > ^
3
![](https://img.wattpad.com/cover/240133573-288-k430110.jpg)
YOU ARE READING
THE TWO WORLDS (COMPLETED)
Random[Date Published: 09/07/2020] •WATTPAD WORLD AND REAL WORLD edition•