YUNA...
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa pagkikita naming yon ni Sir David. Bukod kase sa batid ko ang feelings nya sa akin ay natatakot pati ako na baka makita kami ni Paolo. Alam kong unfair sa boss ko kung iiwasan ko sya dahil wala naman itong ginagawang masama, pero para walang gulo sa pagitan nila ni Paolo at samin naring magasawa ay mas mainam na ang umiwas sa lalaki.
Nang mapuno ang lagayan ng tubig ay nagpaalam na agad ako sa binata Pero tinawag parin ako nito.
"G-gusto ko lang alamin kung nagalit sayo si Paolo dahil sa niregalo mong panyo sa akin? Pagkatapos kase non ay di kana nagpakita sa DMCC." Sabi nyang patanong.
Humarap ako sa binata at tipid na ngumiti. Pero mas nagmukang ngiwi yon.
"Medyo nagselos lang po sya pero okey na kami, wag nyo nang isipin yon Sir David."
"David.. Just David Yuna.. Hindi mo na ako Boss ngayon kaya alisin mona ang Sir. We're friends right?"
Natigilan ako. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na di kami pwedeng maging magkaibigan? Siguro kapag umayos na ang tuktok ni Paolo or bumalik ang alaala ko or magbati na silang dalawa saka palang kami pwedeng maging magkaibigan. Mabait naman ito kaya lang si Paolo ang problema.
"O-oo Sir--i mean David. Kaibigan naman kita eh kaya lang ahmmm--- ano kase eh.. Siguro medyo iiwas muna ako sayo. Alam mo kase----tskkk paano ba?---" napakamot ako sa ulo. Hindi ko alam kung bakit tumawa ito sa akin.
"Okey i got it, seloso ang asawa mo at pinapaiwas ka nya sa akin ganon?" Ngisi niya.
Saglit akong natigilan sa ngising yon. Bakit magkagaya sila ni Paolo ng pagngisi? Naipilig ko ang ulo.
"Parang ganon na nga Sir---David lang pala. Kaya pagpasensyahan nyo nalang muna, lalamig din ang ulo non, bakit kase nakita nya ang gift ko sayo.?" Ipinakita ko sa binata ang pagsimangot. Lalo lang itong nagtawa.
"Malay koba na ganon din ang regalo mo sa kanya? At malay ko din ba na ganong kaseloso ang lalaking yon?" Sabi sabay halakhak. Napatawa narin ako sa kanya.
"A-alis na ako David at baka hanapin ako ni Paolo." Paalam kona agad.
Tumango ito saka ako nagmamadaling lumabas. Sayang mabait at masarap ding kausap si DM. Kung sanay wala akong selosong asawa at kahit sinong lalaki ay pwede kong maging kaibigan. Sa ngayon mga pamangkin nalang ni Paolo ang pwede kong kaibiganin. Hmmpp.
Pagbalik ko sa silid namin ay tulog parin ang asawa. Nakadapa na ito at nakahalang sa katre. Masarap parin ang tulog. nakaharap sa akin ang mukha. Bahagyang nakaawang ang bibig nito.
Gwapo ka sana... Kung palangiti ka. Napahagikgik ako sa naisip. Kinuha ko ang cp ko at natutuwang pinicturan ang asawa.
Cute...
Inabala ko nalang ang sarili sa pagliligpit ng kalat sa silid namin. Saka ko tiningnan ang laptop ni Paolo. Bigla kong naisip kung may facebook ba ito? Bakit parang wala?
BINABASA MO ANG
Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )
RomanceUNEDITED VERSION NOW IN SELF PUBLISH Paano kung magising ka isang araw na hindi mo na kilala ang sarili mo? hindi mo na alam ang ibang mga nangyari sa'yo? wala kang maalala sa ilang naganap sa buhay mo? at hindi mo na matandaan ang ipinangako mong...