CHAPTER - 50 ( Start Of Work )

1.8K 279 197
                                    

YUNA...

Isang oras lang yata o wala pa akong nakatulog dahil sobrang init sa loob ng silid na yon. Parang bahay ng gagamba.. Ang liit-liit na nga ang baba pa ng bubong. Hindi ko alam kung anong tawag sa tila bakal na materyales ng barracks na yon.

Hindi ako makapag-reklamo kay Paolo na tahimik na nasa table at kung ano ang ginagawa. Naka short ito at sando. Kung magrereklamo ako ay baka masapak lang ako ng asawa. Kailangan kong magtiis sa lugar na yon. Tutal presko naman ang hangin kahit mainit. Nagsisimula na kase ang summer kaya marahil ganon.

"P-paolo.. Hindi paba tayo kakain?" I asked. Nilingon nya ako saglit.

Hindi pa naman ako gutom, kaya lang gusto kong lumabas. Naiilang ako sa kilos ni Paolo. Alam kong galit sya sa ginawa kong pagsunod dito.

Huminga muna ito ng malalim bago tumayo.

"Yuna sinabi ko sayo trabaho ang gagawin ko dito, hindi kita mababantayan sa lahat ng oras. Kapag gumawa ka ng kasutilan dito lagot ka sakin, dito ka lang sa loob ng barracks kapag nasa main site ako okey?" Mahabang sabi nya. Tumango ako na parang masunuring bata.

Hindi ako pwedeng magpasaway, baka mapauwi ako ng wala sa oras pag nainis si Paolo sa akin so i need to behave.

"Wag kang magalala Paolo,susundin kita," i said.

Saglit syang umismid bago ako hinila sa kamay. Natuwa ako ng makalabas kami. Ang lakas ng hangin at napreskuhan ako. Naka summer dress ako na walang manggas at short short. Naka flat slipper lang ako sa paa.

Habang naglalakad ay nakahawak ako sa kamay ni Paolo at minamasdan ang paligid ng malawak na kalupaan. Sa di kalayuan ay tanaw ko ang pagsisimula ng trabaho ng mga workers. May ilang lalaki kaming nadaanan na pawang bumabati sa amin. Ala una na yata ng hapon at katatapos lang ng tanghalian ng mga trabahador. Ang ilan ay nakita ko sa ilalim ng mga punong di pa napuputol at nagpapahinga.

Shocks! ang daming lalaki... Ngayon palang ay naiitanong ko sa sarili kung paano kaya nila mabubuo ang project na yon? Nakaka-amazed lang.

Nang malapit na kami sa kubo na syang nagsisilbing canteen don ay nakasabay namin sila Sir David, sir Kurt at Stephanie. Halatang lahat sila ay nagulat ng makita ako, priceless ang nasa pagmumukha ni Stephanie. She was shock at tingin ko ay parang iiyak na ito. I smirked.. Saka pasimpleng yumakap sa braso ng asawa.

Akala mo ha...

"Y-yuna? I didn't know na kasama ka ni Mr. Villanueva. Akala ko--.." Si Sir Kurt.

"Hehehe" tumawa lang ako sa kanila, di ko alam kung ano ang isasagot ko. Naiilang din ako sa makahulugang tingin ni Sir David. Yun tingin na parang na-miss nya ako. Ay anu bang nakikita ko.. Assuming na naman ako nito. Pero sariwa pa ang tungkol sa panyo kaya iiwas muna ako sa kanya kung ayaw kong bumuga ng apoy ang katabi ko.

"Dalawang linggo lang sya dito. Pag balik ng helicopter ay uuwi na sya." Sagot ni Paolo na lihim kong ikinasimangot.

Nabigla pa ako ng hapitin nya sa bewang at idikit sa katawan nya habang matiim ang tingin kay Sir DM.

"Ah ganon ba? Anyway magla-lunch na rin kami kaya sabay -sabay na tayo." Sabi ni Sir Kurt bago nagpatiuna.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon