KURT....
Hindi ko akalain na magkakagulo sa pagkawala na iyon ni Yuna, kahit ako ay nagtaka kung saan maaring magtago ang asawa ni Paolo Villanueva. Para sa akin ay napaka-childish ng ginawa nito. Para lang di mapauwi ay magtatago? Bata lang ang makakaisip ng mga ganong bagay. Diko akalain na mato-tolerate ng isang katulad ni Paolo ang ganong paguugali ng babae.
Nakakasuka ang ganoong ugali, para sa akin ay mas ideal wife ang mga kagaya ni Stephanie, yung may sariling disposisyon, yung independent at di tulad ni Yuna na alagain. Abala ito sa project namin sa totoo lang. Ilang meeting naba ang laging di natatapos dahil sa kanya? Sa halip na dere-deretso ang trabaho namin ay laging napuputol dahil dito. Paolo need to check his wife time to time.. Hindi lang kami makapagreklamo because he is the big boss of this project. Magaling lang talaga si Paolo kaya nakakahabol parin ang mga plano nya don even his attention are occupied by his wife..
Pero ngayon nga ay nabulabog ang buong isla dahil sa pagkawala ng asawa nito. Saan namin hahanapin si Yuna sa ganoong oras ng gabi? At ang nakakainis pa ay maging si David ay labis na nagalala ng marinig ang balita. May tinatapos ito sa opisina nang makita kong lumabas sya at inalam ang kaguluhan. I saw his face become restless to that news.
Pinabuhay lahat ng ilaw sa mga poste na nakatayo sa paligid ng site. Kakatwa ang pagaalala ni Paolo, nagtataka pa ako sa reaksyon ng lalaki. Tila ito natutulala at natitigilan. Si Tristan ang kumausap sa mga tao na itinalagang maghanap sa asawa ng tiyuhin. That's when i realized, Yuna is the only weakness of that cynical billioner--Paolo Villanueva. Si Yuna talaga ang kailangan ko to take everything i want.
Lumapit sa akin si Steph.
"Tell me Kurt, may alam kaba sa pagkawala ni Yuna? Kumilos kaba na di nagsasabi sa akin?" Bintang ng dalaga.
"Baliw kaba? Bakit ko gagawin yon? Hindi ko alam kung nasaan sya." Sagot kong biglang nainis.
"Siguraduhin mo lang Kurt, ayokong mapahamak si Paolo sa paghahanap sa bruhang yon, sa gubat sila tutungo at alam mong delikado don, baka matuklaw sya ng ahas or---"
"Shhhh.. Napaka-OA mo. Tingnan mo nga, ang lalaking mahal mo ay parang nababaliw na sa pagaalala sa asawa nya. Kelan ka magigising sa katotohanan?"
"F***k you!!" Galit nyang sabi saka lumayo sakin. Napailing ako.. Pikon!.
Natanaw ko si David na naghanda na rin para maghanap sa babae. Kaya napilitan na rin akong sumama. May mga flashlight na sa ulo namin at kamay. Papasukin namin ang gubat para hanapin ang pinakamahalagang pagaari ni Paolo Villanueva.
PAOLO...
PARA akong nawawala sa sarili. Hindi gumagana ang utak ko at naka-focus lang yon sa asawa. Para akong biglang nanghina at di malaman ang gagawin. Bagamat di yon halata sa kilos ko. Siguro si Tristan lang ang may alam kung gaano ako nagaalala ng sobra ngayon.
Gusto ko sanang kagalitan si Yuna sa katigasan ng ulo nito at malimit na pagsuway sa akin, pero ng mga sandaling yon ay mas higit kong sinisisi ang sarili. Hindi ito aalis ng barracks at magtatago kung di dahil sa akin. Kapag may nangyari dito ay diko mapapatawad ang sarili.
Inalis ko sa isip ang pangit na mga pangitain at pinagbuti ang paghahanap sa asawa. Naghiwa-hiwalay kami ng makapasok sa gubat. Nang makita kung gaano yon kasukal at sa daming mga nakausling ugat ay lalo akong kinabahan. Kung ano- ano ang naiisip ko. Paano kung natuklaw na ng ahas si Yuna or napatid at napauntog ang ulo nito? Paano kung ma-coma na naman ito ng matagal sa ospital? Hindi ko na kakayanin.
BINABASA MO ANG
Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )
RomanceUNEDITED VERSION NOW IN SELF PUBLISH Paano kung magising ka isang araw na hindi mo na kilala ang sarili mo? hindi mo na alam ang ibang mga nangyari sa'yo? wala kang maalala sa ilang naganap sa buhay mo? at hindi mo na matandaan ang ipinangako mong...