CHAPTER - 09 ( Turn On )

2.1K 298 209
                                    

YUNA....

Alam kong pulang-pula ang mukha ko ng tumingin sa asawa na naroon na pala sa loob ng silid at nakahalukipkip na nakatingin sa akin. Pagkuway dumako ang tingin nya sa cellphone na nabitawan ko sa ibabaw ng kama.

Mabilis kong inabot yon pero naunahan ako ni Paolo. Ganon na lamang ang pagkapahiya ko ng tingnan nya ang larawan nyang tinititigan ko don na naka-zoom pa talaga. Nakakainis.. Nakakahiya din at baka kung anong isipin nito.

"Kinakabisa ko lang ang cp ko, diko kase tanda kung paano gamitin" depensive kong sabi. Itinago ko ang nararamdamang kahihiyan.

Bakit ko ba kase naisip ang kalandiang yon? Pero mamatay na ang aamin ng totoo. Hmmmp..

"Kala ko pati katawan ko gusto mong matandaan eh, i can help you do that. All you have to do is Ask." Aniya na ikina-nganga ko.

Di nalang ako nagsalita pa, humalik sya sa pisngi ko bago pumasok sa wardrobe nya. Pagbalik nya ay naka tshirt at short na itong pangbahay. Nagtaka pa ako ng may iabot sya saking box. Kumunot ang noo ko pagkakita sa kwintas. Yun ang binigay ko kay Joyce ah? Paano napunta sa asawa yon?

"P-paano---s-saan mo ito nakuha?." Nagtatakang tanong ko.

"Sa pawnshop sa cavite, bakit kung kani-kanino mo ito ibinigay? Alam mo ba kung magkano ito? "

Napakagat ako ng labi. Malay ko ba kung magkano ang kwintas na yon.

"D-di ko kase alam, isa pa ipinahiram ko lang yan sa kaibigan ko kase kailangan nya ng pera," paliwanag ko.

Bumuntong hininga sya.

"It's your most favorite Necklace kaya lagi mo yang suot. Anyway nabawi kona naman kaya okey na. Ngayong alam mona ang kalagayan mo, bago ka kumilos ay mabuting sabihin mo muna sa akin" he said.

Tumango na lang ako bilang pagsangayon. Maya-maya ay may naalala ako.

"Kelan pala ako pwedeng bumalik ng cavite? Diba pumayag kana?" Nakangiti kong tanong .

Kaya lang nawala ang ngiting yon ng makita ko ang pagkunot ng noo ni Paolo. Pero ilang saglit lang yon. Tumango lang ito sa akin kaya nasiyahan ako. Mabait naman pala ang napangasawa ko kahit lagi itong mukang masungit.

"Next week you may report in your work, pero dapat sabado at linggo ay narito ka sa bahay,"

"Ha? Linggo lang ang restday don eh---" namroblema kong saad.

"That's my condition Yuna. Kung di mo yon magagawa ay tumigil kana lang dito. Hindi mo naman kase kailangang magtrabaho,"

"Hindi ah, gusto ko yon,. Isa pa maiinip lang ako dito, wala naman tayong anak kaya ang tahimik sa bahay---" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ang ngisi sa kanyang labi.

Kinagalitan ko na naman ang sarili sa walang prenong bibig.

"Kung anak ang gusto mo ay pwede na tayong gumawa kahit ngayon.. Since okey naman na ang health mo---"

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon