CHAPTER - 56 ( A Love Letter )

1.8K 280 201
                                    

YUNA...

Ilang araw lang kami namalagi sa bahay, nang makabalik na sa probinsya ang mga magulang nila Paolo ay naghanda na ulit kami pabalik sa palawan. Syempre kasama ulit ako kaya di ako nagaalalang maiwan.

"Ang dami mong dala sweetheart, don kana ba titira? May mga damit kapa don ah?" Kunot ang noong komento ni Paolo sa malaking bag na inihanda ko.

"Mga pagkain ang dala ko, wala kaseng tindahan don."

"What?"

Kinuha nito ang travel bag ko at binuksan yon, puro biscuit lang naman yon saka ilang tsitsirya.

"Sabi ko sayo pagkain lang yan," nakalabing sabi ko.

Napailing lang ang asawa at di na pinansin yon.

"Magsama ka ng bodyguard mo, pumili ka nalang kung sino ang gusto mo, yung di mo tatakasan ha." Banta pa..

"H-ha di na yon kailangan Paolo, isa pa walang tutulugan yon, behave naman ako don---"

"Bakit ba ang dami mo laging dahilan? Basta mamili ka, kung gusto mong isama kita," masungit na sabi. Inis akong napabuntong hininga.

Nagisip ako kung sino ang isasama. Obviously ayoko kay Rennan, asawa ito ng bestie ko at baka isumbong pa ako kay Vanessa pag pinahirapan ko sya. Lalong ayoko kay Samson, sa daming puno don ay baka matakot lang ako sa kanya dahil mukha itong kapre sa laki. Isa pa loyal ito kay Paolo. So si Ten nalang at Raffy. Tutal sila naman ang kasama ko dati sa cavite. At mukang mas nangingilag sakin ang dalawa.

Napangiti ako.. Bumaba ako ng hagdan para kausapin ang dalawa. Nakita ko silang kaumpukan ng iba pang mga bantay don. Tssskk ang dami nila eh mga wala namang ginagawa. Nang makita ako ay kanya-kanya silang layo sa isat-isa at naiilang na bumati  sa akin. Si Samson lang talaga ang malakas. Porket dikit kay Paolo hmmmpp..

"Ten, Raffy kakausapin ko kayo." Tawag ko sa kanila.

Lumapit naman sila sa akin.

"Maggayak kayo, kailangan ko daw ng bodyguard sa palawan, pero binabalaan ko kayo ha, ako ang boss nyo. Kaya dapat loyal kayo sakin, baka sumbungero kayo sa asawa ko-"

"H-ho.." Nagaalangan ang reaksyon nila.

"Basta maging tapat kayo sa akin at sisiguraduhin kong di kayo matatanggal, sabi ni Paolo babawasan na nya kayo eh, kase mga wala na kayong ginagawa." Pagsisinungaling kopa. Nakita kong nagalala sila.

"Maam basta po di nyo kami ipapahamak, syempre sa inyo ang loyalty namin."

"Good, sige maghanda na kayo."

"Okey maam."

I smirked bago umakyat sa taas. Naabutan ko si Paolo sa kama namin. Nakaligo na ito at nagpapatuyo ng basang buhok. Mabangong-mabango ito at naaakit akong landiin sya pero ayokong mapagod ngayong gabi. Delikadong maiwan ako bukas. Malay koba sa takbo ng isip ng asawa. paano kung bigla nya akong takasan?

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon