Hakbang 23

26.2K 702 1.2K
                                    

Achlys looked really worried when he saw me crying. He immediately hugged me. Inalalayan nya rin ako papasok sa kotse. Hindi sya nagsalita o nagtanong. Hinayaan nya lang akong ganoon hanggang sa makalma ako.

"You wanna go somewhere else? Your eyes are puffy. Magtatanong sila Daddy kapag nakita kang ganyan," Aniya.

Umiling ako dahil ang gusto ko na lang ngayon ay umuwi at magkulong sa kwarto. Another night to spend crying until I fell asleep. That was my routine these past few days and honestly, I already got used to it.

Got used with the pain that sometimes... it numbs me.

"Okay. Stop crying now, Allura. I don't wanna see you like that." Si Achlys sa seryosong boses.

I wiped my tears away and smiled at him. I don't wanna see myself like this too, Achki. I hate to see myself like this.

I used to be so strong. I used to handle it all. What has gone wrong? How did I miscounted it all?

Fuck this life! Always has a way to ruin what I have!

"Sorry, Achki, it's your birthday-"

He cut me off and smiled.

"Bukas pa ang birthday ko kaya bumawi ka bukas. Ayokong makakita ng Allura na umiiyak." Aniya at tinulungan ako sa pagpupunas ng luha.

Siguro kung wala ang kapatid ko, mas lubog ako ngayon. Kahit papaano, hindi pa rin malupit ang tadhana.

We went home safe and sound. Saka lamang ako nakampante at nawala ang kaba noong nakapasok na kami sa gate ng mansion. I was so worried when I saw Ram and Kier earlier.

Tama nga si Achlys, hinintay kami nila Daddy. They were at the living room when we got home. Agad kong nakita ang pagbuntong hininga nila, na parang nakahinga nang maluwag noong nakita kaming dalawa. At kahit galit ako, ayokong maging bastos kaya lumapit sakanila para bumati.

"How was it? Did you enjoy?" Tanong ni Daddy sa akin.

I smiled at bit. Kumunot ang noo nya nang nakita siguro ang namamaga kong mata.

"It was fun. Akyat na po ako sa kwarto," Paalam ko.

I didn't wait for their approval anymore. I quickly turned my back and walked towards the staircase. I was already halfway when my Dad called me again.

"Allura, are you... still mad at me?"

Natigilan ako at nilingon sila. They are all looking at me. I smiled sadly.

"Hindi ako galit, Daddy... Hindi lang talaga kita kayang maintindihan ngayon. Please, give me time to process this all..."

At matapos sabihin iyon, tuluyan na akong umakyat papunta sa kwarto. Magpapatawad naman ako. Sandali lang. Bigla pa rin kasi ako.

I went straight to my bathroom to take a shower, hoping that it would atleast make me feel good. Even for a little bit. But then... it has no help. I still feel that hollow feeling inside me.

Noong nakahiga na sa kama at binalikan ang mga nangyari kanina, ngayon lang nag-sink in sa akin ang takot sa pagkikita namin ni Ram. Funny how I was not even scared when he's infront of me earlier. All I can think about that time is my pain. At ngayon... ngayon lang natakot.

I'm still lucky he didn't kill me, huh? But then he said... that the last thing he'll do... is to... hurt me...

I shook my head. You'll believe that, Allura? No, you won't! Stop falling for his traps and lies! You fell once. You fell hard. That won't happen anymore!

Hindi ko rin nasabi sakanya ang mga nalaman ko tungkol kay Daddy. Ayoko rin kasing sabihin iyon na nasa paligid lang si Achlys. Takot ako para sa kaligtasan nila at kagaya ng sabi ko, ako lang ang haharap kay Ram.

Sober, I'll Come Over (Revelry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon