Everytime na nagbabasa ako sa wattpad, kumakalma ang sarili ko at nabubuhayan ang sistema ko. Sa wattpad, lahat ng emosyon ay naramdaman ko. At sa bawat kwentong binabasa ko... pakiramdam ko nasa loob din ako ng kwento at ako rin yung bida.
Naalala ko pa nga nung unang taon ko sa wattpad, lagi kong hinihiling sa mga bituin, sa mga balon na huhulugan ng coins, at sa tuwing may pilikmatang mahuhulog sa mata ko na... sana mapasok ko ang wattpad world, sana mabigyan ako ng pagkakataong maexperience ng totoo yung mga naexperience ng bida, sana mameet and greet ko yung mga bebe ko, mga husbands ko...
Pero... mag-aapat na taon na ako bilang isang wattpader ay di parin iyon natupad.
Honestly, I'm being obsessed to wattpad, to the point na... gusto kong iwanan ang real world.
Sa real world? Hindi ako nagiging komportable ever since na nagkaisip ako. I mean, I'm not completely happy. Yung mga magulang ko, laging busy pati narin ang mga kapatid ko. Isa lang ang naging kaibigan ko sa buong buhay ko dahil sa ayaw ako ng iba porket ang maldita ko daw, maarte at kung ano ano pa.
Kaya nga hindi ako kinacrushback ng mga naging crush ko kasi ayaw nila sa ugali ko at yun na nga... nitong grade 11 na ako nagkaboyfriend.
Isa sa pinakagusto ko sa wattpad ay yung mga bidang male characters, bakit? Kasi... tanggap nila kung sino o ano man yung babaeng minamahal nila... which is... pinakagusto kong mangyari sa real world.
Akala ko nga, magagawang tumagal ni Yrus sakin kahit na ganun ang ugali ko... but then, yun na nga, di sya tumagal.
Imbes na magmukmok ako, at magpakalunod sa lungkot, pinili kong magtungo sa bright side ng karanasan ko.
Oo, walang may gusto sa kung sino ako, walang tumagal at lahat umaayaw but that doesn't mean na... ilulugmok ko ang sarili ko ng dahil lang dyan.
Sa wattpad world, mayroong isa o iilang tao ang tatanggapin, at mamahalin ka kahit sino o ano ka man, pero sa real world walang kasiguraduhan, well sabihin na nating meron din ngunit di natin alam kung tatagal ba.
Sa bright side ng karanasan ko...? Yun ay ang lesson learned.
I've learned na... hindi lahat ng tao, mapipilit mong tanggapin ka, at hindi mo kailangang pilitin ang isang tao na tanggapin kung sino o ano ka man. Matuto dapat tayong maghintay sa tamang panahon at may kusa ring darating para satin. Hindi dapat tayo yung magdedesisyon o magdidikta sa isang tao kung ano ang dapat nyang gawin.
At...
Wag na wag ipagkumpara ang dalawang bagay. Matuto tayong makuntento at matuto rin tayong pahalagahan kung ano man ang meron tayo at kung anong klaseng sitwasyon ang meron tayo.
In my case, masyado akong bumase sa wattpad world to the point na hindi ko na napapahalagahan ang nasa real world...
Hindi ko pagsisisihan na naranasan ko ang ganiting sitwasyon dahil... dito ako natuto at dito ako unti unting nagmature.
![](https://img.wattpad.com/cover/240133573-288-k430110.jpg)
YOU ARE READING
THE TWO WORLDS (COMPLETED)
De Todo[Date Published: 09/07/2020] •WATTPAD WORLD AND REAL WORLD edition•