Isang araw na ang lumipas at first monthsary sana namin ngayon ni Yrus kung hindi ako nakipagbreak sa kanya. I'm still hoping na magkakabalikan kami kahit na ako yung nakipagbreak. Hinihintay ko lang naman na suyuin nya ko. At dahil marupok ako, I swear isang lapit nya lang o isang suyo nya lang, tatanggapin ko sya ulit, makikipagbalikan ulit ako sa kanya.
Pero lumipas na nga ang isang araw ay di parin sya nagparamdam. Nakikita ko syang online sa facebook pero wala man lang syang kamessage message sakin. Kaya naisip ko nga na baka, ginusto nya rin talagang maghiwalay kami.
Kagabi, pinagalitan ko ang sarili ko kung bakit ba pumasok sa isip ko ang hiwalayan sya, eh makikipag-ayos naman sana ako nun. Iyak ako ng iyak to the point na napipikon na sakin si lola gabi gabi. Magkatabi kasi kaming matulog sa kwarto at lagi na syang nagigising dahil sa pag-iyak ko. Di ko kasi mapigilan ang sarili ko dahil sa sobrang pagsisisi.
Kasalukuyan akong nasa sala ng bahay namin. Linggo kasi ngayon at walang pasok. Kagagaling lang din namin sa simbahan.
Mag-isa lang ako sa sala at tahimik na nakaupo. Hawak hawak ko ang cellphone ko dahil sa inaabangan kong may message man lang sana si Yrus o di kaya ay may tawag sya.
Gusto kong suyuin nya ako. Alam kong ako yung nakipagbreak at ako dapat ang makikipagbalikan, pero gusto kong si Yrus ang makikipagbalikan sakin. Well, if he loves me, susuyuin nya ko at hindi nya hahayaang maghiwalay kami ng ganun ganun na lang. Sana nga ganun...
Ilang oras na ang nagdaan pero walang text, tawag o chat si Yrus kahit na nakita ko nga syang online kanina. Heto na naman ang mga luha ko at nagsisilabasan na naman.
Gusto kong magkabalikan kami, mahal ko naman sya kahit ganun sya, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na minsan mainis, magalit, o sabihin na nating OA. Gusto ko na sana syang tawagan at sabihing magbalikan kami dahil ako nga naman ang nakipaghiwalay, pero umaayaw ang sistema ko at sinasabing maghintay lang ako kay Yrus na suyuin ako. Magmumukha kasi akong desperada at mas inlove kay Yrus kung ako pa ulit ang lalapit sa kanya.
"Yrus... suyuin mo na ko... dali
na... " eto na naman ako sa nakagawian na kinakausap ang cellphone.Maluha luha ko paring tinititigan ang cellphone ko at nagbabakasakali sa pagpaparamdam ni Yrus.
Natapos ang buong araw at ngayon ay gabi na. Nasa kama na ako ngayon at mag-isa. Lumipat kasi si lola ng kwarto dahil naiistorbo ko raw ang tulog nya.
Si Yrus... wala paring paramdam. Nakita ko syang online at may mga bagong sharedpost nga syang mga memes.
Napaiyak na naman ako ngayon.
Mukhang ayos lang naman si Yrus na nakipagbreak ako sa kanya. Balewala lang sa kanya. Siguro... hindi na nga nya ako susuyuin.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin
na... baka hindi nya naman talaga ako mahal...
YOU ARE READING
THE TWO WORLDS (COMPLETED)
Random[Date Published: 09/07/2020] •WATTPAD WORLD AND REAL WORLD edition•