Chapter 8- LQ

11 6 0
                                    









Alas otso na ng gabi at hindi parin ako makatulog. Hinihintay ko kasing magmessage sakin si Yrus. Kanina pa nga ako chat ng chat sa kanya tapos tinatawagan ko pa pero di nya man lang sinagot.



"Yrus naman eh! Sumagot ka ng letse ka!" pinapalo palo ko ang cellphone ko.


Mayamaya lang, may chat na si Yrus.



Yrus: Sorry babe nakalimutan kong mag message😊


Walangya! Kita nyo na? Parang wala lang syang girlfriend ano?


Sa totoo lang, nasaktan ako sa naging message nya. Ang kapal naman nya para makalimutan man lang na magmessage sakin kahit isa lang? Maski tawag ko di nya sinagot?


It seems like, ako nalang ang gumagalaw sa relasyon na to. Today is our 27th day of being in a relationship at kunti nalang magwa-one month na kami pero sa 27 days na yan, ako lang yung parang may pake sa relasyon na to.



Me: Seriously Yrus? Ulyanin ka na ba para ang dali mo ng makalimot?


Ramdam ko na ang pangingilid ng mga luha ko. Hindi ko alam at di ko maintindihan ang sarili ko dahil sa... madalas na akong nagiging emosyonal, well maybe...kasi ganito talaga pag first time mo makipagrelasyon? At oo, mahal ko Yrus kahit na bago pa lang kami at ilang araw pa lang yun. Ang sakit lang na yung boyfriend mo, napakaewan.


Yrus: Busy kasi babe eh. Sorry na nga eh

Me: Ayan na naman tayo sa busy busy na yan eh! Kahit 30 minutes a day lang Yrus! May magawa ka man lang sana para sa relasyon natin! Di yung lagi nalang ako yung naghihintay sa canteen, susundo sayo para umuwi, at laging unang nagmemessage sayo!


Tuluyan na ngang nagsilaglagan ang mga luha ko habang nagtitipa ng message kay Yrus.

Naiinis ako na nasasaktan. Bat ba kasi napakaewan nya? Ganito ba talaga ang oso sa relasyon nowadays?



Yrus: Alam mo namang busy talaga ako diba? Kaya di ko nagagawa yung mga gusto mo!


Ha! Alam ko yan Yrus! Alam na alam!


Me: Homeworks at projects na naman ba? Oo alam ko yan Yrus! Dahil pareho tayong estudyante! Pero tingnan mo ko, nakakapaglaan ako lagi ng oras para sa relasyon natin!

Yrus: Nakakapagmessage naman ako sayo ah? Nagkakasabay naman tayo sa canteen at pag-uwi! Ano bang ipinoproblema mo? Dahil lang sa ikaw lagi yung naghihintay ag sumusundo? Tama lang naman yun kasi girlfriend kita ah?!


Argh! Nakakastress ka Yrus! Ikaw ang unang bumuo sa relasyon na to pero ako itong kumikilos?!

Me: Gawain mo dapat yun at hindi ako! Dapat nga bilang boyfriend ko, tinutulungan mo rin ako sa homeworks at projects ko! Pero hindi eh! Lagi ka nalang busy busy! At pag may freetime lagi kang nandun sa barkada mo at nakikipaglaro ng basketball!

Yrus: Aish! Tumigil ka na nga! Ang dami mong sinasabi eh!




Whaaaaattttt?!


Kaletse mo Yrus! Kumukulo lalo dugo ko sayo! Ganyan ba dapat ang pagiging boyfriend? Bakit ayaw mong magpakumbaba?


Me: Boyfriend ba talaga kita Yrus?

Yrus: Ano?! Bakit? Hindi ba?

Me: Eh bakit ka ba ganyan?!

Yrus: Ha? Anong ganyan ba?!

Me: Ewan ko sayo! Napakaewan mo!


Argh!


Yrus: Kailangan ko ng pang-unawa mo Babe. Talagang busy ako. Bye na.



Nag offline na kaagad si Yrus.


Napaluha na naman ako dahil sa iniasta nya.

Ganun lang kasimple sa kanya ang lahat. Di man lang sya nagtiis at nagpakumbaba. Lagi nyang sinasabi na kailangan nya ang pang-unawa ko. Oo nga't nabigay ko naman yun pero sana this time, ako naman ang unawain nya.












A/N: So, pasensya na sa LQ kuno nila HAHAHAHA wala akong masyadong kaalam alam sa mga napag-aawayan ng mga magjowa dahil never pa naman akong nagkajowa HAHAHAHA pero sana ket papano nasatisfied kayo sa LQ nila lols. ede kung hindi, ede wala, wag nalang. --,





Thanks for reading!






Your VOTE and COMMENT are highly appreciated! mwaps  >   ^
                                                         3

THE TWO WORLDS  (COMPLETED)Where stories live. Discover now