WAKAS

10 4 2
                                    


A/N: yey! Finally! Umabot na tayo sa ending! HAHAHAHA sorry kung napakaewan ng story nato huhu. First story ko to kaya pasensya na HAHAHAHAHA

Happy Ending? Charot! Sakto lang! HAHAHAHAHA

__________


After 7 years...

Chars 7 years? HAHAHAHA







"Nurse Zamora. May naghahanap sayo"

"Eh? Talaga? Nasan?"

"Nasa labas daw ng hospital "

"Ah sige"



Hala... sino kaya? Pumasok nalang sana sya dito sa loob hindi yung ako pa talaga mismo ang lalabas para puntahan sya. Tsk tsk.



Kakalabas ko pa lang sa elevator ay sinalubong kaagad ako ng dalawa kong kaibigan na sina Reisi at Claire.





By the way, Isa na pala akong nurse ngayon. Registered nurse. At ganun din si Claire, ang longtime bestfriend ko at itong si Reisi naman na naging bestfriend namin since college.




"Oh, anong iningiti ngiti nyo ha?" parehong nilingon ko ang dalawa na nakakapit sa braso ko. Si Claire nasa kaliwa kong braso, at si Reisi nasa kanan naman at parang mga tangang nakangisi ang dalawa.

"Naku naku besh! May jackpot na naghihintay sayo sa labas nitong hospital!" masayang sambit ni Claire.

"Ayiiiiiiiiii!" tili naman ni Reisi.



Malayo ang distansya ng elevator sa main entrance at exit door nitong hospital na may anim na floor. Nang sa wakas ay nakalabas din ng hospital, bigla naman akong binitawan pareho nina Claire at Reisi, at ang mga gaga tumakbo na papasok sa loob.


"Eh nasan na yung naghahanap daw sakin? At saka yung jackpot?" tanong ko sa sarili.


"Here"



Napaharap kaagad ako sa likod ng bigla akong nakaramdam ng mainit na hininga.


Oh. My. God!


Deib Lohr? Or Sevi?




"A bouquet of fresh red roses for the most beautiful Nurse I've ever met" iniabot nya sakin ang napakagandang mga bulaklak na pumapaibabaw ang bango.



"Wow... thank you... " iyon nalang ang tanging nasabi ko. Ramdam ko na ang pamumula ng pisngi ko! Jusme!




"Come with me... My Katrin... gagawin kong totoo sa real world ang pinapantasya mo sa wattpad world" nakangiting sabi nya at kinuha ang kaliwa kong kamay at hinalikan ang likod niyon.



Nakangiting napatango ako at sinabing,
"Sure! I'll come with you"




Agad nya akong isinakay sa napakaganda at mamahalin nyang kotse at pinaharurot kaagad ito.


"This time, I'll make sure na magwowork na ang magiging relationship natin" nakangiting sinulyapan nya ako. Ginantihan ko rin sya ng ngiti.


"This time, hindi na ako matatalo sa pagkukumpara na yan. Between me and those male wattpad characters? Sure ng ako ang panalo"



Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa. Paano ba naman kasi, ang yabang nitong kasama ko na manliligaw ko pa naman.



"Don't worry Engineer Yrus Garrin, ikaw ang pinakanumber one sa realworld! Hahahaha!"


"Tsk! Akala ko, sa heart mo"

"Wala pang tayo no!"

"Tsk"

"Sus! Engineer Yrus Garrin? Nag-iisa ka lang na lalaki sa realworld ko, walang kakumpetensya, walang kahati. Sa wattpad
world...syempre marami sila! Hehehe"


Kinilig ang loko dahil soloist sya sa real world ko. Ayun hindi na nawala ang ngiti sa mukha. Tsk tsk.






Napuno ng masayang kwentuhan ang roadtrip namin hanggang sa umabot na kami sa aming destinasyon. Pagdating namin sa napakagandang lugar na iyon... sinagot ko na sya. Matapos ang 10 months nyang panliligaw ay finally, nakuha na nya ang matamis kong oo.

Akala ko, hindi na ulit kami pagtatagpuin ni Yrus after seven years. Pero tingnan mo nga naman, muli kaming nagkita kung saan pareho na kaming may propesyon at naging kami na ulit.


Ngayon... I'll make sure na sasaya ako sa relasyon na pinasok ko. Saya na dulot ng contentment at saya dahil sa realworld...










The End...









A/N:  HAHAHAHA jusmeyo! Saang parte ba ng utak mo nahalungkat ang ending nayan author? HAHAHAHA wengya! So yun na nga, natapos narin ang kwentong nabuo noong kajejehan days ko pa.






Maraming maraming salamat sa inyong pagbasa! Sa mga nagvote dyan, gusto nyo beer? Aw HAHAHAHA!









Pakiproceed sa pinakalast part nitong story!

➡️➡️➡️


️⬇️

️⬇️
⬇️

THE TWO WORLDS  (COMPLETED)Where stories live. Discover now