Kating kati na talaga akong ipalam kay Claire ang nangyari kagabi. I mean yung nanligaw si Yrus sakin tapos pumayag ako. Kinilig ako ng sobra kagabi kahit na na SEEN lang ako ng lokong yun. Hindi ko nga natapos yung HE'S INTO HER season 3 kagabi dahil sa binalot na ako ng kilig. Huuuuu! Grabe si Yrus! May effect parin sakin! Hmm, ano kayang mangyayari kay Deib at Maxpein? May happy ending kaya sila? Naging tigasin si Deib eh nung nakabalik na si Maxpein huhu!
"Katrin!" napatingin ako sa pinto ng classroom namin at nakita ko ang masayang mukha ni Claire.
Hm, may ichichika din ito ah?
"Claire!" nagyakapan kaming dalawa. Gigil na gigil nya po akong niyakap. weird.
"Katrin! I have a good news! Nitong umaga lang binalik na sakin ni mama ang cellphone ko! Yey!"
"Wow! That's great! Next time mag-iingat ka na talaga sa ganyang modos!" nakangiting tumango tango naman sya.
"Aherm. By the way Claire, may balita din ako sayo" deretsong nakatingin ako sa mga mata ni Claire.
"Bad or Good?" tanong nya
"Of course Good!" magiliw kong sagot.
"Si Yrus... nanligaw sakin kagabi!" masayang balitang sabi ko.
Natigilan si Claire at nanlaki ang mga may pagkasingkit nyang mga mata.
"Claire?" inalog ko ang balikat nya.
"Omoooo! Seryoso?! Niligawan ka nya?! Yiiiiieeee I'm happy for you! Finally yung excrush mo liligawan kana!" napatili sya at niyakap kaagad ako.
"Yiiiieee thanks Claire!" niyakap ko din sya.
Until now... wala paring message si Yrus sakin. Malolowbat na naman tung cellphone ko kakaantay sa message nya sa messenger ko. Data lang kaya gamit ko huhu.
Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang TYPING si Yrus. Umayos kaagad ako ng upo sa kinauupuan ko ngayon. Nasa library ako.
Yrus: Hi Katrin😊 musta?😊😊😊
Yiiieeee napangiti ako sa message nya.
Me: Ok lang🙂 ikaw ha! SEEN lang ang peg mo kagabi😑
Yrus: nalowbat na ang cp ko e😁
--, [•_• "]
Ahh... yun naman pala. Akala ko kung ano na. Pero actually, nakaramdam ako ng disappointment. Mula kagabi ay itinatak ko sa isip ko na baka nahimatay sya or di kaya di malaman ang irereact dahil sa tuwa.
A/N: OA mo te! HAHAHAHA assume pa! HAHAHAHA
Me: By the way, kailan mo sisimulan ang moves mo?
Di ko na feel gumamit ng emoji huhu.
Yrus: Ha? Anong moves?
Wow parang feel din ni lokong Yrus na di gumamit ng emoji.
Me: I mean, moves mo sa panliligaw.
Naman eh! Ang slow nya po! Sya itong manliligaw tapos di man lang kaagad na gets ang pinupunto ko? Hmp!
Yrus: ah, anong klase ba na moves gusto mo? 😊😁
Whaaaat? Nakadepende pa pala sakin ang moves nya sa panliligaw? Urgh! This is so... urgh! Ewan!
"Yrus naman! Dapat ikaw ang mag-isip nyan dapat isusurprise mo ko sa moves mo! Urgh! Kainis ka Yrus! Para kang tinik sa pwet!" heto na naman akong parang baliw na kinakausap ang cellphone urgh! Well, kinakausap ko nga ang sarili ko diba?
Wattpader naman ako na umiiyak at tumatawa mag-isa, pero di ako ML player na biglang magsasalita ng mag-isa. In my case, I just don't know... Ay! Minsan din pala nagsasalita mag-isa ang wattpader. Am I right? HAHAHAHAHA
Me: Be my Sensui, Yrus. My living Sensui.
Galawang Sensui ang ipakita mong moves Yrus! Please lang! Nang maamaze naman ako at masagot kita!
Yrus: Sinong Sensui?
"Urgh! Yung hero mo sa ML! Bwesit!" sinigawan ko na naman ang phone ko.
Me: search mo nalang sa google. Paraan ng panliligaw ni Sensui or ni Deib Lohr Enrile🙂
Yrus: Ah, okay😊😊😊
Huuuu! I'm pretty sure naman na may lalabas sa google eh. Sa facebook nga meron, sa google pa kaya diba? Omooo! Pagnabasa na kaya ni Yrus, gagawin kaya nya yun? Mag-aala Sensui ba sya? Waaa! I'm excited!
A/N: hala hanggang ngayon asyumera parin ang ating Katrin! HAHAHAHA oh, ikaw? Baka ganun din? HAHAHAHA
Thanks for reading!
Your VOTE and COMMENT are highly appreciated! mwaps > ^
3

YOU ARE READING
THE TWO WORLDS (COMPLETED)
De Todo[Date Published: 09/07/2020] •WATTPAD WORLD AND REAL WORLD edition•