Hindi ko hahayaang matapos ang araw na ito ng hindi kami nagkakaayos ni Yrus. Kailangan ko syang puntahan ngayon, we need to fix this. Magwa-one month pa naman kami sa susunod na araw.
Eksakto pagkatapos ng afternoon class ay nagpunta kaagad ako sa grade 12 building kung saan naroon ang classroom ni Yrus. Kakaunti nalang ang nakakasalubong ko na mga grade 12 students, malamang kanina pa sila nakalabas.
"Excuse me, nasan si Yrus?" tinanong ko ang isang lalaki sa classroom nila ng hindi ko makita si Yrus sa loob.
"Ah si Yrus? Kanina pa nakaalis eh" sagot nya.
"May kasama ba sya?"
"Oo sina Khalel at iba pa nyang barkada"
"Alam mo ba kung saan sila pupunta?"
"Ummm, sa basketball court siguro doon sa katabing village daw ata nina Jate."
"Ah okay sige. Thank You" umalis na kaagad ako at dali daling tumakbo papalabas ng campus.
Walangyang Yrus ayan na naman sya sa basketball basketball na yan. Hindi man lang nag-abala na ayusin ang problema namin.
Imbes na sya yung lalaki eh ako pa tuloy itong lalapit sa kanya para makipag-ayos. I know may kasalanan nga naman siguro ako pero may mas kasalanan sya, dapat sya itong gagawa ng paraan para magkaayos kami. Lagi nya pang sinasabi na busy? Busy nya mukha nya! eh ayun nga nasa basketball court daw. Tsk.
Letseng Jate yan! Yang barkada nyang mayaman! Ang layo pala ng tinitirhan na village. At dahil sa katabing village pa nito ang pupuntahan nila, mas lalo pa akong napagod at napagastos ako ng wala sa oras. Kainis!
Bahala na, basta magkaayos na kami ni Yrus.
Sa wakas, nakarating narin sa basketball court nitong Alamont Village kung saan naroon ang boyfriend kong ewan.
Nasa entrance na ko ng basketball court at nakita ko na sina Yrus at ang barkada nya na abala sa paglalaro. Walang ibang mga tao bukod sa kanila, at wala rin naman silang kalaban. Siguro trip lang ng mga ito ang maglaro dito. Sabagay, maganda at napakalawak nga naman ng basketball court nato at parang bago pa lang nagawa.
Nagtago ako sa entrance nitong court at bahagyang sumilip lang ako sa kanila sa loob. 6: 24 pm na pala kaya madilim na, di ko man lang namalayan ang oras.
Nakita kong breaktime na nila dahil ayun na sila at nagpupunas sa kanilang mga sarili at nagsiupo. Kaya, nagkaroon na ako ng tyansa na tawagan ang cellphone ni Yrus.
Nakapitong beses na akong tumawag sa kanya, pero ang letse hindi sinagot. Sinilip ko sya sa loob habang tumawag na naman ako ulit, pero tinaponan nya lang ito ng tingin at binalewala.
"Walangya ka Yrus! Ano bang ikinapuputok nyang butchi mo?! Kainis!" galit na sabi ko.
Hindi ako tumigil sa kakatawag sa kanya hanggang sa umabot na sa panglabing-syam na tawag. Sinagot na nya iyon.
"Oh ano?!" galit na anito.
Walangya! Sya pa itong galit?!
"Nasan ka?" kahit alam kong nasan sya, tinanong ko parin.
"Nasa bahay, abala ako sa homeworks. Bye." pinatay na nya ang tawag.
Ha! Huli ka Yrus! Walangya kang letse ka! Bahay?! Bahay? Homeworks?! Letse mo!
Sinilip ko si Yrus sa loob ng court at nakita kong tinatawanan sya ng mga kasama nya. Nangilid naman ang mga luha ko dahil sa kawalangyaan nya. Nagsisinungaling lang pala sya sakin kung ganun?
Hindi tuloy mawala sa isip ko na... baka hindi ito ang unang beses na nagsinungaling sya sakin. Baka hindi naman talaga sya busy palagi.
Pinahid ko ang mga luha ko at muling tinawagan ko na naman si Yrus. Sa ikalimang beses, nakita kong padabog na sinagot ni Yrus ang tawag ko.
"Oh ano na naman?! Sinabi ng--"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya,
"Break na tayo" yun lang at pinatay ko na agad ang tawag.
Muli kong sinilip sa loob si Yrus at nakita kong basta nya nalang inilapag ang cellphone nito sa kung saan at napasabunot sya sa sarili.
Umalis kaagad ako sa lugar na iyon ng may dala dalang bigat sa kalooban.
Nasaktan ako sa pagsisinungaling ni Yrus. Nasaktan ako kasi ako pa itong nagpakahirap na makapunta dito at makipag-ayos sana sa kanya. Nasaktan ako kasi ako itong umeeffort lagi. Nasaktan ako kasi hindi man lang tumawag si Yrus ngayon para ipabawi sakin ang pakikipagbreak ko.
A/N: hala HAHAHAHA ayun na nga, nagbreak na sila. Masakit ba yung break up nila? Hindi siguro no? Basta ewan ko lang HAHAHAHA
may sira ka author? AW HAHAHA
Thanks for reading!
Please VOTE, COMMENT and FOLLOW me!
malapit na tayo sa katapusan at sa katotohanan my cutest readers! chos!
YOU ARE READING
THE TWO WORLDS (COMPLETED)
De Todo[Date Published: 09/07/2020] •WATTPAD WORLD AND REAL WORLD edition•