CHAPTER - 22 ( Confrontation )

1.8K 290 179
                                    

YUNA....

DI ako makapaniwala sa narinig kina Ten at Raffy. Dinala kase sila sa Presinto dahil sa panghaharas nila sa akin na nakita ni Sir David. Pero nagulat ako ng sabihin nilang tauhan sila ni Paolo na nagbabantay sa akin. Seriously? May secret bodyguard pala ako nang wala manlang akong kamalay-malay.

Natahimik nalang ako sa mga nalaman pero nagpupuyos ang kalooban ko. Nakakainis na ang lahat. Parang bantay-sarado ako kahit saan.

"M-maam wag na po kayong magalit kay Sir, concern lang po sya sa inyo---"

"Pwede wag nyo akong kausapin?" Asik ko sa dalawa. Nakita ko silang nagsisikuhan na tila nagsisisihan.

Pagkagaling ng presinto ay nagpaalam ako kay sir David, kailangan kong bumalik sa bahay para komprontahin ang asawa. Sobra na ang ginagawa nito. Akala ko pa naman okey kami. Pero lumalabas na hindi.

Nag-commute nalang ako papunta don. Muntik na akong maligaw buti nalang alam ng taxi driver kung saan ang Villanueva Builders kaya don ako dumeretso tutal ay naroon naman ang Asawa.

Dire-diretso akong pumasok sa opisina nya. I saw him na nabigla pagkakita sa akin, maging ang P.A nya . Sinenyasan ko si Greg na umalis muna at sumunod naman ito. This is the battle between husband and wife. Sana di ako kabahan sa gagawin ko pero kase sobra na ito eh.

Kaya mo yan Yuna... Sabi ko pa sa sarili. Seryoso ang mukha ni Paolo kaya kinakabahan ako sa komprontasyon na yon. Galit pa kase ito sa party namin kina Tristan.

"Bakit ka nandito? Diba bumalik ka na ng cavite kanina? Without even saying goodbye to your husband!" Madiin at may talim sa tinig ni Paolo na lalo kong ikinakaba pero nagpakatapang ako.

Mababaw lang ang kasalanan ko kesa sa kasalanan nya. Yon nalang ang pampalakas ng loob ko. Ibinaba ko ang dalang bag at Nakapameawang ko syang hinarap.

"Hindi talaga ako nagpaalam, sinadya ko yon dahil inis ako sayo. at ikaw bakit mo ako pinapabantayan sa mga bodyguard mo ha?" Mataray kong tanong kahit nanginginig ang tuhod ko sa sobrang kaba.

Lalo akong kinabahan ng makitang tumigil sa ginagawa si Paolo at lumapit sa akin. Sumandal sya sa table at nakahalukipkip na pinagmasdan ako.

"As far as i remember, wala akong bodyguard.---"

"Eh sino pala----"

"They are your Bodyguard. Not mine. At ano naman kung pinapabantayan kita? You're not in good condition kaya dapat lang na may bantay ka," prenteng sagot nito na tila wala manlang pakialam sa mararamdaman ko. Bakit parang nagiba ang lalaki? Parang ang hirap na nitong kausapin ng ayos. He is so domineering. Parang diyos kung magsalita at magutos at naiinis ako.

"If i know noon pa man may bantay na ako.Hindi ko kailangan ng bodyguard. " Diin ko.

"Ako ang nakakaalam kung ano at hindi ang dapat sayo!"

"Paolo sumosobra kana, hindi mo na nga ako pinapayagan kung saan tapos pababantayan mo pa ako.---"

"Hindi pinapayagan? Are you sure? Bakit ka nagwowork sa cavite kung di pala kita pinapayagan. I'm your husband pero kung umasta ka para kang walang asawa."

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon