21. The Bet

82 1 0
                                    

Siren's POV

"Ano kaya ang mas maganda na isuot ko sa party ni Enrique bukas? Ito or ito?" Tanong ni Julia sabay pakita nang pictures na nasa phone niya.

Wala talaga ako sa mood ngayon. I just picked one of the outfits at isinandal ko yung ulo ko sa headboard nang kama ko. Nandito pala kami sa isa sa mga resort na pag aari nang mga Vergara. Dito daw kasi gaganapin ang party ni Enrique. Baliw lang. House warming party daw niya for his new house tapos dito sa resort ang venue? Ano ito lokohan? Eh andon sa city yung bahay niya.

Hay, wala naman akong magawa kasin pinilit ako ni Enrique at pinasama ako nila Mommy. Well, Ieuhence is with me though. That night when his eyes turned black and he disappeared bigla ay umiiyak ako pabalik sa bahay at patungo sa kwarto ko. I cried myself to sleep that night at na alimpungatan lang ako nang may humahaplos sa tiyan ako. And there, I saw Ieuhence lying beside me.

Ieuhence said sorry for his actions the other night. Hindi din daw niya alam kung anong nangyari. I believe him. He said sorry for how many times. Sino naman ako para hindi mag patawad diba? I just nodded and hugged him.

Napatingin kami ni Julia sa bintana nang may nag kukumpulang mga babae. They seemed to be pretty excited about something. These girls were running towards the pool. Ang dami-dami namang tao na nag tatakbuhan. Ano na naman bang meron? Hinila ako ni Julia pa tayo at lumabas na kami sa villa namin dito sa resort. Lumapit kami doon sa mga babae.

"Makiki-tsismis lang ah. Anong meron at nag sisitakbuhan kayong lahat? May sunog ba? OMG Bes! Ang mga outfit ko! Ang shoes ko! Ang gadgets ko! Huhuhu--" I cut her off. Ang ingay kasi eh.

"Mag tigil ka nga Julia! Walang sunog okay? Kung meron man tumunog na sana yung alarm at may nakikita tayong usok. Calm down,will you?"

"Ay ate--si ano po kasi...si Enrique Vergara po at si Ieuhence Padilla nasa swimming pool daw po yata at lumalangoy. Marami pong gustong manood eh. Alam niyo na po, eye candies."

What?! Parang na alarma naman ako doon. Something just does not sound right. Si Enrique at Ieuhence mag kasama sa pool? Together? That's trouble.

Kinuha ko yung kamay ni Julia at hinila siya patungo sa swimming pool area. Narinig ko na sumisigaw pa si Julia na dahan-dahan lang daw pero hindi ko na siya pinansin.

My thoughts wondered habang nag lalakad kami. Ano na naman kaya ang na isip nang dalawang yun at nasa swimming pool silang dalawa? My God! Nakaka stress sila.

We finally reached the pool area at talagang kinailangan ko pang itulak yung iba para makadaan ako. Excuse me! Dadaan ang buntis! Subukan niyong ma tamaan yung tiyan ko at kayo ang tatamaan sa akin. Nung una ayaw pa nila akong pasingitin. I raised an eyebrow. Pero dahil na rin siguro sa katagang 'Perks of being Sirenyx Vizel Montero' ay pinadaan ako. Isang kilay lang pala katapat niyo eh. In no time, nasa harapan na ako--kami rather. Hinila ko pa talaga si Julia. At the other side of the pool ay doon nakatayo si Ieuhence at Enrique in their board shorts while stretching.

To say that I was weak-kneed is an understatement. Don't get me wrong, I already know that Ieuhence has an awesome body and I've seen it full-blast. But that was months ago and gosh I feel like my knees are trembling.

"Siren! Julia! Ano ba kayo! Kumain lang ako saglit nawala na kayo at--" narinig kong sigaw ni Francheska.

"Holy mother of God!" She stopped mid-sentence.

I'm sure napansin ni Julia kung ano ang pinag titinginan nang mga tao. Is it fair to say that Ieuhence still sort of shines kahit na hindi siya in angel form? It's not earthly possible to look that good.

This Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon