YUNA...
SA isang malaking Hotel restaurant sa Cavite ginanap ang Anibersaryo ng DMCC. Suot ko ang isang mahabang Dress na v-cut style with slit sa tabi na kulay red with my party shoes na red din at clutch bag na gold color. Nagpa-salon pa ako para maitaas ang aking mahabang buhok to expose my neck and shoulder. Hikaw lang ang accesories ko saka isang bangle na nakita ko sa jewelries ko sa bahay. Of course yun wedding ring ko saka engagement ring na lagi ko namang suot.
Excitted akong umattend dahil parang ang tagal na mula ng huling party na dinaluhan ko. Si Samson ang driver ko ng gabing yon. Sayang nga at di manlang nakita ni Paolo ang gayak ko dahil nasa work pa sya kaninang umalis ako. Ang ganda ko pa naman.
Pagpasok ko ay sa akin natutok ang pansin ng mga tao. Si sir DM agad ang una kong nakita katabi si Sir Kurt at si---Stephanie? Anong ginagawa ng bruhang yon sa party?
Medyo nahiya din ako dahil mukhang masyado kong pinaghandaan ang party na yon. Simple lang kase ang suot na mga dress ng mga naroong bisita. Sabi kase pormal attire di namili ako sa wardrobe ko. Ang gulo..
"Hi Yuna, you look gorgeous!" Bati ni Stephanie paglapit ko sa kanila.
Plastic.. Irap ko ng palihim. Pero nakipag beso rin sa kanya.
"Hi good evening mga Sir." Bati ko din sa dalawang lalaki.
Nakakailang ang titig ni Sir David pero ngumingiti lang ako.
"Napakaganda mo ngayon Yuna. Buti pinayagan ka ng asawa mo?" Si Sir Kurt.
"Ah opo, pumayag naman sya" sagot ko habang iniiwasang masalubong ang mata ni Sir DM.
Naupo muna ako sa table nila habang hinihintay si Sonia. Hindi kase pa kase ito nagtetext sa akin. Palitan lang kami ng tingin ni Steph. Habang nakikinig sa usapan ng dalawang lalaki sa tabi namin.
"Sa tingin mo ba darating ang investor na yon? Ilang taon na ang DMCC pero never nating nakita ang anonimous share holder na yon eh." Sabi ni Sir Kurt.
"Malay mo dumating.? Nagpadala ako sa kanya ng invitation, balak ko syang ipakilala ngayong gabi kapag umattend sya." Sagot naman ni Sir David..
"Naku malabo yon.,curious talaga ako kung sino ang taong yon, ayaw pang magpakilala."
"May ganon talaga Kurt."
Ilang saglit pa ay dumating na si Sonia. Agad ko syang kinawayan kaya ngiting -ngiti ito ng lumapit sa amin. Bumati naman ito sa mga katabi ko sa table.
"So Yuna, nag file kana pala ng resignation," si Steph. Mukang nakainom na ito bago pa ako dumating at medyo may tama na. Nasulyapan ko sila Sir David na nakikinig sa amin.
"Oo, balak kong magkulong nalang sa bahay." Sagot ko but she smirked.
"Such a boring life. Being a house wife? Baka naman malosyang ka agad."
Nagpantig ang tenga ko sa babae. Si Sonia ay natigilan din ng maramdamang may tensyon sa amin ng dalaga.
"Apat na taon na akong nakakulong sa bahay, at di naman ako nalosyang, ikaw bakit di kapa magasawa? Matandang dalaga kana eh!" Ganti ko at muntik na akong matawa ng pandilatan nya ng mata.
BINABASA MO ANG
Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )
RomanceUNEDITED VERSION NOW IN SELF PUBLISH Paano kung magising ka isang araw na hindi mo na kilala ang sarili mo? hindi mo na alam ang ibang mga nangyari sa'yo? wala kang maalala sa ilang naganap sa buhay mo? at hindi mo na matandaan ang ipinangako mong...