Chapter 7- In A Relationship

10 6 0
                                    





27 days na akong In A relationship with Yrus.

Sa totoo lang, may bahid ng saya at lungkot ang nararamdaman ko simula nung naging kami.

Madalas lang kaming nagkakacommunicate sa messenger dahil sa napakabusy daw nya.

Nagiging masaya parin naman ako kahit papano. Nung first week namin, sabay kaming nagmemeryenda sa canteen pero yun nga lang, ako ang laging naghihintay sa kanya sa loob ng canteen. At paminsan minsan rin ay sabay kaming umuuwi pero wala gaanong bonding sa isa't isa.

Yung ikinalulungkot ko talaga ay ang pagiging busy nya. Well, I know naman na talagang busy ang Senior High Students kasi ganun din naman ako, and yeah talagang mas busy sya dahil graduating na sya. Pero kasi... hindi nya ba magawan ng paraan na magkaroon ng time sakin? I mean, yung may bonding man lang kami.

Kahit nga ang sunduin man lang ako sa classroom para sabay kami sa canteen ay di nya nagawa, at ang sunduin din ako sa classroom para sabay kaming umuwi. Sa loob ng 27days, ako madalas ang gumagawa nun.

Ang layo sa iniexpect ko.

How I wish na ang relationship ko ay same with relationship sa wattpad.

Just like Deib, yung times na nanliligaw sya kay Kim na lagi nyang inihahatid sundo ito pati narin iyong sabay sila sa canteen.

Yung pagiging maaalahanin at caring ni Deib para kay Maxpein. Also, like Jeydon na always naandyan sayo para pakiligin at pasayahin ka. Just like them na masasabi mo sanang boyfriend mo ngang talaga.

Akala ko nga rin, magiging tulad nya si Rozen na tutulungan ako sa ibang homeworks ko pero di pala.

Those boys sa wattpad, they always find way to bond with their love ones. Kahit sobrang busy nila, nakakapaglaan parin sila ng time sa girlfriend nila.

How I wish, ganun din sana si Yrus sakin.





Kasalukuyang nagcecellphone ako ngayon sa music hall. Naisipan kong ichat si Yrus.

Me: Babe? Kain tayo streetfood mamaya tapos ng klase ha?😊

Online sya pero ang tagal nyang nag reply.

After 2 minutes,

Nagreply na sya.

Yrus: May laro kami sa basketball mamaya eh

Me: Babe naman eh😟 di naman siguro yan importante eh

Yrus: Next time nalang babe ha?😊


Pinilit ko pa sya ng pinilit pero hindi na sya sumagot.

"Nakakainis ka Yrus! Nakakainis ka!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapasigaw dahil sa inis.

Bakit ba kasi sya ganyan?

Mabuti pa yung mga bebe ko sa wattpad laging may time sayo at malambing di tulad nitong boyfriend ko ngayon.

Sa tingin ko, kailangan kong sabihan si Yrus na magbasa ng wattpad para naman ay may matutunan sya sa wattpad boys dun kung paano maghandle ng relationship.

Sana naman matutunan nyang pahalagahan rin ako diba? I mean, magpakaboyfriend naman sya sakin.













A/N: habang tumatagal, lalong lumiliit ang update ko HAHAHAHA. So, heto na nga, medyo nabawasan na ang kajejehan ni Katrin at kahit kaunti ay nagmamatured na sya ng maging sila ni Yrus. Chars!





Thanks for reading!





Your VOTE and COMMENT are highly appreciated! mwaps > ^
3

THE TWO WORLDS  (COMPLETED)Where stories live. Discover now