Mas lalo akong naging matamlay after nung breaktime. Lutang na lutang ako sa klase at wala sa mood. Nag-alala nga daw si Claire sakin eh.
Hayyys
Ganito pala talaga kasi pag nadisappoint ka. Talagang babagsak ang mood mo, ang productivity mo, at whatsoever pa. Tsk.
Ang asyumera ko kasi! Kaya ito na napala ko! Huhu!
Letseng Yrus kasi eh! Sinabi ng ligawan nya ko ng Sensui Style! Argh!
Finally... natapos na ang AM class. So... lunchtime na. At gaya nga ng sinabi nitong manliligaw kong si Yrus, dumeretso ako sa likod ng stage namin.
Jusmiyo lang! Ang liblib dito! Ang daming kakahoyan!
At ang letse, wala pa dito! Hmp!
Naisipan kong magbasa nalang muna ng wattpad habang hinihintay si Yrus. At dahil nagwawattpad ako, sumaya na naman ang katawang lupa ko! Haaayy iba talaga ang idinudulot na saya ng wattpad sakin. Sayo din ba?
Kasalukuyan akong nagbabasa ng Heartless by jonaxx. Jusko naman kinikilig ako kay Rozen! Huhu!
Kahit nagfailed sa panliligaw sakin si Yrus abay sasagutin ko parin sya basta tumulad sya kay Rozen hehe. Kung si Rozen ang gumagawa sa thesis ni Coreen, si Yrus naman ang gagawa ng research paper ko. He he he he (ngiting aso)
A/N: ayan ka na naman Katrin eh! hala wattpad pa!
Naka 18 chapters nako, bago pa dumating ang letseng manliligaw ko! Walangya! Ako pa talaga pinaghintay ha?
"Katrin!" wow ha? Nagawa nya pang ngumiti sakin no?
Yun nga, nakangiting lumapit sakin si Yrus.
Hay jusko, ang gwapo talaga nya pag ngumingiti. Nawala tuloy ang pagkainis ko sa kanya. Argh! Ang rupok mo self! Mana ka kay Rozen!
"Pasensya na kung ngayon pa ko. Nakalimutan ko kasi" napakamot si Yrus sa ulo nya na kala moy may kuto sya.
"Nakalimutan?" takang tanong ko.
Seriously Yrus? Nakalimutan? Anak ka ng ewan!
"Oo eh"
Napabuntong hininga ako ng malalim saka naiiyak na tiningnan si Yrus.
"Seryoso ka ba talaga sakin Yrus?" malungkot kong tanong.
Waaa! Sobrang pagpipigil na ang ginawa ko para lang di malaglag ang mga luha ko.
"Seryoso naman ako Katrin..." sagot ni Yrus ng nakatingin din ng deretso sa mga mata ko. Hinawakan nya ko sa magkabilang balikat.
"Pero bakit ka ba ganyan? Nakalimutan mong may pinag-usapan tayong magkikita dito, tapos akala ko ba naman ay liligawan mo ko tulad ng galawang Deib Lohr?"
"Naging busy lang naman talaga ako eh. Saka...yung galawang Sensui na sinasabi mo ay di ko magagawa. It will takes a lot of time para paghandaan yun. Gusto na kitang maging girlfriend ngayon Katrin"
O___O
What the...
Natigilan ako sa huling sinabi ni Yrus.
Ngayon din? Gusto na nya akong maging girlfriend? Agad agad?!
"Katrin... pwede naman na kitang maging girlfriend diba?" nakangiting tanong nya.
Oh my god! Ginagamit nya ang ngiti nya para parupokin pa ako ng husto! Huhu!
"Ang bilis naman Yrus... ngayon na talaga?"
"Ganun din naman kasi Katrin
eh... sasagutin mo rin naman ako. Bakit papatagalin pa?"Jusmiyo! Napakalaking kabaliktaran nito sa mga paraan ng wattpad boys ko huhu!
Pero...
Papayag na lang siguro ako...
Malay natin baka, mas may idadamoves sya kung kami na diba?
"Ano na Katrin? Payag ka na ba?" muling tanong ni Yrus.
Tumango ako ng dalawang beses.
"Okay"
A/N: aaaah, namiss ko yung Heartless haha! skl
Thanks for reading!
Your VOTE and COMMENT are highly appreciated! mwaps > ^
3
YOU ARE READING
THE TWO WORLDS (COMPLETED)
Random[Date Published: 09/07/2020] •WATTPAD WORLD AND REAL WORLD edition•