CHAPTER - 24 ( VIP Wife )

1.9K 298 216
                                    

YUNA...

Na-excite ako sa plano kong page-envite sa mga ka-boardmate. Pagdating ko sa cavite ay agad ko yong ibinalita kina kira. Tuwang-tuwa ang dalawa. Si Joyce ay wala lang reaction.

"Kelan ba? Sunday lang ang restday namin eh" masayang tanong ni Kira.

"Tingnan ko kung pwede ngayong darating na linggo. Di pa kase ako nakakapag-prepare." Sabi ko.

"Naku wala ng ganon, tayo-tayo lang naman eh! Kahit ano pwede" ani Elona.

"Oo nga Yuna, mag-swimming nalang tayo sa inyo diba Joyce?" Si Kira.

Kibit-balikat lang ang huli.

"Mas maganda parin yung prepared. Kakahiya sa inyo eh, sa friday ko nalang i-confirm ha"

"Okey kaw ang bahala, excitted na ako" kinikilig na sabi ni Kira.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Namataan kopa sila Ten at Raffy, lihim akong napasimangot sa dalawa. Ang galing din ng mga ito, alam na alam ang schedule ko tskk..

"M-maam hatid na namin kayo" lapit ni Ten.

"No need. Isang sakay lang naman nasa company na ako no" ingos ko sa dalawa.

"Pero maam ngayong kilala nyo na kami, mas madali na ang trabaho naming bantayan kayo. May dala kaming sasakyan kaya tara na po"

Naitirik ko ang mga mata. Pero sumunod nalang ako sa dalawa para di ako mainis. Tutal sobrang kulit ng mga ito eh.

"Kanino naman itong sasakyan?" Tanong ko ng makapasok sa likod.

"Ha? Sa asawa nyo po syempre. Mula ngayon ay kami na ang maghahatid at susundo sa inyo dito,"

"Ha e di wala ng gagawin sila Samson at Rennan?"

Nagalala ako sa dalawa. Baka sesantihin na yon. Pero mas ok narin para bawas bantay. Eh yun ibang bantay sa bahay dapat unahin muna yon ni Paolo. Nakakatakot ang mga baril sa bewang nila eh.

"Bantay din po yon. Ewan lang po namin."

Pinakatitigan ko ang dalawa. Naisip kong dapat kunin ko ang loyalty ng mga ito eh, sila Samson kase at Rennan mukang maka-Paolo.. Pero itong dalawa mas okey sa akin. Napapagsabihan ko kahit papano.

Pagdating sa DMCC naabutan ko na agad don si Sir DM at Sir Kurt na may tinitingnan na house model. Binati ko sila saka nagtimpla ng kape. Nang maipatong ko yon sa table ay lumapit ako sa dalawa. Napahanga ako sa mini house model na gawa nila.

"Wow mga Sir ang galing, project nyo din ba yan?" Humahangang tanong ko.

"Oo pero matagal pa yan Yuna, uunahin muna ang project kay Mr. Baltazar." sagot ni Sir Kurt. Nakatitig lang sa kin si Sir David kaya bigla akong nailang. Bahagya akong lumayo.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon