CHAPTER - 01 ( Am I Still Me )

3.6K 340 205
                                    


YUNA LAINE....

Nagising ako bandang alas dies ng umaga na sobrang sakit ng ulo. Kaya naman nagpabili ako ng gamot sa kapatid na si Popoy at uminom agad non. Nanibago ako sa biglang paglaki nya. Baka naman matagal akong di nakauwi dito sa amin dahil sa cavite ang work ko eh. Malayo din kase ang laguna sa cavite.

Nang makakain ay naligo agad ako. Bukas ay may pasok na kami kaya kailangan ko ng bumalik ng cavite ngayon. Naggayak agad ako para maagang makabyahe.

"Poy pakiabot nga ng bag ko" utos ko sa kapatid.

Kinuha naman nya at iniabot sa akin ang kulay beige na bag na LV ang tatak. Kumunot na naman ang noo ko. Sobrang ganda naman yata ng bag na yon. Akin ba talaga yon? Diko natatandaang bumili ako ng ganoong bag. Mukang mamahalin . Ah baka naman yung mga class A na bag. Mahilig ako don eh.

Napahawak ako sa ulo ko. Siguro dahil masakit iyon kaya diko masyadong matandaan ang ibang detalye sa akin ngayon. Nang handa na akong umalis ay wala parin ang mga magulang ko. Well alam ko namang pareho silang busy sa palengke kaya ipinasabi ko nalang sa kapatid ko na umalis na ako.

Alas dos ng hapon ay nasa cavite na ako. Pagod ako at masakit pa rin ang ulo kaya gusto kong magpahinga muna sa boarding house. Pero nang dumating ako don ay iba na ang nakatira. Nagtaka na naman ako. Paanong iba ang naroon ay kababayad lang namin ng mga pinsan ko last month? May deposit pa kami ah. Bakit ganon?

Naisip kong tawagan sila pero wala ang cp ko sa bag. Naiwan ko pa yata sa bahay. Wala akong nagawa kundi umalis sa apartment na yon. Nagutom ako kaya naisip kong kumain muna sa canteen na nakita ko. Chineck ko muna ang wallet sa bag. Buti nalang at naroon. Pero wait--- wallet koba talaga to? Diko na naman matandaang may ganon akong wallet. As usual.. Mga authentic design hahahaa. Chanel pa talaga ha. But i like it..

Hilig ko naman kase talaga ang mga ganong brand, sino ba ang hindi? Kaya lang bilang anak mahirap at bread winner pa ng pamilya ay di ko inuuna ang pagbili ng mga ganong gamit. Kaya medyo nagtataka ako at parang mamahalin ang mga yon eh sayang lang ang pera ko.

Pero muli lang nanlaki ang mga mata ko pagbukas ng wallet na yon at makita ang makapal na pera. Shit. Napatingin ako sa paligid. Gosh! why do i have this bunch of money in my wallet? Naki-cr ako sa canteen at don ko binilang ang pera. 43 thousand? At may dadaanin pa. Realy? Nagloan ba ako at marami akong pera? Bakit diko binigyan ang nanay ko kanina? Akala ko ang pera ko lang ay yung nasa coin purse ko.

Shit kinakabahan talaga ako. Baka naman may nakahulog non sa bag ko. Pero akin talaga yon kase may picture ko sa loob. Kunot ang noong napatingin ako sa isang wallet photo. Larawan yon ng isang lalaking sobrang gwapo. Sino naman kaya to? Bakit nakasingit sa likod ng picture ko? Ang kuhang iyon ay tila biglaan, yun parang tinawag ito saka biglang kinunan ng photo.

Hmm pogi ah, pero di ko alam kung bakit nasa wallet ko yon.

Nakakapagtaka talaga. Baka naman di akin to ah. Pero nasa bag ko naman at imposibleng may nakahulog. Sarado ang bag na yon . Naguguluhan man ay umorder na ako ng pagkain. Dinamihan kona at akoy gutom na. Pagkakain ay namroblema ako. San naman kaya ako tutulog? Ano ba kase ang nangyari sa akin? Bakit parang natulog ako ng sobrang tagal at ng magising ay ang daming nagbago sa paligid ko?



Napasimangot ako ng ayaw akong papasukin ng guard ng A&A kahit ilang ulit kong sinabi sa kanila na empleyado ako doon. Hindi na daw yon A&A company. Kaya naguluhan ako sa sinabi ng guard. Tiningnan kopa ang building at napatunayan kong tama ang sinabi nito. Hindi na A&A ang naroon kundi D.M Construction company na.

Ano bang nangyayari? Nagsara na ba ang A&A. Napasimangot ako. Kailangan kong makapasok sa loob at baka may naiwan dong dating empleyado na pwede kong tanungin.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon