CHAPTER - 40 ( Hello Again Mr. Sungit )

1.9K 288 234
                                    

TEN...

Nakakainis ang Samson na ito, napakayabang.. Porket nauna sa amin sa mansyon na yon ng mga amo namin akala mo'y kung sinong tagapamahala.

Apat na araw na kami dito mula ng ipatawag kami ni Boss Paolo. Kaya lang pagdating namin nasa Japan naman pala ang magasawa. Sinabi ni Samson na don na daw kami magi-stay kung nasaan si Maam. Malapit na daw kaseng mag-quit sa work ang binabantayan namin ni Raffy..

Napakalawak ng bahay at marami kami dong mga tauhan. Nakita ko pa ang kasabayan naming nagmula rin sa agency na pinaggalingan kung saan namumuno si Rennan.

"Masyado na tayong marami, di na naman bantayin si Maam, baka magbawas na si Sir." Sabi ng isa sa mga naroroon.

Medyo kinabahan kami ni Raffy dahil kami yung pinaka-bago at di pa subok ni Sir ang galing. Kung magkakatanggalan man ay tiyak na kasama kami don na ayaw naming mangyari. Bukod sa magaan ang trabaho don ay malaki ang sahod namin kompara sa maging assisstant ng mga pulitiko. Mas galante si Sir Paolo less pa ang panganib dahil wala namang banta sa buhay ng magasawa. Kaya nagugustuhan na namin ang pagtatrabaho don.

"Takot kayo no? Pag dating nila Sir. Itatanong ko," sabi ni Samson.

"Kapag tumigil na dito si Madam aanhin pa nya ang maraming bodyguard? Tiyak magtitira lang ng mga tatlo o apat si Sir na magiging bodyguard ni Maam." Sabi pa ni Samson. Apat?? Eh labing dalawa kami? Naku naman talagang kasama na kami sa tanggalan..

"Close kami ni Maam, di ako matatanggal" si Raffy na alam kong pinapalakas lang ang loob.

Anong close? Inis nga sa amin. Mayabang din itong si Raffy. Parang si Samson.

"Si Boss ang magde-desisyon nyan, wala namang alam si Maam, basta gawin nyo ng ayos ang trabaho nyo para di kayo matanggal. At kayo Ten, Raffy.. Alamin nyo ang mga bawal dito. Kami lang ni Rennan ang pwedeng pumasok sa loob ng bahay, kung di kayo tinatawag wag kayong papasok, may sarili tayong servant quarters at naroon ang kusina natin. Baka makalimutan nyo masisigawan kayo ni Boss.." Paliwanag ni Samson.

"Bakit ikaw nagkakape sa table nila? Labas-pasok ka pa." Diko napigilang sabihin. Feeling leader ang lalaki. Kainis..

"Eh kase ako ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Sir dito bukod kay Rennan. Lalo na ngayon madalang nang pumasok si Rennan, kaya ako na ang driver bodyguard ni Madam."

"Ha? Kami kaya yon." Sabat ni Raffy.

"Itanong nyo kay Sir pagdating. Sa cavite lang kayo pinagbantay dahil di kayo kilala ni Maam, pero ako talaga ang bantay non, apat na taon na ako dito no."

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon