CHAPTER - 41 ( I Miss Him )

1.8K 286 229
                                    

JOYCE...

Kinakabahan man ay pinatuloy ko sa boarding house si Tristan Villanueva. Kilala ko na naman ito at di naman ito masamang tao pero hindi naman yon ang dahilan kaya ako kinakabahan. Yung kaalamang sya ang first kiss ko, yun ang kinakakabog ng dibdib ko sa pagsosolo naming yon.

"Maupo ka muna, titingnan ko lang sa kwarto kung maayos," pormal ang mukha na sabi ko.

Pumasok ako sa silid namin, malinis naman kaya okey na, minsan kase ang kalat don kaya tiningnan ko muna dahil lalaki ang kasama ko. Nakakahiyang sabihin nito na burara kami don. May kukunin daw kase ito sa closet ni Yuna, ayaw namang sabihin kung ano at sya nalang daw ang maghahanap.

Bumalik ako sa sala at naabutan kong nakatayo ang binata habang nakapamulsang pinagmamasdan ang mga nakadisplay sa pader. Dahil nakatalikod ay malaya ko syang napagmasdan, typically a Villanueva. Sa tindig palang at tangkad,. Kagaya halos ni Paolo ang katawan ni tristan, yun nga lang di nya nakuha ang authoritative look ng tiyuhin. Yung tingin na parang nakakatakot. Tristan is somehow more soft than Paolo.

So why comparing Joyce?

"Ehem. Pwede ka ng pumasok sa room," tawag pansin ko sa binata.

Lumingon naman ito sabay ngiti sa akin. Itinuro ko sa kanya ang cabinet ng asawa ni Paolo. Nakahalukipkip akong binantayan sya habang naghahanap doon. Ang tagal naman eh konti lang ang gamit ni Yuna sa boarding house namin?.

"Anu ba kase ang hinahanap mo? Pwede mo namang sabihin sa akin para matulungan kita paghahanap." Irita kong sabi.

Naaabala na ako sa pagpapahinga ko. Pagod pa naman ako ngayon sa work.

"Hindi ko makita, bukas nalang ako babalik," sabi nito na ikinainis ko lalo.

"B-bukas? Ano ba kase yon? Bawal ang laging may lalaki dito no." Asik ko sa kanya.

"Secret lang namin yon ni Yuna. Bukas nalang. Sabay ulit ako ha, nasa DMCC ako ulit bukas.----"

"Teka Mister. Unang-una hindi tayo close para sumabay ka sakin pagparito, isa pa ayoko ng abala sa pamamahinga ko, tatawagan ko nalang si Yuna para ako na ang maghanap ng ipinapakuha nya. No need na bumalik kapa dito." Mataray kong sabi. Lalong nagsalubong ang kilay ko ng makita ang ngisi ni Tristan.

"Ang taray mo talaga. Pero bagay sayo ha. Keep it up." Aniya na ikinapantig ng tenga ko.

"Umalis ka na nga."

Hinila ko sya palabas ng silid. Ang lakas mangasar ng lalaking ito.

"Oo na aalis na ako. Kung makataboy ka wagas. Be kind Joyce.. Gusto ko sa babae yung mabait.. Kaya pakabait ka.".

"What? Pakialam ko sa ideal girl mo? Pwede ba wag kang feeling." Irap ko.

"Mataray na maarte pa,"

"Get out!!"

Umakyat na yata sa ulo ko lahat ng dugo ko sa sobrang galit sa lalaki.




YUNA...

Kumunot ang noo ko pagkadating sa boarding house at sabihin ni Joyce na pumunta daw don si Tristan dahil utos ko daw? Ano kaya yon? Wala naman kaming usapan. Di ko pa nakakausap ang binata mula ng umuwi kami galing Japan. Napaisip tuloy ako.. Pero maya-maya ay na-gets ko rin. Napangisi ako... Binata na si Tristan hihihi...

"Naku pinakisuyuan ko lang kase na kunin yung wallet ko, akala ko naiwan, di pala." Ngiti ko sa dalaga.

"Ganon?"

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon