Kinabukasan. Nagmessage si Yrus sakin na magkita daw kami sa likod ng stage.
Ayan na naman sya sa favorite meeting place nya. Sa liblib at tago.
Naalala ko bigla yung huling beses namin dito. First weeksary namin yun at sinabi ni Yrus na dito daw kami magkikita. Nauna na naman ako sa kanya kahit na nagpatagal tagal ako nun. Ilang minuto ako naghintay bago pa sya dumating. That day, that time, tinangka nyang halikan ako pero umiwas ako dahil sa ang gusto ko, pagnakalimang buwan na kami saka nya pa ako hahalikan. Pinilit nya parin akong halikan nun kesyo ganun daw ang gawain ng magjowa. Hindi nya hinayaang makapiglas ako kaya sa huli, nahalikan nya ko. Ayos na sana yun kaso habang tumatagal, lumalalim ang halik nya at di ko yun nagustuhan lalo na't naglalakbay na ang mga kamay nya sa dibdib ko. Dahil sa kahihiyan, ay dali dali kaagad akong tumakbo nun at umuwi sa bahay ng wala sa oras.
Sobra ang pagkadismaya ko kay Yrus nun dahil sa kawalan nya ng respeto. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung pinipilit ako sa isang gawain na di ko gusto tulad nung pangyayari na yun.
Kahit napakapangit nung huling naganap sa likod ng stage na yun, tumupad parin ako sa usapan na magkikita kaming dalawa doon. And as usual, ako na naman ang nauna at mauuwi sa... paghihintay.
Dapat sya lagi ang nauuna sa meeting place at maghihintay dahil sya yung lalaki, sya yung boyfriend. Hindi dapat ako.
Pero wala na akong magagawa dahil kahit magpakatagal pa ko ay ako parin ang mauuna. At sa panahon ngayon? Madalas ng ginagawa ng babae ang dapat na ginagawa ng mga lalaki sa nobya nila. How sad it is...
"Sorry I'm late" sa wakas, dumating narin sya.
"Okay lang. Always ka namang late" malamig kong tugon.
Natigilan sya at tiningnan ako saglit at saka umiling na lamang.
"Ano nga palang sadya mo?" malamig ko namang tanong.
Yung totoo? Gusto ko ng yumakap kay Yrus, gusto kong hawakan ang kamay nya pero... pinigilan ko lang ang sarili ko na gawin yun. Nagpapanggap lang akong galit at nagtatampo dahil sa gusto kong lambingin nya ko.
"May gusto lang akong klaruhin sayo" usal nya ng nakatingin sa mga mata ko ng deretso.
"Ano yun?"
"Pagod ka na ba?"
Bigla akong natigilan sa itinanong nya at kumunot naman ang noo ko.
"Pagod? Pagod san?" nalilitong tanong ko.
"Sa relasyon natin. Ang dami mong reklamo porke ikaw yung halos may time sating dalawa. Nakikipagtalo ka nalang bigla sakin dahil wala akong oras sayo? At dahil napakabusy ko?"
"Hindi naman sa nagrereklamo ako, gusto ko lang naman sana na unawain mo rin ako. Yung time mo sa barkada mo, ede sana sakin mo yun inilalaan. Kahit gaano ka man kabusy, may time ka parin dapat sa mahal mo diba?"
"Wala ba talaga akong nailaan na oras sayo?" nagsalubong ang kilay ni Yrus.
Bigla akong natahimik at napairap sa kawalan.
Heto na naman kasi kami eh, magtatalo na naman.
"Gayahin mo naman sana yung mga bebe ko sa wattpad! Yung kahit na napakabusy nila sa ibang bagay, nagagawa parin nilang maipadama ang pagmamahal nila sa mga minamahal nila!" naluluhang sigaw ko.
"Buti pa nga sila, dahil sila yung unang nagpapakumbaba sa girlfriend nila, sila yung umuunawa, at sila yung naglalambing para mapanatag na ang loob ng girlfriend nila! Which is never mo pang ginawa!"
"Buti pa sila! Buti pa yung mga lalaking ideal ko! Yung mga bebe ko sa wattpad! Buti pa yung mga lalaking kailanma'y di nag eexist sa totoong buhay!" dugtong ko pa.
Huminto ako sa pagsigaw at pinahid ang mga luhang nagsilandas sa pisngi ko. Hindi parin nakapagsalita si Yrus at nakatingin lamang sya sakin ng may pagkalito.
Ewan ko sayo!
"You know what Katrin? Dahil sa kakawattpad mo, hindi mo naiintindihan ang totoong relasyon ngayon" sa wakas ay nagsalita si Yrus.
"Lagi mong ikinukumpara ang mga bagay bagay sa reality at dyan sa kwentong pinagbabasa mo. Lagi mo akong ikinukumpara sa mga male characters na nababasa mo sa wattpad na yan, at lagi mong ikinukumpara ang relasyon natin sa relasyon ng mga characters sa wattpad. Puro ka nalang wattpad wattpad Katrin. Kailan mo ba mauunawaan ang totoong mundo at bakit lagi mo nalang ikinukumpara ang lahat?" seryoso ngunit kalmadong sambit ni Yrus.
Magsasalita pa sana ako ng biglang tumalikod si Yrus at naglakad papalayo.
Naiwan ako at tahimik na napaiyak. Akala ko magkakaayos na kami ngayon pero mas lalo lang palang lumala ang sitwasyon.
Kasalanan ko ba lahat ng to?
A/N: ano na Katrin? Bebe ka pa ng bebe sa mga male characters sa wattpad eh HAHAHAHA yan tuloy nag walk out si Yrus.
Oy, sinong mas kawawa sa sitwasyon? Si Yrus o si Katrin?
Thanks for reading!
Your Vote and Comment are highly appreciated! > ^
3
YOU ARE READING
THE TWO WORLDS (COMPLETED)
Sonstiges[Date Published: 09/07/2020] •WATTPAD WORLD AND REAL WORLD edition•