29. Gone

41 1 0
                                    

Siren's POV

Ieuhence finally arrived. Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa mata ko para makita ko siya ng malinaw. Tumingin siya sa paligid at nakita niya si Enrique and then his eyes stopped on me.

"You don't want to do this." Narinig ko na sinabi niya kay Nathan.

Natawa lang si Nathan sa kanya. "Oh, I'm pretty sure I really want to do this." Sinagot niya kay Ieuhence. "Tatanga-tanga karin kasi eh. Pumunta ka pa dito. Alam mo naman na kung anong pwedeng mangyari."

"Ieuhence! Ieuhence! You have to go! Hindi ka dapat nandirito! Umalis ka na!" Sigaw ko sa kanya.

Tumakbo si Ieuhence kung nasaan ako at lumuhod siya at magkalapit na yung mukha naming dalawa. The color of his eyes were darker than the last time I saw him. He looked really sad, but he still smiled at me.

"Are you okay? I promise I'll get you out of here safe." Sabi niya at humawak siya sa pisngi ko.

"Ieuhence, hindi ka pwede dito! Alam mo naman yung kalagayan mo!" Sinigaw ni Enrique doon sa gilid.

Lumingon naman si Ieuhence sa kanya.

"Alam ko. Pero walang iba pang lugar kung nasaan dapat ako kung hindi dito. I thank you for looking after me, but it is my job to look after you." Sinagot niya kay Enrique.

"Don't you get it?! Don't be selfish! Kailangan mong umalis! Ano? Nilalagay mo kami sa posisyon na ito? Kapag may nangyari sa iyo konsensya pa namin?" Sigaw naman ni Enrique sa kanya.

Ngumiti lang si Ieuhence sa kanya. I did not expect it from him.

"Ito na yata ang kauna-unahang pagkakataon na narinig ko na nag-aalala ka sa akin, Enrique. I'm honored. But I have to be here."

Pagkatapos niyang kinausap si Enrique, tumingin siya uli sa akin. Nung una nakatitig lang siya sa akin na walang sinasabi, kaya tumulo na uli yung luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang nung mga oras na iyon na wala siyang sinasabi, lalo akong nasasaktan.

"Please Ieuhence, umalis ka na." I beg you.

"And let you die? Let our child die? Hell will freeze over before I'll let him take you." sinagot niya ng mabilis.

"I cannot fail all of you. As a guardian angel, it's my duty to protect you."

"P-pero ikaw...i-ikaw naman ang..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko sana, the thought of it alone is killing me. "P-please Ieuhence."

Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Niyakap ko rin naman siya at ayaw ko na siyang pakawalan pa. Pati paghinga niya, like a mortal. Nararamdaman ko.

"Are you scared of me?" narinig kong tanong niya sa akin.

I was taken aback by that question. Takot? Bakit naman ako matatakot sa kanya? I've never felt that way towards him. If anything, I've always felt secured whenever he's around.

"No. I'm not. Hindi ako natatakot sa'yo. Hindi kailanman." Sagot ko sa kanya.

"Do you trust me?" He asked me again. Nung tinanong niya 'yon saka lang siya humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin at tinignan niya lang ako uli ng diretso habang inaantay ang sagot ko.

I gulped and just nodded.

"Good. So when the opportunity comes, you have to do as I say if you trust me."

This Kind of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon