CHAPTER - 28 ( Fighter )

1.9K 286 201
                                    

STEPHANIE...

Napakuyom ako ng kamao habang nakatanaw sa papaalis na sila Paolo at Yuna. I feel something weird about the wife, parang bantay-sarado ang lalaki dito mula pa kanina at nahuhuli ko pa ang matiim na titig sa akin ni Yuna na parang may pinagaaralan sa akin. Maybe instinct ng isang babae yung kanya. Nararamdaman nya marahil na may balak akong landiin ang asawa nya. Tskk...galing nyang manghula.

Tumalikod ako at pumunta sa opisina ni David. Sinadya kong magpaiwan para makausap ang lalaki. Napasukan ko sya na tila tulala sa table nya.

"Hi!" I greeted.

"Bakit nandito kapa?" Pasupladong tanong niya. I smirked.

Sa totoo lang gwapo din itong si DM. Kasing talino din ni Paolo, Yun nga lang mas malakas ang dating sa akin ng una.

"David are you still mad at me? C'mon its just in the past. Move on na tayo okey?" I said to him.

"Matagal na akong naka-move on, ang diko lang maintindihan ay kung bakit kailangan mo pang ipagsiksikan ang sarili mo sa project na ito."

"Don't worry hindi ikaw ang target ko," kindat ko sa lalaki.

Lumapit ako sa kanya at tangkang haplusin ang pisngi nya. I remember how he got crazy over me noon, na kahit anong gustuhin ko ay ibinibigay nito. Pero sa pagkabigla ko ay itinulak nya ako palayo sa kanya. Di ko inaasahan yon.

"Stop flirting me," aniya. Ngumisi ako ng makahulugan.

"Well i think tama ang hinala ko, sa asawa ni Paolo kana nababaliw ngayon."

Nakita kong natigilan si David. Saka nagiwas ng tingin sa akin.

"Stop it Stephanie" he said angrily.

"David kitang-kita naman, wag ka ng tumanggi, and don't worry. I can help you with Yuna, in the end akin si Paolo.. What do you think?" Tanong kopa.

Pero tiningnan lang nya ako na parang napaka walang kwentang tao ko. Nakadama ako ng poot sa dating kasintahan dahil don.

"You're sick!" He said saka umalis don.

Ngumisi lang ako ng maiwan. Kung ayaw maki-cooperate ni David, fine.. I still find a way to win. There's still someone na gustong mangyari yon bukod sa akin And im willing to help that someone para makuha ang gusto ko.

Ilang saglit ay bumukas ulit ang pinto at napangiti ako ng pumasok ang lalaking hinihintay.

"Hindi mo basta mako-convince si David, kilala mo ang taong yon sa mga prinsipyo nya" he said.

"I know, akala ko ba malapit na sila ni Yuna?"

"Yes its true, he is madly in love. I can promise that. Pero hindi naman pwedeng basta nalang nyang hilahin ang babaeng yon, asawa yon ni Paolo, so hindi ganon kabilis ang plano mo" he explained.

"Whatever. All i want is maging sila ni Yuna. Iwan ng babaeng yon si Paolo at sumama sya kay DM. Then i can be his new wife."

Tumawa ang lalaki sa sinabi ko. Nakakainis ang tawa nya pero hinayaan ko nalang. After all ito lang ang pwedeng tumulong sa aking mga plano. I dont know kung bakit nya ako tinutulungan. Hindi nya sinabi kung anong gusto nya. Kung anong mapapala nya sa pagtulong na yon sa akin. Pero wala na akong pakialam don. Sariling interest ko lang ang mahalaga sa akin.

"Problema lang kung bumalik na ang memorya ni Yuna, Lalong di nya magugustuhan si David kapag naalala na nya si Paolo" sabi pa nito.

"Don't worry,.. Nagawan ko na ng paraan ang bagay na yan. She will never regain her memory lost again."

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon