Hakbang 28

27.3K 753 824
                                    

Wala ako sa sarili na nag-ayos para sa pag-alis na iyon. I can't believe that my father is letting this to happen! Oo at nasettle na ang past issues ng pamilya namin noon at ang sabi, nagkapatawaran na rin pero talagang papayag sya na kasama ko si Ram ngayon?!

Nanliit ang mata ko noong naalala na oo nga pala, simula pa noon, talagang boto na sya kay Ram. Bilib pa nga! Unbelievable!

"Mommy, where are you going? Can we come?" Si Adara habang pinapanuod ako.

Binaba ko ang lipgloss na hawak at bumuntong hininga. I've been busy the past few weeks that I was not able to spend much time with them. Ngayon sana ako babawi pero... ito naman ang nangyari.

"It's too far, love. I can't let you come..." Nakanguso kong sabi.

She pouted too and nodded. I giggled at her reaction. So cute, anak!

"Then who's coming with you, Mom? You said it's too far. Isn't it dangerous? I won't let you go if you're alone." Si Blade.

Makapagsalita ito at parang sya ang tatay ko! Humalakhak ako.

"I'm not alone, okay? May kasama ako,"

"Niso?" Si Blade.

"Yeah. Niso, Mom?" Dagdag ni Adara.

Humalakhak na naman ako. My twins looked at me like I'm a weirdo! I'm sorry, okay? They're too cute and funny it's hard not to laugh!

"It's sino, baby. Not niso," Natatawa kong pagtatama sakanila.

"Sino, Mommy?"

Natigilan ako saglit at nag-isip ng palusot. I can't tell them yet that I'll be with their father.

"Uh... A friend. Yeah. A friend, baby."

"Tito Colin?" Si Blade.

"Dada Zath?" Si Adara.

Daddy nyo.

"Hindi. Kasama ko sa trabaho. Your Lolo asked me for a favor. Anymore questions?"

"What time are you going home?"

"Hmm... depends. You want pasalubong?"

"Donuts and you, Mommy!" Si Adara.

"Blade? Ikaw?"

"Go home safe, Mom. That's the pasalubong I want."

I smiled sweetly at my two angels. This is why I never regretted having them. Kahit ulit-ulitin pa, pipiliin ko pa rin na magkaroon ng sila. They gave me life when I, myself, was losing it.

Dahil aalis, binilin ko na agad kay Ana ang lahat. Alam na naman nya ngunit pinaalala ko na rin. I asked Colin too if he can come here after his work to check on my twins. Ayos lang naman daw at wala naman syang ginagawa. He also asked if where am I going but I chose not to tell it. Aasarin lang ako noon!

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng sarili. I chose to wear a black sleeveless dress and white sneakers. Nagsuot din ako ng shades dahil mainit doon. Hati sa gitna ang buhok na natural na kulot ang dulo. Some accessories and my Chanel bag completed my look. For the final touch, I sprayed perfume all over my body.

Humarap ako sa salamin at kinagat ang labi noong napagtantong parang masyado ata akong ayos na ayos. I mean... I am always like this! Parang dumoble lang ata ngayon? Masyado kong sinigurado na humahalimuyak ako sa bango! Maingat pa ang paglalagay ko ng lotion kanina!

What the hell, Allura?! Napailing na lang ako sa sarili at lumabas na sa kwarto.

I texted my Dad and I asked some questions about the problem in the vineyard. Ayoko naman kasing pumunta roon na wala akong alam sa kakaharapin ko. Ang sabi nya, pineste ang iilang vines kaya nagkakaproblema. It is a common problem for our vineyard for the past years and we were able to manage it. Nga lang, kailangan talagang tutukan dahil hindi madali.

Sober, I'll Come Over (Revelry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon