SPG allert....
JOYCE...
HINDI ako nagsalita nang hilahin ako ni Tristan palayo kina Yuna at Paolo. Dahil masama ang loob ko sa binata ay pinalis ko ang kamay nyang nakahawak sa akin. Halatang-halata naman na may feelings parin sya sa Yuna na yon. Ano pala ako? Pampalipas oras nya?
Gusto kong umiyak dahil nasasaktan ako, bakit sa ikalawang pagkakataon na magmahal ako ay sa lalaki na namang iba ang mahal. Bakit si Yuna na naman? I hate her.
"S-saan mo ako dadalhin?" Inis na tanong ko sa binata.
Iniwasan kong mapasulyap sa hubad nyang dibdib. Eh ano ngayon kung macho sya? Kung panlaban din ang ka-sexy-han nya tulad ng uncle nya? Ayokong maging panakip butas lang.
"May talon dito, you can clean yourself there. Walang nagagawi don." Aniya.
Kaya pala nagpakuha sya ng robe. Nakaismid akong naglakad at narating namin ang sinasabi nya. Isang katamtamang taas ng talon na may napakalinaw na batis ang aking nakita. Sa kabila ng sama ng loob ko ay nagustuhan ko ang lugar.
Agad akong lumusong sa batis at nilinis ang sarili. Shit talaga. Ang tigas na ng putik sa katawan at buhok ko. Naka legging pants pa naman ako at collar blouse.
"B-bakit kayo nagaway ni Yuna? Akala ko ba friends kayo?" Napalingon ako sa lalaki.
"We're not friends, and we will never be." Ismid ko. Hindi ko kailangan makipag-plastican sa babaeng yon.
Bumuntong hininga si Tristan saka lumusong sa batis.
"She is a nice person, hindi sya nangaaway basta-basta kung hindi sya pinangunahan and---"
"So anong punto mo? Na ako ng nauna? Kinakampihan mo ba sya as your antie or as the girl you love?" Hindi ko napigilang bulalas. Pinigil ko ang maiyak ng mga sandaling yon.
Siguro tama lang na ipaalam ko na sa lalaking ito kung anong nararamdaman ko. Noong mahalin ko si Paolo ay naduwag akong magtapat dahil alam kong wala naman akong aasahan. Pero iba si Tristan. May namamagitan samin at yon ang pinanghahawakan ko.
"Joyce san mo naman nalaman yan? Bakit nakikinig ka sa mga tsismis. Pwede mo namang itanong sa kin."
"bakit hindi ba totoo? She was your first love at muntik na kayong magtanan noon ---"
"Hindi totoo yan! Hindi naging kami ni Yuna, oo minahal ko sya at binalak ko syang agawin kay Uncle pero hindi na ako ang mahal ni Yuna non.!!" Nagulat ako sa lakas ng salita nya. Bakit tila yata hindi totoo ang nalaman ko.? Or nagsisinungaling si Tristan?.
"Liar! Tristan kitang-kita naman eh, mahalaga sya sayo, so bakit ka lumapit sa akin? Bakit hinayaan mo akong mahulog sayo? Bakit hinayaan mo akong mahalin ka?" Tuluyan na akong napaiyak,
Huminga sya ng malalim. At tumingala na parang may nais maabot mula doon.
"Joyce gusto kita pero aaminin ko..narito parin si Yuna. Wala syang kasalanan, i'm the one to blame, pinipilit kong kalimutan ang lahat. At natutuwa ako dahil dumating ka sa buhay ko at nabaling sayo ang atensyon ko, ayokong magsinungaling sayo about Yuna.."
BINABASA MO ANG
Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )
RomanceUNEDITED VERSION NOW IN SELF PUBLISH Paano kung magising ka isang araw na hindi mo na kilala ang sarili mo? hindi mo na alam ang ibang mga nangyari sa'yo? wala kang maalala sa ilang naganap sa buhay mo? at hindi mo na matandaan ang ipinangako mong...