[Emily POV]
Nang makarating na kami sa bahay, dinala ko si Vanity sa kwarto nya. Naupo sya sa kama at tulala. Sobra siguro Ang hirap na dinanas nya kaya sya nagkaganto. Ako nalang Ang meron si Vanity kaya kahit anong mangyare Hindi ko sya pababayaan. I don't care kung habang buhay ako mag alaga sa kanya.
Ngayon papaliguan ko na sya at hinubad ko ang damit nya. Tahimik akong umiyak nang Makita ko Ang mga peklat sa katawan Ni Vanity. After ko alagaan si Vanity at Ang anak ko, nagpunta ako sa kulungan Kung saan nakakulong Ang demonyong si Gerard. Hindi pa sya nahahatulan Ng korte kaya pansamantala syang nakakulong. Nagkita kami Ni Tito Lucas at lumapit sya saken.
"Lucas: Emily."
Hindi ako sumagot at nanatili akong tahimik.
"Lucas: I'm sorry sa lahat Ng nangyare. Handa akong makulong at pagbayaran Ang mga kasalanan ko sayo, lalo na sa kapatid mo."
Huminga ako Ng malalim bago sumagot.
" Hindi na po kailangan. Ang mahalaga nabawi ko na Ang kapatid ko at malayo na sya Kay Gerard. Mauna na po ako."
Umalis na ako. Galit parin ako Kay Tito Lucas. Sya Ang pinaka dahilan Ng lahat Ng to dahil tinulungan nya si Gerard.
Gabi na at nasa kwarto ako ngayon ni Vanity. Wala paring pagbabago sa kundisyon nya. Ganun parin sya, wala sa sarili. Miss na miss ko na ang kapatid ko. Miss na miss ko na ang mga ngiti nya at paglalambing nya. Yung Vanity na napaka cheerful miss ko na.
Kalong ko ngayon si Chloe at nakaharap kami kay Vanity.
"Miss kana Ni Chloe. Namimiss na syang kargahin Ng tita nya."
Hindi ko na napigilan Ang sarili Kong umiyak.
" Alam mo ba nung nawala ka, nahihirapan kaming patulugin sya kasi ikaw hinahanap nya. Ako Ang mom nya pero mas malapit sya sayo. Haha."
Sobrang saya ko Ng maalala ko yun.
" Nanibago kaming lahat ng mawala ka. Wala Ng pumupunta sa kwarto namin para hiramin si Chloe. Wala Ng lumalaro Kay Chloe. Wala Ng nagtatanong saken Kung anong ulam. Please sweetie. Magpagaling kana."
Niyapos ko sya. Nang humarap ako sa kanya, nakita ko na pumatak ang luha nya. Pinunasan ko ang luha ni Vanity.
"Goodnight sweetie."
I kissed her forehead at idinikit ko Ang pisngi Ni Chloe sa lips Ni Vanity para may goodnight kiss din si Chloe sa kanya.
Nasa korte ako ngayon at nahatulan na si Gerard. Not guilty Ang naging hatol sa kanya dahil may sakit sya sa pagiisip. Hindi na masama, satisfied narin ako sa naging desisyon Ng korte. Hindi man sya nakulong, he will spend his whole life in asylum.
Dinala ko sa psychiatrist si Vanity at umaasa na gagaling pa Ang kapatid ko.
"Doctor: Makakatulong sa pag galing nya Kung iinom sya ng medication. Pero napansin ko buntis sya. Makakasama sa baby nya Ang gamot. Siguro antayin nalang natin sya makapanganak bago ko ireseta ang gamot sa kanya. Sa ngayon, I suggest na kausapin mo sya. Sa tingin ko naririnig ka Naman nya. Makakatulong rin Kung dadalhin mo sya sa counseling paminsan minsan."
Nang makauwi ako samin, nanood ako Ng tv. Gaya Ng inaasahan ko si Vanity Ang headline Ng balita. Mabilis kumalat Ang balita na natagpuan na si Vanity. Napaka detalyado nila. Alam din nila na si Gerard Ang kumidnap Kay Vanity. Si Gerard Hunt na anak Ng billionaire na si Lucas Hunt. Kung ano anong headline ang nakita ko. "Vanity is abused by her stalker" at Yung Isa namang headline "The Star is pregnant by her Captor". Nai-stress ako sa laman Ng mga balita. Hindi ko Alam Kung pano ba nila nakukuha ang mga ganung impormasyon.
BINABASA MO ANG
Vanity
Mystery / ThrillerAfter 5 years nakita ulit Ni Vanity Ang lalaking obsessed sa kanya. [Vanity POV] Pagsakay ko Ng driver's seat inayos ko agad Ang seatbelt ko. Hanggang sa nakaramdam ako Ng cold metal sa temple ko. Lumakas Ang tibok Ng puso ko Ng marealize ko na may...