Hakbang 24

25.1K 638 774
                                    

The only person who always got me, the only person who always understands and protects me, the only person who never judge me... is now gone... because of me.

Achlys was always there. To save me whenever I am in trouble. To defend me whenever I am being reprimanded. To carry me home whenever I am drunk. To make me realize some things I don't understand.

He's always there. Always. For me.

And now he's gone. And will never come back.

Tell me how am I supposed to accept that? How can I even accept that?!

Iyong kapatid ko... iyong nag-iisang kapatid ko... iyong Kuya ko... wala na... iniwan ako.

I always say that I am independent and I can always protect myself but truth is... I need my brother.

Kaya ko kahit anong sakit ang ibato sa akin. Kaya ko at alam kong makakatayo ako... pero hindi ang ganitong sakit. Kasi ito... parang hinding hindi ako makakatayo.

Achlys... bumalik ka na, please....

Tatawagin na kitang Kuya lagi. Magiging mabait na akong kapatid, Achki. Hindi na kita tatarayan. Hindi na rin ako magpaparty para hindi ka namomroblema sa akin. Aayusin ko na ulit ang sa amin nila Daddy. Makikinig ako sayo palagi. Please... bumalik ka lang... Please... gagawin ko 'yan lahat... bumalik ka lang...

Ayaw mo akong umiiyak, diba? Sabi mo ayaw mo akong umiiyak! Kaya bumalik ka para hindi na ako umiyak! Bumalik ka, Achlys! Huwag kang madaya!

Ako na lang. Ako naman ang dapat nandyan.

"Allura, bakit? Bakit mo hinayaan... ang k-kapatid mo? Why, Allura Chianti? Why does it have to be my son?!"

Niyugyog ako ni Tita Graciela habang umiiyak. Hinayaan ko syang gawin sa akin iyon habang hindi rin natatapos ang pagtulo ng sariling luha. Halos hindi na ako makahinga kakaiyak ngunit hinayaan ko syang ibuhos sa akin ang lahat.

Tama naman si Tita... kasalanan ko naman. Kasalanan ko talaga.

"He's m-my only son! T-The only one... I had! Why did you l-let him die?! He protected you... all his life... Allura! Bakit i-ikaw... hindi mo n-nagawa?! Bakit si A-Achlys pa?!"

Nanghihinang napaluhod si Tita Graciela sa harap ko. It fucking hurts to see her like this too. Everything fucking hurts.

"I'm sorry... I'm sorry, Tita..." Hagulgol ko.

Wala na akong masabi kundi sorry. Alam kong walang magagawa ang sorry ko pero gusto ko pa rin sabihin. Alam kong hindi mababalik noon si Achlys. Alam kong kasalanan ko. Sige, ibuhos nyo lang lahat sa akin. Tatanggapin ko.

"My son... My only son... My Achlys..."

Lumuhod ako para yakapin si Tita Graciela. Wala na akong pakialam kung itutulak nya ako o sasaktan. Gusto ko lang sya yakapin kasi ako... kailangan ko rin ng yakap...

She let me hugged her while we're both crying hard for the loss of our beloved one. Walang ibang maririnig kundi ang pag-iyak naming dalawa na puno ng hinagpis... at sakit.

I am still covered with Achki's blood. The whole mansion was filled with blood and gunshots. Ilang sandali matapos pumikit ni Achki, dumating ang mga pulis at ambulansya. Agad nilang hinuli ang mga bumabaril at dinala sa hospital ang mga sugatan at wala ng buhay. Isa na roon ang kapatid ko.

Gusto kong sumama hanggang sa hospital ngunit hindi kami pinayagan ng mga pulis. Anila, mas ligtas kung mananatili kami rito. Si Daddy, dinala rin sa dahil may daplis sa braso.

Kinuhanan nila kami ng statement at nagkalat ang pulis sa buong bahay para mag-imbestiga. I answered all their questions like a robot. I feel so... lifeless.

Sober, I'll Come Over (Revelry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon