Chapter 4- Expectation

16 7 0
                                    





Kinabukasan...








Waaa! Kinakabahan ako na naeexcite! Talagang inagahan ko ang pagpunta dito sa school ngayon! Ang saya ko rin talaga dahil sobrang natuwa ako sa ending ng He's Into Her season 3! Finally! Natapos ko rin ang kehabahabang storya na yun! Pero napakaworth it! Huuuu!



Pumasok sa isip ko si Deib Lohr. Waaa! Magkakatotoo na kaya sya sa buhay ko? Si Yrus naba ang living Sensui ng buhay ko? Yiiiiieee kinikilig ng bongga ang katawang lupa ko! HAHAHAHA




Ano na kaya ang pakulo ng manliligaw ko? Pinaalis na kaya nya ang lahat ng tao sa Gymnasium namin? Sinolo nya na kaya ito? Waaaa! Mala Sensui na galawan!




"Oy Kat! Para kang baliw!" napalingon ako sa kaliwa at nakita ko ang kaklase kong si Einna na bumubungisngis.



"Ha? Bakit?" tanong ko.



"Kanina ka pa ngumingiti dyan! Hahaha!" humagalpak na ng tawa ang letse! Hmp!




"Baliw kaagad?" mataray kong tanong.



"Hahahaha! Sabi ko PARANG baliw hindi, BALIW. Hahahaha!"



"Nakakabadtrip ka Ein! Kainis!" hmp! Panira ng moment eh! Nag walkout ako pero ang walangya sumunod pa!



"Oy Kat! Teka lang!" sigaw nya. Buti naman at di na sya tumatawa.


"Oh?" hinarap ko sya ng nakacross arm.



"Ba't ang aga mo? Saka ano pala iningitingiti mo?" kuryos nyang tanong.


"May inaabangan lang ako saka, napapangiti lang ako sa naiimagine ko"



"Anong iniimagine mo?" ay hala sya, gusto talagang malaman eh no?


"Bakit mo gustong malaman?" tanong ko naman.



"Ita-try ko ring i-imagine ang iniimagine mo para naman mapasaya ako. Hehe"

Whaaaaat? Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Seryoso ba sya? Ay hindi! Biro nya lang yun diba? Langya talaga to si Einna.



"Oy seryoso ako Kat ha!" eh?




"Oh hala sige sasabihin ko na" tumango tango naman si Einna.




"Iniimagine ko kasi na yung manliligaw ko ngayon ay ang magiging living Sensui ko." panimulang sabi ko.



"Sinong Sensui?" tanong nya.



"Si Deib Lohr, yung wattpad character na bida sa kwentong He's into Her." sagot ko.



"Ah, sa wattpad... sige continue"



"Ngayon kasi, dadamoves na ang manliligaw ko. Pinasearch ko sa kanya kahapon sa google kung paano manligaw ang isang Deib Lohr Enrile para yun ang gagawin nya rin sakin. Tapos yun, sabi nya oo daw. Kaya ngayon ineexpect ko ng yun ang magiging galawan nya ngayon. Naiimagine ko na na... naghahanda na sya sa gymnasium tapos pinaalis nya lahat ng tao dun tapos papapuntahin nya ako dun at magsisimula na syang mangharana tapos may dala pang bulaklak... yiiiiieee yung ganun!" kinikilig kong sambit kay Einna.



Tipid syang ngumiti at napatango.


"Nakakakilig at nakakapagpangiti nga ang iniimagine mo Kat...
pero... base yan sa wattpad diba? Yung paraan ng panliligaw? Iba yun sa reality. Mahirap mag expect na ganun nga pero kabaliktaran naman pala talaga sa reality..." seryosong sabi ni Einna.



Hindi ko nagawang makapagsalita. Parang umurong ang dila ko. Ang seryoso naman ni Einna saka parang may punto nga ang sinabi nya. Pero... magagawa naman siguro yun ni Yrus diba? Pinasearch ko sa kanya yun kahapon. Syempre gagawin nya yun dahil request yun ng nililigawan nya. Diba?



"Advice lang my dear classmate, wag na wag mag-expect okay?" tinapik ni Einna ang balikat ko saka sya umalis.



Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa tuluyan syang nawala sa paningin ko. Hmm, iimaginin din kaya ni Einna yung inimagine ko? Sabi kasi nya kanina iimaginin nya rin daw para mapasaya sya.














A/N: parang bipolar lang ang peg ni Einna ah? HAHAHAHA wala lang. Kanina kasi humagalpak sya ng tawa, tapos sumeryoso, ngumiti, kinilig tapos sumeryoso ulit HAHAHAHA






Thanks for reading!




Your VOTE and COMMENT are highly appreciated! mwaps  >   ^
                                                         3


THE TWO WORLDS  (COMPLETED)Where stories live. Discover now