TRISTAN....
SA totoo lang bakit ako nakasali sa problema ni Harry? Nagtiwala sya sa isang bagong kaibigan at ibinigay ang pera na galing kay Yuna tapos dina nya ma-contact ang taong yon, kasalanan nya dahil di sya nagiisip. Pero bakit nga nakasali ako? Sila lang naman ang may usap non? Una palang hinala kona na palpak ang naiisip na negosyo ng pinsan but Yuna supported him. Iniisip ba nila na walang alam si Uncle sa pera na yon? Tsskkk..
Kahit inosente ako ay idinamay na ako ni Harry, kainis talaga. Hating gabi na akong nakapunta sa Bahay nila uncle dahil nagusap-usap pa kami ng mga pinsan tungkol sa problemang kinakaharap ni Harry. Mas maigi na ang hating gabi para tulog na si uncle. Alam ko namang may party sila Yuna kaya sinadya kong magpahating gabi.
Pagkadating ko don ay nabigla ako ng maabutan si Yuna na nakasalampak sa gitna ng hagdanan.
"Y-yuna!" Napatakbo ako palapit.
"Tristan, help my friend, nalulunod sya"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Bakas ng takot ang mata ni Yuna. Hindi ko na nagawang magtanong pa at tumakbo na ako sa gawi ng swimming pool area. Asan na ba yun? Iginala ko ang tingin sa kulay asul na tubig. At nagalala ako ng walang makita. So i stripped my shirt at tumalon sa pool saka sumisid. Then i saw the woman unconcious na parang natutulog lang sa kama. Nakahiga ito sa tiles ng pool habang yakap ang bote ng alak? Anong trip ng babaeng ito?
Mabilis ko syang kinuha at iniahon. Napamura ako ng walang reaksyon sa babae. Kilala ko ito. Ilang beses ko na itong nakita. Kinapa ko ang pulso nya at nagaalalang binigyan ito ng CPR. Hindi ko na pinansin ang halos hubad nyang katawan sa harap ko. I need to wake her up. Inisip ko pa na baka nalunod na ito pero himihinga pa naman ang babae. Hinipan kong muli ang bibig nya habang pisa ang ilong. Ilang saglit pa ay naubo na ito at iniluwa ang nainom na tubig.
"Are you okey?" I asked her.
Sa malas ay mukang bangag ang babae. Nabigla ako ng yakapin nya.
"P-paolo.. You saved me!"
Napanganga ako sa narinig. PAOLO? Anong---? Bigla ang hinalang nabuo sa utak ko. Habang nakayakap sa akin ang lasing na babae. May gusto ba ito kay Uncle?
"M-miss.." Tinangka kong alisin ang bisig nya sa bewang ko pero humigpit ang yakap nya sa akin.
"Paolo mahal kita, matagal na, bakit ka nagasawa? Samantalang ang tagal kong hinintay na mapansin mo ako."
Natigilan ako ng maramdamang umiiyak ang dalaga. Ang unang pumasok sa isip ko ay si Yuna. Ganitong-ganitong umiyak si Yuna noong magtapat sya ng pagibig sa akin at tinanggihan ko sya.
So nagkakaroon ako ng ideya sa talagang pakay ng babaeng ito sa paglapit kay Yuna. I want to hate this lady but somehow i understand her feelings. Dahil minsan naring naging ganito si Yuna.
Napapitlag pa ako ng bigla nyang iangat ang luhaang mukha sa akin. Humihikbi sya habang namumungay ang mga matang tila antok na antok.
"Mahal kita.." She whispered at nanlaking muli ang mga mata ko ng maramdaman ang labi nya sa labi ko.
Naramdaman ko ang lambot ng labi nya sa akin. Agad kong nalasahan ang alak sa laway nya. At parang ako yung lasing dahil natagpuan ko nalang ang sarili ko na inaangkin ang labi nya. I kissing her lips hungrily. Shit bahala na. But i like her lips. It taste sweet.. Hindi naman ito marunong humalik kaya natatawa ako, ipinasok ko ang dila sa loob ng bibig ng babae ng maramdaman kong may nakatingin na pala sa amin.
BINABASA MO ANG
Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )
Roman d'amourUNEDITED VERSION NOW IN SELF PUBLISH Paano kung magising ka isang araw na hindi mo na kilala ang sarili mo? hindi mo na alam ang ibang mga nangyari sa'yo? wala kang maalala sa ilang naganap sa buhay mo? at hindi mo na matandaan ang ipinangako mong...