End of Revelry

41.6K 1K 1.8K
                                    

Where do I even start?

Sa dami ng nangyari, hindi ko alam kung saan magsisimula.

I was twelve years old that time. At a young age, my father already introduced me to the nature of our business.

Security and safety.

At bata pa lang, bilib na ako sa sariling ama dahil kaya niyang protektahan ang mga taong nangangailangan. Kaya nilang protektahan ang mga buhay na nasa panganib sa lahat ng oras.

Wala na akong masyadong maalala pero tanda ko pa ang iilang pagkakataon na kasama ko pa si Aila.

"Kuya, why is Daddy always holding a gun? That's a real one, right? Unlike your toys that are just fake guns. What if he shoots us?" She asked.

Humalakhak ako sa tanong niya. Kumuha ako ng chips at agad na sinubo iyon nang hindi tinatanggal ang tingin sa screen ng video game na nilalaro ko. Tutok ako roon pero iniintindi pa rin ang sinasabi ng kambal ko.

Kakatapos niya lang maglaro kaya nanunuod na lang sa akin. Pinilit niya ako kaninang laruin din iyong video game niya na puro pagluluto ang ginagawa. Kahit wala akong alam doon, inaral ko kasi ang kulit nitong kapatid ko.

"He won't shoot us. He shoots the bad guys." I explained to her.

"But I'm not a guy. I'm a girl..."

I chuckled more as I shoot my opponents. I think she's pouting right now.

"Then are you bad?" I asked.

"No... minsan lang ata?" Hindi siya sigurado.

Naisipan ko tuloy mang-asar. Ganito ako maglambing sakaniya.

"Ang minsan mo, Aila, nagiging madalas."

"Kuya!"

"Kuya!" I mimicked her.

She threw some chips on me and I chuckled more. I focused on my game again and decided to switch my gun. I used the sniper rifle so I can shoot even from afar.

"I'll tell Lia to uncrush you!" Banta niya.

Tumango na lang ako. "Hindi ko rin naman siya crush," Ani ko.

"Wala ka namang crush, Kuya! Abnormal ka ba?"

"Bata pa tayo para sa crush na 'yan. Bakit ikaw? Meron kang crush?"

My eyes are focused on the screen but my ears are waiting for her answer.

"Meron..." I heard her giggles.

I paused the game and looked at her, annoyed. Kumain ulit ako ng chips at nakakunot na ang noo ngayon.

"Sino?" Mariin kong tanong.

Her cheeks blushed. I pursed my lips as I watched my sister. Ang bata pa niya para sa crush na 'yan!

"Si Lander..." Nag-iwas siya ng tingin at pulang pula na ang pisngi.

"Tss. Bugbugin ko pa 'yon."

"You are so mean! That's your friend! Alis ka nga dyan, maglaro na ulit tayo noong laro ko!" Aniya.

Napakamot ako sa batok at sumimangot.

Magluluto na naman!

Those are the happy times I remember that I spent with her. Aila is a jolly and soft spoken person. She can make us all laugh with her cuteness. At kung alam ko lang na ganoon lang kaikli ang panahon na kasama namin siya, dapat sinulit ko na.

Kung alam ko lang na noong araw na iyon ang huling araw na makikita ko siya, dapat pinilit ko na lang siyang hindi umalis sa bahay.

"Do I look pretty, Kuya?" She asked while she's standing infront of the mirror.

Sober, I'll Come Over (Revelry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon