Wala ako sa sarili buong araw. Nakauwi na lamang ako sa bahay ay napakatamlay ko parin. Walang akong kagana gana maski ang kumain.
"Nakakasawa at nakakapagod ng pakinggan yang mga reklamo mo. Tapos nakakainis pa yang pagkukumpara mo sakin dyan sa mga potang nilalang na wala naman sa mundo!"
Napasalampak ako sa kama at biglang umalingawngaw ang boses ni Yrus.
Yung... sinabi nya kanina...
Kitang kita ko sa mukha ni Yrus na nasasaktan sya... nakita ko... nakita kong may luhang nagbabadyang lumabas sa mga mata nya...
Nakita ko kung gaano nasaktan si Yrus habang nagsasalita. Kitang kita sa mga mata nya ang emosyon na nararamdaman nya.
Matapos ang pag-uusap namin kanina, hindi na nawala sa isip ko ang isang katanungan na... "Masyado ba akong naging makasarili?" I mean, yung sarili ko lang ba ang iniisip ko? Yung sariling kaligayahan lang ba ang iniisip ko?
Ni minsan... hindi ko nga naman naisip ang nararamdaman ni Yrus.
Tama sya... puro ako reklamo. Inuunawa ko nga sya pero puro naman ako dada ng dada.
"Oo, iniintindi mo nga ako pero alam kong dyan sa kaloob looban mo, nag-iipon ka na ng tampo sa akin at alam kong ikinukumpara mo na naman ako dyan sa mga lalaki mo sa wattpad na yan!"
Palagi ko rin syang ikinukumpara at pati narin ang relasyon namin. Simula palang, ikinukumpara ko na nga sya at madalas na ipinipilit ko sa kanya na maging 'ganito ganyan ka' 'gayahin mo si Deib, si Rozen... ' puro nga naman ako ganun sa kanya.
Without knowing na... nasasaktan ko na pala sya.
Without knowing na... napepressure ko na pala sya.
Without knowing na... naiinsecure na sya.
Hindi kailanman naging kasalanan ng wattpad ang lahat ng ito.
Walang kasalanan ang wattpad kung bakit man nauwi sa ganito ang relasyon namin ni Yrus.
At lalong hindi kasalanan ng mga male characters sa wattpad...
Actually...
All of this?
It was really My Fault.
Ako itong masyadong mataas ang expectations. Ako itong asyumera. Ako itong makasarili. Ako itong masyadong immature sa relationship.
Ako itong, lagi nalang bumabase sa wattpad. At dahil sa immaturity kong to, naging ganito na lahat. Nagfail ang first relationship ko...
"Hinding hindi ka sasaya sa lahat ng relasyon na papasukan mo kung lagi mong pinagbabasehan yang wattpad nayan"
And... yeah. Maybe Yrus is right.
Hindi ako sasaya sa isang relasyon kung lagi akong bumabase sa standards o sa estado ng isang relasyon sa wattpad at kung lahat ay pinagkukumpara ko.
Mapanakit ang araw na ito, mapanakit ang unang relationship ko, at walang ibang sisisihin kundi ako lang din naman...
YOU ARE READING
THE TWO WORLDS (COMPLETED)
Random[Date Published: 09/07/2020] •WATTPAD WORLD AND REAL WORLD edition•