YUNA...
Iisa lang ang Paolo Villanueva na kilala ko at yun ay ang asawa ko. Alam kong mayaman sya pero ang magkaroon ng ganoong kalaking kompanya ay di ko inakalang meron sya. Baka naman kapangalan lang nya. Pero imposible.. Inisip kopa kung ano bang kursong natapos ni Paolo, shit! bakit ako magiisip eh wala nga akong isip---i mean wala akong natatandaan.
Wala sa loob na napatayo ako at malakas ang kaba sa dibdib na lumapit ako sa table kung nasaan ang pangalang yon ni Paolo.
"Yuna come back here, baka makabasag ka dyan" mahinang tawag sa akin ni Sir Kurt.
Pero di ko sya nilingon. Si Paolo talaga ito eh, malakas ang kutob ko. Pero bakit naman ako kakabahan kung sya nga? Unang-una wala akong ginagawang masama, alam nya kung saan ako nagta-trabaho. At kung sino ang Boss ko.
Well i know why im like this. It's because of Sir David, baka makahalata si Paolo. Para pa naman yong demonyong magalit at may room pa sa pagwawala nya, tskk... Sa dami ng pwedeng makatrabaho ng DMCC ay bakit ang kompanya pa ni Paolo. Lagot na talaga ako nito.
Ilang saglit ay nataranta ako ng mamataan sa labas ng salaming dingding ng opisinang yon ang asawang naka office suit kasama ng ilang lalaking katulad nya ang suot. Para akong natulala. Si Paolo nga.. Nanginig ang tuhod ko ng saglit itong may kinausap at maya-maya ay kumilos na patungo sa opisinang yon. Nakikita pala sa loob ang labas pero sa labas di kita ang loob. Ang galing lang.
Bago pa ako nakapagisip ng matino ay agad akong yumuko patago sa ilalim ng table . Bahala na! Kailangan kong makapuslit don. Pag punta nila sa conference room ay saka ako lalabas. Magdadahilan nalang ako kay Sir DM. Isiniksik ko ang sarili sa loob ng isang table don na maraming folder na nakapatong. Wag lang syang lilingon pagpunta nya sa table nya ay ligtas ako. Shit talaga parang lalo akong nagutom sa kaba.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Ang inaasahan ko ay maggigirian sila at magpapatutsadahan ng usap ni Sir David pero pormal ang kanilang mga salita. Very profesional. Kahit alam ko namang may alitan sa pagitan nila.
"This is Brix and Charls, you know them right? And of course Tristan. Our new Engineer sa project na yon. Kilala mo na naman kami kaya di na kailangan ng pormalities." Sabi ni Paolo.
Aba naroon din pala si Tristan. Gusto ko sanang sumilip pero baka makita ako ni Paolo.
"Yes it's okey, by the way.. This is Kurt Sanchez, my business partner. And this is my Assistant Yuna------"
Nalintikan na, Shit nasilip ko si Sir Dm na nagpalinga-linga sa paligid. Hala naman lagot..
"Where is she?" Tanong pa ni Sir David kay Sir Kurt.
"I dont know, andito lang yun eh" sagot naman ng huli.
"YUNA laine!!"
"Ms. Quinto"
Napapikit ako ng mariin. Wala na buking na ako. Binanggit pa talaga ang buong pangalan ko. Napatingala lang ako ng makitang may pares ng sapatos na lumapit sa kinaroroonan ko. Nang tingnan ko ay si Paolo na salubong ang kilay habang nakayuko sa akin.
Napakagat labi ako saka nagaalangang umalis mula sa pinagkukublian. Hindi ko masalubong ang matiim na tingin ni Paolo sa akin.
"She's my assistant, Yuna Laine Quinto, and---"
"Yuna Laine Quinto?" Putol ni Paolo sa pagsasalita ni Sir David.
Nagkabuhol-buhol na yata ang hininga ko sa sobrang kaba na nararamdaman lalo na at kumunot ang noo ni Paolo sa akin. Sila Tristan at ang iba ay tila nakaramdam ng tensyon sa paligid na lalong ikinapanghina ko. I can explain later. But not this very moment.
BINABASA MO ANG
Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )
RomanceUNEDITED VERSION NOW IN SELF PUBLISH Paano kung magising ka isang araw na hindi mo na kilala ang sarili mo? hindi mo na alam ang ibang mga nangyari sa'yo? wala kang maalala sa ilang naganap sa buhay mo? at hindi mo na matandaan ang ipinangako mong...