Chapter 12- Sampal

7 5 0
                                    





Kinabukasan, araw ng lunes. Napagdesisyonan kong makipag-usap kay Yrus. Gusto ko kasing magkaliwanagan kami sa mga naging gusot ng relasyon namin at gusto ko ring makipagbalikan.


Oo na ako na itong maghahabol, eh kasi ako naman ang nakipaghiwalay. Mahal ko si Yrus kaya gagawin ko lahat ng pwede kong magawa.







Recess time. Nag message ako kay Yrus na magkita kami sa likod ng stage after ng AM class namin. Pinili kong magkita kami sa likod ng stage since iyon naman na talaga ang naging meeting place namin palagi.


Ilang minuto muna ang nakalipas bago ako nakatanggap ng sagot kay Yrus.

Yrus: Ok

Wow grabe napakacold naman.


At dahil sa OK lang ang sagot nya, SEEN lang ang iginanti ko. Hmp.







Nayayamot na ko sa prof naming kaybagal magdiscuss. Kanina pa ko kamot ng kamot sa ulo ko dahil narin sa inis. At sa wakas, matapos ang nakakatorture nyang discussion ay kumaripas na kaagad ako ng takbo at tinungo ang likod ng stage.



Pagdating ko, ay muntik pa akong atakihin sa puso ng biglang bumungad sakin si Yrus.


Himala! Sya ang nauna!

At...

Kung kailan, wala ng kami.



"Yrus... na-naandito ka na pala" nauutal kong sambit.


Tumango si Yrus at nagsalita,
"Ano palang pag-uusapan natin?"


Kinakabahan ako ngayon at hindi ko alam kung bakit. Nag-iba kasi si Yrus, ang cold nya ngayon masyado. Natatakot tuloy ako at pakiramdam ko, di ako makakapagsalita ng maayos.


"Ano Katrin? Nagugutom na ko"


"Ah...ano, tungkol sana sa relas---"

"Wala na tayong relasyon" hindi na nya pinatapos ang huling sasabihin ko sana. Malamig nya akong tinitigan.


"Makikipagba---"


"Ayoko. Ayoko na" singit na naman nya.


"Patapusin mo muna ako Yrus!" nakakainis. Lagi nalang syang sumisingit. Napasigaw na tuloy ako.


"Tsk. Alam ko namang sasabihin mo na makikipagbalikan ka. At ang sagot ko, A-YO-KO"


"A-ano? Hin-hindi mo ba ako mahal Y-yrus?" nanginig bigla ang boses ko at nangilid narin ang mga luha ko.



Nahihiya na ako ng sobra sa ginagawa ko ngayon. Alam kong hindi ito ang tamang gawin ng babae, hindi dapat ako ang lalapit at susuyo sa kanya. Tapos ngayon, irereject lang ni Yrus ang pakikipagbalikan ko? Hindi nya ba talaga ako mahal?


"Minahal kita Katrin. Pero, ayoko na, ayoko na sayo." tuluyan ng nagsilaglagan ang mga luha ko ng dahil sa sinabi nyang mapanakit.


"Bakit? Bakit Yrus? Ganun lang kadali?"


"Nakakasawa at nakakapagod ng pakinggan yang mga reklamo mo. Tapos nakakainis pa yang pagkukumpara mo sakin dyan sa mga potang nilalang na wala naman sa mundo!" biglang tumaas ang boses ni Yrus at nakikita ko sa mukha nya ngayon ang galit.



Mas lalo akong napaiyak dahil narin sa takot. Hindi ko na magawang makapagsalita dahil sa panginginig ng bibig ko at naghalo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.



"Nakita lang kitang masaya sa relasyon natin nung una hanggang tatlong araw pa lang tayo. At nitong mga sumunod na? Hindi. Hindi na kita nakikitang masaya. Oo, iniintindi mo nga ako pero alam kong dyan sa kaloob looban mo, nag-iipon ka na ng tampo sa akin at alam kong ikinukumpara mo na naman ako dyan sa mga lalaki mo sa wattpad na yan!"

"Hindi mo alam kung gaano ako nasasabik na yakapin ka at hawakan ang kamay mo, hindi mo alam kung gaano ako kasabik na idate ka, pinigilan ko lang ang sarili ko kasi alam kong magagawa ko rin yun sayo at alam kong mauunawaan mo ko, pero hindi! Puro ka reklamo!"

"Alam kong hindi pasado sayo ang panliligaw ko, naging madali ako sayo at hindi ko na-hit yang expectations mo. Pero marami akong plano para sa relasyon natin kahit hindi man tulad dyan sa wattpad na sinasabi mo!"

"Pero... wala na eh. Ayoko na, nakakasawa."



Binalot kami ng katahimikan. Nakatalikod na sakin ngayon si Yrus habang nakapamaywang, at ako naman... tahimik parin na umiiyak.


Kakausapin ko na sana sya... kaso naunahan nya ako.


"Hinding hindi ka sasaya sa lahat ng relasyon na papasukan mo kung lagi mong pinagbabasehan yang wattpad nayan" yun lang at agad ng nawala si Yrus sa paningin ko.






Pakiramdam ko... sinampal ako. Malakas na sampal. Ang sakit...

Masakit pa pala sa sampal ng tao, ang sampal ng katotohanan...






THE TWO WORLDS  (COMPLETED)Where stories live. Discover now