CHAPTER - 57 ( Yuna & Joyce )

1.8K 304 262
                                    

TRISTAN...

"MAHAL kita Yuna...b-bilang kaibigan nalang. Minahal kita ng sobra pero mas pinili mo si Uncle. Sya ang minahal mo." Sabi ko kay Yuna.

Huminga ako ng malalim. Paano ko ba ipapaliwanag kay Yuna ang lahat? Naguguluhan ito sa mga bagay na tapos na pero ngayon lang nya naaalala. Paano ko sasabihin sa kanya na mahalaga sya sakin? Na diko alam kung totoo bang naka-move on na ako o hindi pa? Na kapag nakikita ko syang masaya kasama si Uncle ay nakakadama parin ako ng panghihinayang. Na nasasabi ko sa sarili na kung di ako umalis, kung tama lang ang mga desisyong ginawa ko noon, baka ako ang dahilan ng mga ngiti nya ngayon?

Naroon ang panghihinayang pero hindi na ganon kasakit. Aaminin kong na kay Joyce na ang atensyon ko, sa lahat ng babaeng nakarelasyon ko ay ito lang ang hinangad ko ng matindi. Pero naroon ang takot. Takot na magkamali ulit. Takot na baka makasakit ulit ako ng damdamin, paano kung si Yuna parin pala? Or paano kung mahulog ako ng todo kay Joyce at mapatunayang tama si Uncle ng assesment sa kanya? Ayokong marinig kay Uncle na natanso na naman ako.  The problem with me is hindi ko kilala ang sarili ko.

At mabuting hindi na maguluhan pa si Yuna, baka lumala lang ang amnesia nito. Yuna was my first love, at hanggang doon nalang yon. Ayokong guluhin ang mga bagay na ayos na. Parte na sya ng pamilya namin at di tama na gumulo na naman ako. Sa huli ay baka ikapahamak lang nya ulit.

And Joyce was out of it. Hindi na nya kailangan pang malaman ang nakaraan naming tatlo nila uncle. Though i knew her story, that uncle is her first love. Paano kung ginagamit lang ako ng dalaga para mapalapit kay Uncle. Kailangan kong makasiguro. Isang maling desisyon ay pwedeng masira ang lahat.

"Tristan, nahihiya ako.. Parang ang landi ko, magtiyo kayo tapos--"

"Yuna, hindi ka malandi ano kaba? Isa pa di naman naging tayo, kayo ni Uncle ang talagang naging magkasintahan, wag ka ng mailang sakin dahil matagal na yong tapos, friends parin naman tayo,"

"S-sigurado ka ha--"

"Oo, look at me-- sa tingin mo ba ay may gusto ka pa sakin?" Silly me dahil naitanong kopa. Tanga rin ako. Pero gusto ko lang namang makampante si Yuna sa akin.

She look into my eyes and i feel my heart beat a little. Para akong napaso at biglang umiwas ng tingin sa asawa ng tiyuhin. Mahirap na!. Baka may magbalik.

"Wala na nga, di na nakabog ang dibdib ko." Sabi nyang tila nakahinga ng maluwag. I sighed.

"See?"

"Hays.. Kinabahan talaga ako, kung bakit kase nagka-amnesia pa ako eh, pero wala na talaga akong nararamdaman sayo. Dati napopogian ako sayo pero ngayon naisip ko--cute ka lang saka mabait kaya siguro na-inlove ako sayo---"

Pagak akong tumawa. Sige Yuna idiin mopa. Para akong binasted ng dalawang beses ah.

"So sinong gwapo sayo, si Uncle ganon??"

Bigla syang ngumiti ng sobra. Parang dalagitang kinikilig. Kakaiba dahil di naman sya ganon ka-showy noon.

"Parang ganon na nga Tristan, gwapo si Paolo kaya lang laging nakasimangot. Pero mabait sya sakin at minsan natawa na sya. Kaya lang seloso tapos nakakatakot sumigaw."

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon